Chapter 32

7.2K 517 492
                                    

Chapter 32: Home
Zanashi

Sulivan would always visit me during the remaining days of our vacation. We sometimes hang out together with the other SEA members but we were always incomplete. Marami ang wala sa Pilipinas ngayong bakasyon. Ang iba'y nandito rin sa Pilipinas pero malayo sa lugar namin kaya minsan ay halos hindi kami umaabot ng sampu kapag lumalabas kami.

"I'll fetch you tomorrow.." sabi niya sa kabilang linya.

Napabangon ako sa kama at nag-aalalang tumingin sa pinto, natatakot na baka narinig ito ni Papa kahit sobrang imposible naman.

"Wag na."

"Talagang hindi mo pinag-isipan ang pagtanggi, Aphra?" pang-aasar niya pero imbes na maasar ay kiliti ang naramdaman ko.

Halos makagat ko ang labi ko para lang pigilan ang pagngiti. Matagal na rin simula nang tawagin niya ako sa aking pangalan pero hanggang ngayon ay naninibago pa rin ako. Malakas pa rin ang tibok ng puso ko tuwing naririnig ko ang pangalan galing sa bibig niya.

"Magkita na lang tayo doon. You don't need to fetch me."

"Aphra Danine.."

Sumalampak ako sa unan at kinagat ang labi ko. Halos lumuwa na ang puso ko sa sobrang lakas ng tibok nito.

"Hmm?"

"Aphra Danine.."

"Bakit ba?" hindi ko na napigilan ang pagtakas ng ngiti sa aking labi.

"I like your name, Aphra Danine."

Hindi ko alam kung ilang oras akong nakangiti lang doon at pinapakinggan ang mga pang-aasar at mga sinasabi niya. Gusto kong kiligin nang todo-todo pero natigil lang nang maisip na ganito na talaga si Sulivan. He's just really sweet to all of his girl friends. 

Sandaling pumait ang pakiramdam ko nang maisip si Sulivan na nakahiga sa kama habang kausap ang iba pang babaeng kaibigan, malambing na tinatawag ang kanilang pangalan, at hindi pinapatay ang tawag hangga't hindi pa sila nakakatulog— tulad ng ginagawa niya sa akin.

Alam kong wala akong karapatang ipagdamot siya dahil kung tutuusin, mas nauna nilang maging kaibigan si Sulivan kaysa sa akin.

Pero minsan, pakiramdam ko'y.. pareho kami ng nararamdaman. Pero syempre! Pakiramdam ko lang siguro iyon. Hindi ako kailanman nagkaroon ng kaibigan noon kaya siguro'y ganito talaga ang mga kaibigang lalaki? Ang hirap pala kung walang kaibigan na lalaki mula noon. Hindi mo alam kung ang pinapakita ba nila ay normal na gawi ng mga kaibigang lalaki o iba na.

Inisip ko sila Victor John, Oliver, at iba pang kaibigang mga lalaki. Hindi naman ganito ang asta nila kay Sulivan. Minsan ay tumatawag sila pero sandaling pangungumusta lang, hindi na nagtatagal pa. Pero, siguro nga'y nasa pagkatao na talaga ni Sulivan ang pagiging malambing.

Pero bakit.. tama na nga 'yan, Aphra! Hindi ka na nga makatulog ng maayos tuwing may klase dahil sa accounting, taxation, at law tapos hindi ka rin makakatulog sa bakasyon dahil kay Sulivan? No, Aphra. You were better than this. Accounting related subjects lang ang dapat pagpuyatan.

Paglabas ko kinabukasan ay laking gulat ko nang makita siya sa labas ng bahay namin. Naghihintay habang prenteng nakasandal sa kanyang sasakyan.

"Why are you here?" halos pabulong kong wika.

Ang pagbulong kong ito ay balewala nang bigla akong makarinig ng tikhim mula sa labas ng bahay.

"Ano 'yan, Aphra?" seryosong tanong ni Papa.

Dahan-dahan siyang naglakad papunta sa amin, ang noo'y nakakunot, at ang labi ay halos pumorma ng isang linya. 

"Good morning po, sir."

After Her Last Straw (Dream Series #1)Where stories live. Discover now