CHAPTER 7

1.4K 66 3
                                    

Tumigil ang motorsiklo ni Zeke sa bilihan ng halaman. It's an ordinary house but the garage was turned into something like a garden. Ilang halamang nakapaso ang naroon at maaring pagpilian.

"Ma'am Ada! Nakakabigla naman ang pagpunta mo rito. Ano'ng hanap mo?" ani Aling Heidi, ang nagpapatakbo sa shop na iyon. It started out as a hobby until it became a business. Dito rin namimili noon ang mga tiya ng halaman kaya kilala niya.

"Ah, mga halaman po sana na hindi naman kailangan ng madalas na pagdidilig. Mayroon po?" she asked the woman. Ngunit nang tignan niya ay sa iba naman ito naka-tingin.

Sumunod siya sa linya ng tingin ng nasa katamtamang tandang babae at naintindihan kung ano'ng naka-agaw ng pansin nito. Zeke is busy looking at the display of different kinds of potted plants. He looked adorable now that he's surrounded with colourful plants. Although she doubts if the huge man would like to be described as adorable.

"Si Zeke po—" pakilala sana niya nang putulin siya ni Aling Heidi.

"Boyfriend mo, Ma'am?" namamangha nitong sinabi. "Ang guwapo at ang tangkad! Model ba iyan?"

Her eyes widened at her conclusion. She turned to Zeke again who's now looking at them and making his way to her. His deep-set chocolate brown eyes were intently focused on her face. Nilingon niya ang babaeng kausap.

"Hindi po! Hindi. Kapitbahay ko po si Zeke. Tinutulungan ko lang pong maghanap ng halaman para sa bakuran niya," aniya para pabulaanan ang sinabi nito.

"Magandang hapon po..." ang baritonong tinig ng kasama.

Akala niya mangi-intriga pa si Aling Heidi ngunit nakahinga siya maluwag nang hindi na ito nagtanong pa. Itinuro na lang nito ang mga halamang pupuwede nilang bilhin.

Paakatapos pumayag ni Zeke sa kanyang mga napili, nagbayad na ito para sa kanilang kinuha. Nawala si Aling Heidi nang pumasok sa loob para kuhanin ang resibo at sukli sa ibinayad ni Zeke rito. Siya naman ay napukaw na ng maliliit na cactus at succulents ang atensiyon.

She marvelled at the cute plants displayed on a dark glass table. Kahit na alam namang matutusok, idinikit niya ang daliri sa tinik ng isang maliit na cactus at nangiwi. She smiled before looking at a group of cute and colourful moon cactus. Dinampot niya ang maliit na paso ng isa habang kuryosong tinignan ang kabuuan ng halaman.

"Gusto mo 'yan? Isabay na nating bilhin."

Nabigla siyang marinig ang tinig ni Zeke na halos nasa tapat ng kanyang tainga. She didn't dare to face him. Nasa likuran niya ito at batid niya ang lapit nilang dalawa.

Umiling siya.

"Meron na ako niyan. Nasa study table ko," aniya.

Kinuha ni Zeke ang kaparehong halaman mula sa mesa. Kulay dilaw naman ang kulay ng pabilog na cactus na nasa ibabaw ng berde at pahabang cactus. Hindi ito umaalis sa kanyang likuran kahit na puwede naman ito'ng pumuwesto sa kabilang banda ng mesa. She refused to dwell more on that. Pinuna niya rin ang sarili dahil sa pagpansin masyado sa mga kilos ni Zeke.

"You should get one," suhestiyon niya. "Nakaka-bawas ng stress ang halaman."

"What color do you have?" he curiously asked.

Iniharap niya kay Zeke ang hawak na moon cactus na kulay pink naman. "Ganito."

Ibinaba ni Zeke ang hawak bago kinuha ang halamang hawak niya. When the skin of their hands touch, she felt a sudden jolt of electricity. Mabilis niyang binawi ang kamay at pinisil-pisil iyon. What happened?

She doubts if Zeke even noticed what happened. Dala ang halaman ay lumapit ito sa ginang para ipahabol ang hawak na cactus. Sinundan niya ito ng tingin habang patuloy na nag-iisip tungkol sa nangyari.

DL Series #1: Dangerous Attraction (A SharDon Fanfiction)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant