CHAPTER 12

1.5K 51 1
                                    

It was the best three months of her life with Zeke. At pansin iyon ng kanyang mga ka-trabaho at mga kaibigan. She finally introduced Zeke to her college buddies. Sa una'y nanibago na may boyfriend na siyang kasama ngunit kalaunan ay nasanay na rin naman. Natatawa nga lang siya dahil sa tuwing makikipagkita na kasama si Zeke, ang natural na maiingay na mga kaibigan ay nagiging tahimik at mahinhin bigla.

They would express their real feelings on their group chat, though.

"Sigurado ka bang pulis ang boyfriend mo, Ada? Mukhang artista!" ani Norielle.

"Nakaka-intimidate. Ang husay mag-english akala mo Amerikano." Si Leon naman iyon.

"Crush ko na nga yata, Ada," ani Mark.

"Nakita niyo ba paano maka-titig kay Ada kapag nagsasalita? 'Di niyo maaagaw 'yan! In love na in love sa kaibigan natin."

Tinawanan niya lang ang kalokohan ng mga ito. She's glad that Zeke and her friends get along well. Malaking bagay iyon para sa kanya dahil para na rin niyang mga kapatid ang mga kaibigan. Ang hindi lang niya alam ay kung papasa rin si Zeke sa kanyang mga tiya.

More than anything, that's what matters to her the most. She doesn't know how to tell them, though. Lalo na ang sabihin kung paano ang nagiging arrangement nila ni Zeke. Her aunts were very traditional, sabihin man na malayo na ang narating ng sibilisasyon at teknolohiya. She's afraid to disappoint them once they find out that she's sleeping with him outside marriage.

Pero hindi rin naman niya mapigilan ang kanyang sarili! Every time Zeke would kiss and touch her, her years of knowledge and deep-rooted principles are completely forgotten. She only acts based on emotion and not on brainpower. Mas nananaig ang pakiramdam kaysa sa sinasabi ng isipan.

Now she understands why even the most intelligent person becomes stupid when it comes to love. She'd seen people fall and break from it. Noong hindi pa niya nararanasan, kaya niyang sabihin na madali lang isantabi ang damdamin para gawin ang tama at nararapat. Now that she's experiencing it first hand, she realized how potent its power is.

Nagising siyang naririnig na ang shower sa bathroom ni Zeke. Napangiti siya bago kinusot ang mga mata. Her whole body ached but she also felt very satiated. Nasasanay na siyang nagigising ng ganoon. Zeke is an insatiable lover and he would make love to her every night.

Tumayo siyang suot na ang tshirt ni Zeke sa ibabaw ng kanyang underwear. Gaya ng nakasanayan, magsisimula na siyang maghanda ng breakfast nila bago pumasok sa kanya-kanyang trabaho.

Palabas na siya ng pinto nang marinig ang pagtunog ng cellphone ni Zeke para sa isang tawag. Nilingon niya ang bathroom at naririnig pa rin ang umaagos na shower. She decided to pick the phone up to see who's calling. Kapag hindi masasagot ni Zeke ang tawag ay hinahayaan siya nitong sumagot. Usually it's from his workmates but that wasn't the case this time.

Ella. Basa niya sa pangalang naka-rehistro sa numerong tumatawag. Nagsalubong ang kanyang mga kilay. Who is Ella? Ngayon lang yata niya nakitang tumawag iyon kay Zeke o siguro hindi lang siya ang nakakasagot.

Ilang sandali niyang pinag-isipan kung sasagutin ba ito o hindi. Namatay ang tawag ngunit tumunog din muli ang cellphone ni Zeke. Sa huli ay sinagot na lang niya dahil baka emergency iyon.

She's about to greet when the woman on the other side of the line started speaking.

"Sweetheart! What took you so long to answer my call?" she said.

Sweetheart? Hindi siya makapagsalita. Napipilan na siya sa narinig mula sa babae.

"Busy ka na naman ba sa trabaho, ha, my Zekie? You forgot to call! Nagtatampo na ako sa'yo. You know my week isn't complete without talking to you."

DL Series #1: Dangerous Attraction (A SharDon Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon