CHAPTER 15

2.9K 105 19
                                    

"Ezekiel!" sigaw niya nang tuluyang makalapit sa kinaroonan nito at ng ilan pang tauhan ng kanyang tiya Ruvy.

His strong back was turned to her. Dahil walang pang-itaas na saplot ay kita niya ang bawat peklat nito. Likod pa lang ng lalaki, pakiramdam niya'y sinisilaban na ang kanyang buong katawan. The deep hollow from where his spine ran down curved when he turned to her, first, with his upper body and then she totally got his attention.

She took a sharp intake of breath when his piercing deep-set eyes focused on her. Sari-saring emosyon ang naroon ngunit ang sa tingin niyang pinaka-higit sa lahat ay galit. At paanong tila ito pa ang may ganang magalit sa kanya?! She isn't the player here!

Pero ilang araw ba niyang hindi nakita ng personal si Zeke? Almost a week? Three days? Ngunit tila ba mas lalo lang itong gumuwapo at tumikas sa kanyang paningin. Did his body become bigger? Imposible para sa ganoong kaikling panahon! It's probably the intensity in his aura right now that changed the way she sees him.

"A-Ano'ng ginagawa mo rito?" aniya nang tuluyang matagpuan ang kanyang tinig.

He walked towards her. Mabagal ngunit alam niyang handang umatake. She wanted to run away from him...from the dangerous feeling she has towards him. But she couldn't take the first step. She couldn't even look away from this dangerous and beautiful man.

"Nangako kang ipapakilala mo ako sa mga tiya mo. Bakit tinatanong mo kung ano'ng ginagawa ko rito?" anito sa baritono at malalim ba boses.

Nangilid ang luha sa mga mata niya. That was the plan before! Pero bakit pa nito gustong makilala ang pamilya niya kung pansamantala lang naman sa buhay niya? Magdagdag lang sila ng masasaktan!

"Sumunod ka sa'kin," aniya habang nagpatiuna sa paglalakad. She cannot talk to him while her aunt's men were watching. She's also fully aware that her aunts were observing them from the window.

Huminto siya nang marating na ang punong mangga sa mas pribadong bahagi ng lupain ng mga tiya niya. Nilingon niya si Zeke na ngayon ay may bitbit nang kulay gray na v-neck na damit at isinusuot iyon. Her eyes wandered on the rippling muscles of his body. Nag-iwas ng tingin nang mahuli nito ang kanyang ginagawa dahil tapos na palang magdamit.

Sumulyap siya sa malayong kabukiran. But she's fully aware of the stares he's giving her. Umiihip ang presko at malamig na hangin sa kanyang buhok.

"Kakagising mo lang?" malumanay na tanong sa kanya. Malayo sa rahas na makikita sa mga mata.

"B-Bakit ka ba talaga nandito, Zeke? Wala ka na bang trabaho?" aniya sa halip na sagutin ang tanong nito. She didn't expect him to be here! Lalo na dahil sobrang busy nito no'ng nakaraan at baka nga mas busy pa ngayong disyembre.

"Tinapos ko ang lahat ng trabaho. I'm on indefinite leave right now, Ada."

Laglag ang panga nang lingunin niya ito.

Suminghap si Zeke at para bang may kung ano rito ang napigtas. Inilang hakbang nito ang distansiya nilang dalawa. Ang isang braso ay isinandal sa mababang sanga sa ulunan niya samantalang ang isa ay nakaharang sa gilid, ikinukulong siya.

She suddenly felt overwhelmed of his presence. Ang tangkad at laki ni Zeke ngayong halos katapat niya na. Mariin din ang paninitig na ginagawa nito sa kanya. Gustuhin man niyang ibalik ang tingin nito ay inaatake siya ng masidhing kaba.

"Akala mo ba hindi ko napapansin ang ginagawa mong pag-iwas, huh, Ada? No'ng nakaraan pa! I just don't want to bother you too much about us these past few days because you might still be in shock after what happened," he said sounding so hurt and sad.

Sinaway niya ang sariling huwag magpapadala sa sinasabi at ginagawa ni Zeke. He's a skilled playboy! Kaya naman inalala niya ng husto si Danielle at ang sinabi nito. Kung magpapadala siya ngayon sa suyo ni Zeke, hindi malabong tumulad din siya sa kinalalagyan ng babae.

DL Series #1: Dangerous Attraction (A SharDon Fanfiction)Where stories live. Discover now