Chapter 22

7.4K 438 327
                                    

Chapter 22: Outrage
Zanashi

"Oh my God! Who did this? This is creepy!"

"I hope this will wake them up. Ang tibay naman nila kung hindi pa rin sila matitinag."

"Sobra naman ata ito? Wala namang namatay ulit nang dahil dito. Ba't inuungkat pa?"

"Why? Will you wait for another death to make this issue alive again?"

Napatingin ako sa huling nagsalita at nakita si Victor John.

Pagdating ko sa second floor ay nagkakagulo ang bawat isa. Students were flocking everywhere, looking so stunned and scared. Their head was moving every now and then to see something at the end of the corridor.

Sa pagpapatuloy ko ay natagpuan ko na lang ang sarili kong nakatingin sa tatlong screen na nakakabit sa dulo ng corridor. Iba ang ipinakita nito imbes na mockboard result.

Screen of Death: How many student lives will you take?

-SEA

It was written in italic form and its font brings discomfort to me. Nahawi ang mga estudyante nang sunod-sunod na dumating ang mga Professors.

"Oh God! Who did this?" dumagundong sa buong second floor ang boses ni Professor Amilagir.

Tumingin si Professor Amilagir sa mga estudyante. Lahat ng mga tinitingnan niya ay yumuyuko, para bang takot na takot na sila ang mapagbintangan.

Natulala ang mga Professors sa harap ng screen habang unti-unti na namang lumalakas ang bulungan. Iba-iba ang panig ng bawat isa pero ang lahat ay nanatiling walang alam sa kung sinoman ang nasa likod nito.

Ang initials nito ay katulad din ng initials sa nag-viral na post. Gayunpaman ay hindi ito sapat para malaman kung sino ang may pakana nito.

Sunod na dumating ang school administration at maging sila ay hindi makapaniwala sa nakikita. Walang sinoman ang nangahas na pumasok sa control room kaya laking gulat na lang ng lahat nang malamang tila may nakapasok nga rito kagabi.

"Excellent, isn't it?"

Lumingon ako kay Yohan na nakangising nakatingin sa screen.

"Buti na lang may mga malakas pa ang loob para gawin ito. Matibay ang admin, eh," iling ng kasama niyang mula rin sa Block D.

Pagdating sa room ay iyon din ang usapan ng mga kaklase ko. Hindi sila makapaniwala at nagsimula na silang gumawa ng kanya-kanyang theories sa mga nangyayari. Nakangisi akong binati ni Airah. Tinanguan ko lamang siya.

"Ano na naman kaya ang sunod na gagawin nila? This is exciting!" ngiting-ngiting sabi ni Airah.

"Ang tanong, anong aksyon ang gagawin ng administration? Sa facebook post pa nga lang ay nanginig na sila, ano pa kaya kapag school na mismo ang pinasok?" said Yanna.

"Did you see their face? Para silang nakakita ng multo.." biglang sumeryoso si Airah. "Actually, kulang pa ito. Kulang na kulang pa."

Kinakabahan ang lahat nang dumating na ang prof namin, hindi lang dahil sa magaganap na quiz kundi dahil sa misteryong dala ng taong may kagagawan nitong lahat.

Hindi ko na ito masyadong inisip pa at itinuon na lang ang pansin sa questionnaire na hawak. Tuloy-tuloy ang naging quiz namin ngayong araw. Sa huling subject ay maaga akong natapos pero hindi ko ito agad ipinasa. I checked my answers again and waited for the bell to ring before I finally passed my paper.

Pare-pareho lang ang ginagawa ko sa loob ng isang araw. Maagang papasok, at kapag uwian ay didiretso sa library para mag-aral. Sa loob ng mga araw na ito, laging nakikiupo sa table ko si Sulivan. Noong una'y pinapaalis ko dahil ayoko nga ng may kasama sa pag-aaral pero nangako naman siyang hindi siya mag-iingay.

After Her Last Straw (Dream Series #1)Where stories live. Discover now