Chapter 34

6.6K 390 325
                                    

Chapter 34: Truth
Zanashi

Kabado ako buong byahe papunta sa bahay. Ilang beses akong tinanong ni Sulivan kung ayos lang ba ako at tanging tango lang ang sinasagot ko. How could I answer him truthfully if even I myself didn't know what to feel about what I've discovered? But I know for sure that I'm not mad with my father. Siguro'y dismayado lang sa ginawa niyang pagsisinungaling sa akin.

"Papa!"

Pagpasok ko sa bahay ay agad kong tinawag si Papa, ang kaba ay nanatili pa rin sa sistema ko. Ang inaasahan ko'y makikita ko siya sa living room habang nagbabasa ng newsaper tulad ng lagi niyang ginagawa tuwing magdadapit-hapon, pero hindi siya ang naabutan ko.

Napahinto ako sa mabilis na paglalakad. "Professor Aronson?"

Lumingon siya sa akin, ang mukha ay walang bakas ng tuwa. Mula sa pagkakaupo ay dahan-dahan siyang lumapit sa akin at ang braso ay pinag-krus niya sa kanyang dibdib.

"Why are you with Mr. De Lopezes?" matalas nitong sabi.

Napamaang ako. Ayaw kong bigyang-pansin ang pagtatanong niya dahil si Papa ang gusto kong kausapin ngayon at hindi siya! Iba ang gusto kong pag-usapan ngayon at hindi ito!

"I'm sorry, Professor, but I need to see my father.."

"Your father isn't here."

Ngumiti ako nang pilit. "Then, why are you here, Professor?"

"I'm waiting for you to arrive, Miss Pantorilla."

Nanigas ako. Hindi ko alam kung ano pa bang dapat kong sabihin sa kanya. Nanatili ang tingin ko sa seryoso niyang mukhang nakatingin nang direstso sa akin. Hindi ko ata kayang maghintay kay Papa rito nang siya ang kasama.

Bigla ay naisip kong baka nando'n pa sa labas si Sulivan. Baka hindi pa siya umaalis! Siguro'y magpapasama muna ako sa kanya hanggang sa dumating si Papa. Paalis na sana ako nang muli siyang magsalita.

"Again, why are you with Mr. De Lopezes?"

"With all due respect, sir, I think I don't have the responsibility to disclose that information to you."

"Stop it, Miss Pantorilla!" bahagya akong napaatras sa pagtaas ng boses niya. "Stop seeing him! Stop talking with him! Just stop what you're doing right now!"

Kumunot nang sobra-sobra ang noo ko at hindi makapaniwalang tumingin sa kanya. Gusto ko siyang irapan, sigawan, at sungitan pero pinigilan ko ang sarili ko dahil professor ko siya at kaibigan siya ni Papa.

"Again, sorry to say this, sir, but he's my friend and no one can stop me from befriending him. Not even you, sir," kinailangan ko pang ipunin ang natitirang respeto sa katawan ko para lang masabi ito.

"Nonsense, Miss Pantorilla! Nonsense!" sigaw niya, ang ugat ay unti-unting lumalabas sa leeg niya. "Talaga bang magpapakatanga ka tulad nang ginawa ng tatay mo?!"

"Don't you ever call my father like that!"

Ang respetong pinaghihirapan kong ipunin ay biglang nawala nang mabanggit niya ang Papa ko.

"Oh, yes. I'm going to call your father like that and I'm going to call you that way as well if you won't stop this nonsense. Stop talking with him."

"Stop it!" napuno ang buong living room ng sigaw ko, hindi na nakayanan pang pigilan ang inis na nararamdaman sa usaping ito.

Bakit ba nakikialam pa siya sa kung sino ang magiging kaibigan ko? Bakit nakikialam pa siya sa buhay ko? Bakit ba ang daming naglilipanang pakialamero sa paligid ko?

After Her Last Straw (Dream Series #1)Where stories live. Discover now