Chapter 25

7.2K 496 247
                                    

Chapter 25: Student's Equity Association
Zanashi

Sandaling natigil ang mga pasabog nila nang ganapin ang midterm exam. Tatlong araw natahimik ang mga professors at admin. Dalawang araw matapos ang exam ay idinaos ang recognition day para sa ginanap na mock board.

"How was it, anak? Ayos ba?" kumunot ang noo niya. "I think this one's better," sabay taas ng puting polo na nakalagay sa hanger.

Natawa ako. "Kahit ano pong isuot niyo, bagay na bagay sa inyo, Papa."

"Are you sure?" tumingin ulit siya sa salamin at inayos ang kwelyo ng suot na polong asul.

"Very sure.." ngiti ko. I stood beside him and we both look at each other's eyes through our reflection, sending out beams of light because of too much happiness.

While we're on our way to school, I couldn't help but to cling into my father's arm. We both talked about random things, acting like we're bestfriends who didn't see each other for years. I missed this. I missed clinging my arms unto him. I missed laughing and smiling while listening to his random stories. I missed hanging out with him.

Today, however, is more special than anything else. Ngayong araw ay bibigyan ng parangal ang mga estudyanteng pumasok sa top ten sa ginanap na mockboard. I thought he wouldn't come like what he usually do. I even thought he would scold me for landing into the last spot. Imagine the shock I felt when he told me he would come to accompany me on stage. My mind literally stopped working.

Dumiretso kami sa conference hall kung saan gaganapin ang pagbibigay parangal. Ayon sa pagkasunod-sunod ng ranks ang ayos ng upuan namin. Students were seated at the right side of the aisle while parents were at the left. Marami na ang nandito galing sa ibang year levels pero medyo konti pa lang ang mga second years.

Victor John greeted me enthusiastically and because my mood's so light since this morning, I returned his greetings. Unti-unting dumating ang mga kasamahan namin. When Airah, Oliver, and Luisa arrived, they greeted me while showing some kind of enthusiasm just like what Victor John has shown to me just awhile ago. Maliban na lamang kay Yohan na seryosong-seryoso na dumiretso sa kanyang upuan. Bahagyang kumunot ang noo ko. These days, tuwing nakikita ko siya ay lagi siyang mukhang seryoso, malungkot, o galit. The rest of his friends were really cheerful. Aside from him, they are being extra happy today, I observe.

Iisipin ko sanang may gagawin na naman ang grupo nila kung hindi ko lang nakita ang mukha ng paparating na si Sulivan. Kung gaano kasaya ang mga kasamahan ay gano'n naman kadilim ang itsura niya. Umupo siya sa tapat ko na siyang katabi ni Victor John.

Lumingon ako sa left side para tingnan kung ayos lang ba si Papa pero halos matigilan ako sa nakita. Magkaharap ang Papa ni Sulivan at si Papa, parehong nakatayo nang tuwid, parehong gulat, at parehong may galit na ipinapakita sa kanilang mga mata.

Mabilis akong lumapit at kumapit sa braso ni Papa. Ramdam ko ang paninigas at panginginig nito na para bang sa kanilang dalawa ay siya ang higit na nakakaramdam ng galit.

"Papa.." mahina kong tawag.

Bahagya akong natakot dahil baka magalit siya ngayon dito at hindi niya mapigilan ang kanyang sarili. Baka kung anong magawa niya. Marahan kong hinawakan ang nakakuyom niyang kamao, umaasang sa pamamagitan nito ay mapakalma ko siya.

"Dad, what's wrong?" napatingin ako kay Sulivan na kunot-noong nakatingin sa aming dalawa ni Papa. Saglit na nagtama ang mga mata namin pero sa loob ng halos dalawang segundong iyon ay may nakita ako sa mga mata niya. I thought I caught a glimpse of worry in his eyes.

Lumipat ang tingin ko sa lalaking halos replika ni Sulivan. Mabibigat ang tinging ipinupukol niya kay Papa. His jaw was clenching every single time and his eyes.. I don't know if I'm imagining things again but I think I just saw a glint of mock in his eyes.

After Her Last Straw (Dream Series #1)Where stories live. Discover now