Chapter 31

7.3K 485 480
                                    

Chapter 31: Necklace
Zanashi

"Ako na, aphra."

Inagaw sa akin ni Geremy ang hawak kong isang box na kinakailangan sa gagawin naming community project. Hindi na ako nakatanggi pa nang mabilis siyang naglakad paalis. Bumaling ako sa ibang boxes na natitira at pumulot ng isa para sana may maitulong man lang ako kahit papaano sa paghahakot. Hindi pa ako nakakarating sa pinto ng office nang bigla na namang bumalik si Geremy at sinubukang kunin ang hawak ko.

"Tulungan na kita, Aphra."

Inis ko itong inilag sa kanya. "Kaya ko, Geremy.." ipinilig ko ang ulo ko sa gawi ni Yumi na hirap ngayon sa pagbubuhat ng box na may lamang ilang pintura. "Si Yumi ang tulungan mo."

Narinig ito ni Yumi kaya mabilis siyang pumunta sa amin at isiniksik ang dala sa braso ni Geremy.

"Oo nga! Ba't si Aphra lang ang tinutulungan mo? Kita mong ang bigat-bigat ng dala ko!"

Inis na bumaling si Yumi sa iba pang gamit na kakailanganin namin. Nagsimula akong maglakad palabas at sumabay naman sa akin si Geremy. I just ignored him because I was really annoyed with what he was doing.

Paglagay ko ng mga dala sa sasakyan ay laking gulat ko nang pagharap ko'y nasa harap ko na si Geremy at sobrang lapit niya sa akin.

"Lagay ko lang.." sabi niya sabay lagay ng hawak kaya mas lalo siyang napalapit sa akin.

Inis ko siyang itinulak at tiningnan nang masama. Pwede naman niyang ilagay ang dala sa likod ng sasakyan pero bakit kailangang doon pa sa pinaglagyan ko? Wala namang kaso iyon sa akin kung hinintay niya muna akong makalayo bago siya lumapit. Sa ginagawa niya, lalo lang akong nakakaramdam ng matinding inis sa kanya.

"Galit ka pa rin ba sa sinabi ko noon, Aphra? Masyado nang matagal iyon. Kalimutan na lang natin ang mga nasabi natin sa isa't isa noong araw na iyon."

"Is that why you're acting like this? Have you really forgotten what I said to you?"

"Alin doon?"

"Hindi kita gusto, Geremy, at wag na wag mo 'yang kalilimutan."

Inis akong tumalikod sa kanya pero ang inis kong ito ay biglang napalitan ng pagtataka nang makita ang isang papalapit na sasakyan. Huminto ito malapit sa amin kaya dahan-dahan akong lumapit dito.

Hindi ako sigurado kung sino ba talaga ang may-ari ng sasakyang ito. Siguro naman ay maraming kapareho ang sasakyan niya kaya imposibleng siya ito. Ang mga katanungan ko'y biglang naglaho nang lumabas mula sa sasakyang ito ang nakangising si Sulivan.

He closed his car's door and walked towards me while dropping his keys onto his pocket.

"Surprise?" he smirked as he pulled me closer to him.

Naramdaman ko ang bilis ng tibok ng puso ko dahil sa ginawa niya. Lagi niya akong niyayakap tuwing nagkikita kami pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nasasanay.

"Why are you here?" tanong ko nang bumitaw siya. "I thought.." taka ko siyang tiningnan, hindi matuloy-tuloy ang gustong sabihin.

"We just got home yesterday.." he said nonchalantly.

"You didn't mention it to me!"

We just talked on the phone last night but he didn't mention to me, not even once, that he already got home from France. If I had just known that he had returned here in the Philippines and he would be here today, I wouldn't have mentioned to him about this community project.

He was about to answer me when our Baranggay Captain saw him and greeted him cheerfully. Ang box na hawak niya kanina ay bigla niyang ibinigay kay Geremy na hanggang ngayon ay nakatayo pa rin kung saan ko siya tinalikuran.

After Her Last Straw (Dream Series #1)Where stories live. Discover now