CHAPTER 3

1.2K 68 0
                                    

Hindi na naman siya pinatulog ng maayos ng lalaking iyon! Buong gabi, iniisip niya ang itsurang iniharap niya rito kahit karaniwan namang hindi conscious sa sarili. Yes, they were taught to always look presentable at work. Pero wala naman siya sa trabaho, ah! Nasa bahay lang siya. Kaya dapat ay hindi siya ma-bother ng ganoon sa nangyari!

Iyon ang inisip niya sa buong araw ng Linggo. Ano naman kung pangit siyang humarap sa lalaking iyon? Bakit siya ang dapat mahiya at mag-isip ng ganoon? Hindi ba ito ang mas dapat na mangamba sa dami ng dinulot na perwisyo sa kanya?

But...about that. Totoo nga ang sinabi ni Zeke na sira ang CCTV sa kanilang street. She asked their captain about it. Sinabi rin nito sa kanya ang mga ipinangako ni Zeke kagabi tungkol sa mga reklamo niya rito. Kapitan Nestor asked her to just reconcile her issues with her neighbour.

"Mabuting bata iyon, Ma'am Mendoza. Nasisiguro ko sa'yong hindi iyon gagawa ng masama," paniniguro sa kanya ng Kapitan.

Well, how can she be sure about that? She barely knew the man. Ni hindi niya nga alam kung saang lugar ito nagmula at kung ano ang ginagawa sa buhay. Iniisip marahil ng mga ito na nagiging judgmental siya. Pero sino ang hindi huhusga sa ganoong ka-misteryosong tao?

Sa huli ay nag-desisyon siyang pakawalan na iyon at panghawakan ang ipinangakong mga pagbabago ni Zeke. Not that she really believed him but because she realized that she doesn't have the time and the money to push through with the case. Nag-research siya at tama ang sinabi ni Zeke na magiging kaparusahan nito kung sakali ngang magsasampa siya ng kaso. Wala rin siyang maipapakitang ebidensiya kaya sigurado siyang masasayang lang talaga ang panahon at pera niya kung sakali.

She'll just wait for him to mess up again. Sa susunod na pagkakataon na gumawa muli ito ng ganoon, itutuloy niya na talaga ang pagsasampa rito ng kaso. She cannot let him get away every time just because he appeared to be friends with their barangay captain. Bagay na nagpapaisip din sa kanya. Paano nangyari iyon kung ilang taon pa lang ang lalaki rito at hindi naman niya nakikitang sumasama sa mga programa ng barangay?

Inabala na lang niya ang sarili sa mga gawain. Tahimik naman ang katabi niyang bahay. Hindi na siya nagambala pa ng tunog ng motor nito. Hindi niya sigurado kung hindi na naman ito umuuwi o tinupad na ang pagbili ng panibagong muffler para sa sasakyan. Either way, she's thankful for a more peaceful environment.

She's on her last class for the morning. Habang nagtse-check ng short quiz ay na-distract siya sa kung ano'ng ingay dahilan para mapa-angat siya ng tingin sa kanyang mga estudyante. Naka-bilog ang mga ito kasama ng kanya-kanyang grupo. She gave them an activity which they will also present today. Ngunit ang grupo ng kalalakihan sa likod ay tila may ibang inaasikaso.

She adjusted her eyeglasses before calling them out. "Jomar, Alvin, at Arnel...gumagawa ba kayo ng activity? Bakit ang ingay niyo sa likod?"

Natigilan ang mga ito. Pansin niya ang pagsiko ni Alvin kay Jomar at ang pagpasa nito ng papel. Kumunot ang kanyang noo bago nagpasyang tumayo upang tunguhin ang mga ito.

"Arnel at Jomar, hindi ba't sa ibang grupo kayo? Bakit narito kayo kanila Alvin?" tanong niya sa mga ito.

"A-Ah...Ma'am...kasi..." napakamot si Jomar sa ulo.

Nilahad niya ang kanyang palad nang makita kung paano nito itago ang papel na ipinasa ni Alvin dito. "Akin na 'yan."

Pinamulahan ito ng mukha. "Ma'am..."

"May pinapagawa ako sa inyo hindi ba? Bakit parang mas interesado pa kayo sa papel na 'yan? Akin na at titignan ko kung may kinalaman sa subject ko 'yan."

Natahimik ang buong klase. Sa huli ay sumuko si Jomar at inabot sa kanya ang papel. Tinanggap niya iyon at binuksan para basahin.

'PWEDE BA TAYONG MAG-SINE PAGKATAPOS NG KLASE, ROSETTE?'

DL Series #1: Dangerous Attraction (A SharDon Fanfiction)Where stories live. Discover now