Chapter 33

6.8K 402 563
                                    

Chapter 33: Yearbook
Zanashi

I was awake the whole night, staring at the ceiling of my new room, feeling the soft and fluffy cover of my new bed, but constantly seeking for the warmth my old bed could provide.

Paglabas ko kinaumagahan sa kwarto ay medyo natigilan pa ako. Ang laki ng bahay na ito. Kung dati, kusina agad ang makikita ko paglabas ng kwarto, ngayo'y isang malaking espasyo sa second floor ang sasalubong. Hindi ako sanay.

Habang nilalakbay ang kabuuhan ng bahay, parang lalong bumibigat ang pakiramdam ko. Halos ilang minuto na akong naglalakad pero hindi ko pa rin makita si Papa, hindi tulad dati, paglabas ko pa lang ay tanaw ko na siya.

Pagtapak ko sa balcony ay doon ko lang namataan si Papa. He was sitting on one of the chairs at the garden and was merrily chatting with someone. When that someone slightly bend his head towards my direction, I immediately recognized it as one of my Professors in school.

Professor Aronson? Kumunot ang noo ko. Magkakilala sila ni Papa? At.. anong ginagawa niya rito?

Thankfully, they didn't saw me so I didn't bother to go downstairs and greet him. Ayokong makita niya ako dahil ayokong kausapin niya ako. Ayokong makipag-usap sa kahit na sinong Professors kapag hindi school-related ang pinag-uusapan. I always set boundary between me and my Professors. If there's no question, no talking. If there's no discussion, no talking.

"Do you know Professor Aronson, Papa?" tanong ko nang makaalis na si Prof.

"Ah! Yes, yes. He's my friend back in college, anak. Blockmates kami at sabay kaming nagtapos."

Sa mga sumunod na araw, patuloy pa rin ang pagbisita ni Professor Aronson tuwing umaga kay Papa kaya nakasanayan kong tanghali na lang lumabas sa kwarto. Nga lang, pagdating ng monday ay maaga akong lumabas. Bihis na bihis at handa nang pumunta sa school.

Binasa ko ang text ni Sulivan sa akin five minutes na ang nakalilipas.

I'm on my way.

Huminga ako nang malalim at nagsimulang maglakad papunta kay Papa at Professor Aronson. Una akong nakita ni Papa kaya nakangiti niya akong kinawayan at pinalapit sa kanila. Lumingon sa akin si Professor Aronson at nang makita ako ay sumilay ang isang ngiti sa labi niya.

"Oh, so here comes your excellent daughter!" nakangiti nitong sabi nang makalapit ako. "She's the ace in her class, Austin. I'm not surprised. I mean, with you as her father, she must be really intelligent."

Hilaw akong napangiti sa papuri niya. "Thank you po, Prof."

"My daughter's not only intelligent but also a hardworking one. That makes her stood out among the others."

Biglang tumunog ang cellphone ko kaya patago ko itong binasa.

I'm already here.

"Uh.." napatingin silang dalawa sa akin.

"Papa, nandyan na si Sulivan sa labas.." tumingin ako kay Professor na nakataas na ang kilay ngayon, wala nang bakas ng ngiti sa labi niya. "I need to go, Professor."

Hindi na ako naghintay pa ng sasabihin niya at nagmadali ng umalis. Bago iyon ay narinig ko ang matalas na boses ni Professor Aronson.

"Sulivan? De Lopezes?"

Mula sa loob ay binuksan ni Sulivan ang pinto ng passenger seat nang makita akong papalapit. Pagpasok ko'y binati ko siya at agad inayos ang seat belt. Gusto pa niya sanang pumasok para magpaalam kay Papa pero hindi ko ito hinayaan lalo pa't nando'n si Professor Aronson. Alam ko namang mainit ang dugo nila sa isa't isa.

After Her Last Straw (Dream Series #1)Where stories live. Discover now