Chapter 36

6.5K 383 269
                                    

Chapter 36: Beg
Zanashi

Ang mga problema ko nitong nakaraan lang, lalo pang nadagdagan nang isang araw, pag-uwi ko'y nadatnan ko si Papa habang kausap ang isang lalaking hindi pa naman gano'n katanda.

"Sa akin ang bahay na ito noon pa pero binenta lang ng kuya ko! Tsaka binili na niya ito pabalik, hindi ba? Siya nga ang nagbayad pero ako pa rin ang totoong nagmamay-ari nito!"

"I know, Mr. Pantorilla. Your brother has nothing to do with this. It's my decision to withdraw my agreement with this matter."

"Wala kang karapatang gawin iyon dahil ako na ang nagmamay-ari nito ngayon! Binili na ito sayo kaya pwede ba, umalis ka na rito at baka kung ano pa ang magawa ko sayo!"

"I'm afraid I have the right to do that, Mr. Pantorilla. Bayad na nga ang lupa na ito pero hindi pa rin ikaw ang nagmamay-ari nito dahil hindi pa rin nakapangalan sayo ang lupa na ito."

Doon tuluyang kumunot ang noo ko. Bumilis ang tibok ng puso ko habang naglalakad palapit sa kanila. Hindi ako makapaniwala. Hindi pa rin hawak ni Papa ang land title hanggang ngayon? That's the most basic thing to remember when purchasing a land! How can he even forget about that?

"Papa, anong nangyayari dito?"

Nagtagal ang tingin sa akin ng lalaking kausap ni Papa. Hindi ko nagugustuhan ang paraan ng pagtingin niya sa akin.

"May gustong bumili ng lupa na ito sa akin at doble ang presyo. Business is business, Mr. Pantorilla. Ikaw man ang nauna, mas papanigan ko ang taong mas malaki ang ibibigay. Unless.." muli niya akong pinasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa.

Nangilabot ako. Ramdam na ramdam ko ang pagtayo ng balahibo sa leeg ko. Napakapit ako kay Papa para tahimik na humingi ng tulong pero mukhang hindi na kailangan dahil maging siya ay napansin din ito.

"De puta kang lalaki ka!" sinuntok niya ito kaya mabilis itong natumba sa sahig. "Wag na wag mong babastusin ang anak ko! Hinayupak ka!"

Muli pa sana niya itong susuntukin pero mabilis akong humarang.

"Papa! Tama na!" tumingin ako sa lalaking nakahandusay pa rin hanggang ngayon. "Umalis ka na!" sigaw ko sa kanya habang patuloy pa ring pinipigilan si Papa.

Sinamaan muna niya ng tingin si Papa bago tuluyang umalis ng bahay. Nang tuluyang makaalis ay malakas na iwinasiwas ni Papa ang kamay niyang hawak ko kaya malakas akong tumama sa dingding.

Tumingin siya sa akin, galit na galit. "Pwede ba, Aphra?! Kung may kausap ako, wag kang bigla-biglang sumasali! Lalo na kung lalaki ito at mukhang bastos!"

Ang balak kong tanungin si Papa patungkol sa titulo ng lupa ay biglang naglaho. Ininda ko ang sakit ng likod at dahan-dahang tumango. Ayoko nang galitin pa si Papa dahil mukhang nawawalan na naman siya ng kontrol sa sarili. Ilang beses pa siyang nagpakawala ng mura bago tuluyang umakyat sa kwarto niya.

Bigla akong napaupo, hindi dahil sa sakit na nararamdaman ko ngayon sa likod ko kundi dahil sa panibago na namang problema. Nauna nga si Papa pero kaya ngang gawin ng lalaking iyon ang gusto niya dahil hindi pa rin hawak ni Papa ang titulo ng lupa. Nagbayad siya para sa wala!

Akala ko'y iyon lang ang panibagong problema na darating sa amin pero tatlong araw matapos ang eksenang iyon, panibagong eksena ang natunghayan ko. Hindi nga lang harap-harapan kundi sa cellphone na hawak ko ngayon. Nanginginig ako habang tinitingnan ang video na pinagpi-piyestahan ngayon ng mga tao sa social media.

Nasa podium si Delbert de Lopezes at kasalukuyang nagsasalita patungkol sa ginawa niyang pag-upgrade sa robot kamakailan lang. Maraming tao, pormal na pormal ang bawat isa, at tahimik na nakikinig sa mensahe ni Delbert. Kaya naman, kapansin-pansin ang ingay na nilikha ng isang tao sa pinto. Napatakip ako sa bibig nang makilala kung sino ito. Si Papa.

After Her Last Straw (Dream Series #1)Where stories live. Discover now