Chapter 21

7.5K 432 291
                                    

Chapter 21: System
Zanashi

Our Professors always remind us that we should grab all the opportunities offered in college for the time will come that this will be useful than we expected it to be. I was with that statement before but today, I feel liberated.

Nanghihinayang ako dahil magandang pagkakataon din iyon pero ang panghihinayang kong ito ay pilit sinasapawan ng kasiyahan. Masaya akong makita ng mga taong hindi naniniwala sa akin na kaya ko, kaya ko higit pa sa inaasahan nila.

Siguro, kung dating Aphra lang ang pag-uusapan, siguradong siya pa ang magmamakaawa para lang tanggapin ulit. But everything's different now. Akala ko'y mature na ako noon pa man pero ngayon ko napagtantong hindi pa. Bata pa talaga ang dating Aphra.

Sa dinami-dami ng pinagdaanan ko ngayong semester at sa naranasan kong pagkabigo, ngayon pa lang talaga ako tuluyang natuto. Paano ako matututo dati kung hindi ko kailanman naranasang mabigo?

Hindi ka matututo hangga't hindi mo nararanasang magkamali. Hindi mo malalasahan ang tamis kung hindi mo pa natitikman ang pait. Hindi mo malalaman kung paano tumayo kung hindi mo naranasang madapa.

"Hey.."

Kakaliko ko pa lang sa isang corridor nang makita si Sulivan na nakasandal sa pader habang nakasukbit ang strap ng bag sa isang balikat. Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy sa paglalakad.

"How's the screening? You did great, didn't you?"

Ang maayos kong mood ay biglang napalitan ng galit. Why is he talking to me? Is he playing again? Baka gusto niyang marinig na hindi ako ang napiling makakasama niya sa cup?

"Oh, sungit sungit nito.." dinig kong pahabol niya.

Nagmadali pa lalo ako sa paglalakad. Hindi ko na siya naririnig kaya marahil ay hindi na siya nakasunod. Sa locker ako dumiretso para iwan ang accounting book ko. Walang tao pagdating ko doon dahil halos mag alas-sais na ng gabi.

Pagsara ko ng locker ay tumalikod na ako para umalis pero laking gulat ko nang makitang nakatayo na ngayon si Sulivan sa harap ko. Napahawak ako dibdib ko at bahagyang napapikit.

"Sorry.." natatawa niyang sabi.

Inis ko siyang tiningnan. "Leave me alone! Bakit ba dikit ka nang dikit sa akin ngayon? Hindi ako natutuwa, de Lopezes."

Akala ko'y seseryosohin niya ako dahil sa galit kong tono pero tumawa lang siya at nagkibit-balikat.

"Kailan ka ba natuwa sa akin?"

"Wag ka na ngang tumabi sa akin. Mahirap bang intindihin iyon, de Lopezes? Pumunta ka na lang sa library at mag-aral para sa cup nang sagano'n ay muli kang sambahin ng lahat ng estudyante at Professors!"

Namamangha siyang napatingin sa akin. "That's a bit too much, Pantorilla. Hindi naman nila ako sinasamba, lalo na si Professor Bald."

"Professor Baldwin Aronson, de Lopezes, not Bald."

"Whatever. Anyway, ba't naman ako mag-aaral para sa cup?"

"At bakit hindi?"

Hindi ko mapigilang talasan ang boses ko. Nagyayabang ba ang isang ito sa akin? Ano? Sasabihin niyang hindi niya kailangang mag-aral sa cup dahil kabisado na niya ang libro?

Pinisil niya ang tenga at nakangising tumingin sa akin.

"I backed out yesterday."

Napamaang ako. "You what?"

"I backed out.." ulit niya.

"W-why?"

"Kinausap ako ni Professor Amilagir kahapon at sinabing hindi ko na kailangang dumaan sa elimination. Well.. it's unfair. One thing you should know about me is I hate inequality and cheating.." nagkibit-balikat siya. ".. and that's cheating for me. Papayag sana ako kung hinayaan niya akong dumaan sa elimination."

After Her Last Straw (Dream Series #1)Where stories live. Discover now