Epilogue

10.9K 648 1.1K
                                    

After Her Last Straw
Zanashi

Sa baba pa lang ay dinig na dinig na ang malakas nilang tawanan. Siguro'y inaasar na naman nila si Alicias tulad nang lagi nilang ginagawa nitong mga nakaraang araw. Ang hinala ko'y nakumpirma nang marinig ang malakas na sigaw ni Alicias na agad sinundan ng malulutong nilang halakhak.

"Let me hold your hand," sabi ni Sulivan nang nagsimula na kaming umakyat patungong rooftop. Hinawakan ko ang nakalahad niyang palad. His other hand snaked around my waist.

"Nahuli na ata tayo?" natatawa kong sabi nang muli na namang marinig ang malalakas nilang boses.

"Watch your step, my.." he said sternly when he saw me looking at the rooftop door every now and then, apparently neglecting my every step.

"Bakit pa?" tumaas ang kilay niya sa mataray kong sagot.

"Anong bakit pa?"

"Sasaluhin mo naman ako kung mahulog ako, 'di ba?"

Napamaang siya at tiningnan ako nang may pagtataka. Nang makabawi sa gulat ay gigil niyang hinalikan ang sentido ko. "Natututo ka nang bumanat ha?"

We laughed in unison as we remember ouselves years ago playing amazing race with the other kids.

Tingin sa tinatakbuhan, Pantorilla. Baka mahulog ka.

A wide smile escaped from my lips when I remember him saying these words, teasing me while raising his seamless eyebrow. All I could feel that time was annoyance but now, I think the world did really turn upside down. Hulog na nga ako sayo, de Lopezes. Hulog na hulog.

Pagbukas namin ng pinto ay sumalubong sa amin ang busangot na mukha ni Alicias. Lahat ay inaasar siya pero mas malala ata ang pang-aasar ni Dylan sa kanya dahil si Dylan lang ang patuloy niyang sinusuntok sa braso. Kulang na lang ay may usok na lumabas sa ilong niya sa sobrang inis niya kay Dylan.

"Bwisit ka talagang lalaki ka! Ano naman kung wala akong boyfriend? Bakit? May girlfriend ka na ba? Bwisit!"

Bawat palo ay todo sangga si Dylan pero sa kabila nito'y hindi nakatakas sa paningin ko ang namamangha at natutuwa niyang mukha habang nakatingin sa galit na si Alicias.

"Aray! Ang pikon mo pa rin talaga, eh, no? I'm a career-oriented man so woman's not on my priority."

Lumapit si Anthony kay Dylan at pabiro itong sinakal gamit ang kanyang braso. Dahil dito'y mas nahirapan si Dylan na sanggain ang bawat palo ni Alicias.

"Career-oriented my ass, dude.." tawa ni Anthony.

"Kayo lang naman dalawa ang naghihintayan.." asar ni Yohan na iiling-iling habang pinapanood ang tatlo sa kanilang ginagawa. Ang iba'y nanonood din sa kanila habang tumatawa.

Maingat akong iginiya ni Sulivan palapit sa kanila. Agad akong kumaway at ngumiti sa mga agad na nakapansin sa presensya namin.

"Ilang taon na ang nakalilipas, ah?" pang-aasar ni Sulivan. "Wala pa rin aminang naganap?"

Kitang-kita ko ang panlalaki ng mga mata ni Dylan at kahit nahihirapan ay pinilit niyang makawala kina Anthony at Alicias.

"Torpe.." natatawang bulong sa akin ni Sulivan.

Mabilis na lumapit sa amin si Dylan. "Pre, ang dulas ng bibig mo!" asik niyang bulong kay Sulivan. Halos matawa ako nang makita ang pamumula ng tenga ni Dylan habang marahang hinahaplos ang brasong binugbog ni Alicias.

"Umaabante ang oras, engineer. Hindi umaatras.." muling biro ni Sulivan.

Nakisali ang ibang mga kalalakihan sa pang-aasar kaya iniwan ko na lang muna sila. Lumapit ako sa mga kaibigan kong babae na halos mapunit na ang labi kakangiti habang nakatingin sa akin.

After Her Last Straw (Dream Series #1)Where stories live. Discover now