CHAPTER 4

1.1K 62 1
                                    

Nagpalitan sila ni Jacko ng numero. Anito'y pag-isipan niya raw ang inaalok nito at kontakin lamang siya kung sakali. Nagulat siya sa pagpayag niya roon. She should answer him with a hard 'no' but instead she promised to consider the offer. Nakita niya ang satisfaction sa ekspresyon nito bago sila naghiwalay dahil doon.

Ayaw man aminin ngunit totoong kino-konsidera nga niya ang sinabi nito. She actually gave it a serious thought for the following days. Matagal nang sa parehong mga bagay lang umikot ang buong buhay niya. Matanda naman na siya ngayon at maaari nang mag-decide para sa sarili. Why can't she let herself experience something new?

Sumapit ang araw ng kanyang birthday. Kahit na maaari namang kumuha ng leave sa araw na iyon, pinili niyang mag-trabaho. She won't get to celebrate it with her friends anyway. Working day ngayon at ang alam niya ay may mga nauna na ito'ng lakad kasama ng kanya-kanyang partners. Si Marco naman ay mago-over time sa trabaho.

Hindi sumama ang loob niya roon. May mga pagkakataon naman na hindi rin siya nakaka-attend ng birthday celebration ng mga ito dahil sa paghahabol ng requirements sa graduate school o dami ng trabahong kailangang tapusin. They could just move the celebration when everyone's available. Matatanda na sila para dibdibin pa iyon.

Napuno ng mga pagbati ang kanyang cellphone. Nauna niyang pasalamatan ang sa kanyang barkada. Eksaktong pagkatapos no'n ay tumunog ang cellphone niya para sa tawag. She smiled when the screen flashed her Tita Ruvy's caller ID. Agad niya ito'ng sinagot.

"Tita!" excited niyang sinabi.

Mula sa kabilang linya ay narinig niya ang pag-aagawan ng mga ito sa telepono kung sino ang unang kakausap sa kanya.

"Hello, Ada, hija?" tinig iyon ng kanyang Tiya Rosa.

"Ako muna! Ako ang tumawag hindi ba?" sabi naman ng kanyang Tiya Ruvy. Mukhang nabawi naman nito ang cellphone dahil tinig na nito ang narinig niyang nagsalita. "Happy birthday, Ada!"

She chuckled. "Thank you po."

"Ada! Happy birthday!" ang Tiya Rowena naman niya iyon. "Pasensiya na kung wala kami riyan ngayon. Magluluto kami ng paborito mong handa kapag birthday na spaghetti at fried chicken dito. Gagawa ang Tiya Ruvy mo ng buko salad!"

Ganoon ang nangyayari tuwing birthday niya dahil alanganin sa bakasyon. Bumabawi naman siya tuwing uuwi sa probinsiya kapag holidays at summer break. Iyon nga lang halos dalawang linggo lang ang pinaka-matagal na pananatili niya roon dahil may tina-trabaho pa.

She missed them terribly. Kapag ganitong kaarawan niya ay nais niyang makasama ang mga ito ngunit wala naman siyang ibang choice.

Pinilit niyang pasiglahin ang boses. "Wow. Ang sarap naman po!"

"Oh, may lakad ka ba mamaya, Ada?" tanong ng kanyang Tiya Ruvy.

"Baka po mag-celebrate kasama ng mga ka-trabaho. Tapos bahay din po agad."

"Mag-iingat kayo kung gano'n. Nako, iba pa naman diyan sa siyudad," anitong madalas naman nitong paalala.

"Opo tiya," tugon niya.

Bagaman naiisip pa rin ang tungkol sa nangyaring krimen sa kapatid ni Ma'am Nanette, panatag na rin siya kahit paano. She's in a safe neighbourhood. Isa pa, magkakadikit naman ang mga bahay dito kaya kaunting ingay lang ay maririnig na. That thought comforted her but whenever it passed in her thoughts again she can't help but feel scared. Nakikita niya kasi ang sarili sa sitwasyon na iyon at kung ano ang maaaring mangyari.

Ilang sandal pa silang nag-usap bago nagpaalam. Naghanda na siya sa pagpasok. Dahil alam niyang maagang tatawag ang mga tiya para batiin siya, nai-adjust na niya ang gising kaya hindi nahuli para sa unang klase.

DL Series #1: Dangerous Attraction (A SharDon Fanfiction)Where stories live. Discover now