Chapter 2

10.5K 491 287
                                    

Chapter 2: Rumor
Zanashi

Mabilis na lumipas ang dalawang araw. Wala naman masyadong nangyari maliban sa occassional quizzes sa accounting, seatworks sa taxation, recitations sa business law, and other activities sa minor subjects.

Honestly saying, had they not start rumors about my 'insecurity' towards Sulivan, this week should've passed as some kind of ordinary week for me. As for the rest of the accountancy students, it's been a 'let's talk about Sulivan de Lopezes' week.

On thursday, the day after the rumors about what I said to Sulivan have circulated, another talk about Sulivan has started. Turns out, iyong babae palang kausap ni Sulivan sa locker area noong wednesday ay humingi ng tulong kay Sulivan. She asked Sulivan to teach her about some topics in taxation.

"Ako ang kumausap sa kanya pero ang daming dumating! I can't even ask questions kasi tanong sila nang tanong! Sana pala nag-aral na lang ako mag-isa!" ito ang narinig kong reklamo niya pagdating na pagdating pa lang nilang magkakaibigan sa comfort room.

"Eh kasalanan mo naman kasi, Nata. Di mo na dapat pa ipinaalam sa iba ang tungkol sa tutorial."

"Oo nga. You should know that what happened there would surely happen. Si Sulivan na iyon eh! Lahat talaga dadalo. Pag siya ang nagturo, ayos na ayos. Top... student...eh."

Tiningnan ako nung huling nagsalita at siniko ang isa sa mga kaibigan. Pare-pareho silang natahimik nang makita ako at gumawa ng kanya-kanyang pagkakaabalahan. Hindi ko alam kung para saan ang kabang nakikita ko sa mga mukha nila.

Dahil ba narinig kong pinupuri nila si Sulivan? Flash news, no need to worry because I literally heard everyone complimenting that man every single day.

Dahil ba narinig kong ayaw ng isa sa kanila na may ibang pumunta sa tutorial na naganap? Fortunately, wala akong pakialam doon. But unfortunately, hindi lang ako ang tao sa loob ng cr. May iba pang nakarinig sa pag-uusap nila.

Mabilis na bumukas ang isa sa mga cubicle at lumabas dito ang isang accountancy student.

"Irene, ikaw pala," mahina at kinakabahang bati ng isa sa mga magkakaibigan.

Pinasadahan niya ng tingin ang magkakaibigan at tumigil lang ang kanyang tingin kay Nata. Isang ngiting walang kalaman-laman ang iginawad niya  at dire-diretso na siyang umalis.

Hindi na ako nagulat nang pagsapit ng hapon ay mabilis na kumalat ang sinabi niya sa second years. Ang balita nga naman.

Sa ginawa naming group activity sa isang minor subject, iyon lang ang naging usapan ng mga kagrupo ko. Nakabilog ang mga bangko namin kaya talaga namang ganadong-ganado silang mag-usap.

Pabulong-bulong, konting sulyap sa Professor, tapos konting abante sa akin na para bang tinutulungan nila ako sa paggawa.

"Ang kapal! Last month nga, ako ang kumausap kay Sulivan. Eh, bakit nando'n siya?" inis na sabi ng isa matapos makitang naroon na ngayon ang Professor namin sa isang grupo.

"Gusto ata niyang isa-isa tayong magpaalam kay Sulivan."

Nagtawanan sila pero agad ding tumahimik nang tumingin sa gawi namin si Prof. Mas lalo pa nilang idinikit ang bangko nila sa akin at tinuro-turo ang papel na sinusulatan ko habang kunyaring nagsu-suggest ng idea.

“Utak kasi dapat ang pinapagana, hindi bibig,” asar ng isa sa kanila kaya lahat sila ay nagsi-yukuan para tumawa.

“Pag ang reporting na ito, bunutan, patay na talaga tayo.”

“Hindi naman siguro,” sabay-sabay silang tumingin sa akin. “Tayo naman siguro ang mamimili ng reporter.”

Nanatili akong tahimik at ginawa na lang ang written report namin. Hindi ko na sila pinigilan dahil mas mabilis itong matatapos kung ako lang ang gumagawa. Kung pagalawin ko silang lahat, baka bukas pa kami matapos dahil sa walang saysay nilang pag-uusap at pag-aasaran.

After Her Last Straw (Dream Series #1)Where stories live. Discover now