Chapter 38

7K 455 489
                                    

Chapter 38: Reflection
Zanashi

Trigger Warning// Menion of Abuse, Self-Harm, and Suicide

"Hindi pa rin nagigising? Ilang araw na, ah."

"I think it has something to do with her head. Masyado atang malakas ang pagkakauntog."

Naalimpungatan ako nang medyo umingay ang paligid. May mga taong nagsasalita pero hindi ko ito napapakinggang mabuti dahil parang umaalon ang boses nila sa pandinig ko. My body felt so heavy, it was as if a large rock was placed on top of my stomach.  I find it difficult to move and breathe, and my head felt as if it was breaking apart.

Ilang minuto kong pinilit ang sariling ibukas ang mata. Nang tuluyan na itong bumukas, unang bumungad ang mga mukhang nakapalibot at nakadungaw sa akin. I had a cloudy and hazy vision at first so I needed to shut my eyes tightly to escape the pain that was starting to crawl over my head.

"Oh my god! She's awake!"

"Don't shout, Caitlyn. Baka lalo pang sumakit ang ulo niya sa tinis ng boses mo."

Nang binuksan ko ulit ang mga mata ko ay unti-unti kong naaninag kung sino ang mga nakapaligid sa akin. They are all looking at me with worry written all over their faces, some are gazing at me with their teary eyes, and some of them failed to hide their terror upon seeing me awake... or is it my face? Is my face so.. terrifying? I didn't pay too much attention to them because my eyes suddenly roamed around the room, hoping to see someone that I wanted to see as of the moment.

I tried to speak but failed at the first attempt. My throat felt so sore and dry. I still pushed myself to speak.

"Si.." 

Halos sabay-sabay silang lumapit sa akin para tanungin kung may problema ba. I cleared my throat.

"Si P-papa?"

Natahimik ang lahat maliban kay Yanna na impit na napaiyak. Mabilis siyang hinawakan sa balikat ni Airah at may binulong. Matapos no'n ay sabay silang lumabas sa silid.

"Siya pa rin talaga ang unang hinanap. Sa kabila ng lahat.." dinig kong bulong ni Dylan kay Oliver. Hindi rin nakatakas sa paningin ko ang pagpunas ni Rica Mae sa luha niya.

"He's not here."

I shifted my gaze toward the person standing next to the bedside table. Sulivan, still on his uniform, was looking at me with worry and relief in his eyes. Deep folds were very visible in his brows as he gazed at me intently with his clenched fist on the side table.

Dapat ay makaramdam ako ng galit ngayon habang nakatingin kay Sulivan pero hindi. Imbes na galit ay sakit ang namayani sa damdamin ko. He's not.. here?

Ibinagsak ko ang tingin sa kamay ko. Nakita ko ang mga pasa rito at iilang sugat. Pumikit ako at hinayaan silang magsalita, ang kirot ay patuloy na lumagi sa damdamin ko.

Nang mapansing mukhang pagod ako ay nagdesisyon silang umalis na. Hindi ako nagpaalam sa kanila o tumingin man lang. Nanatili akong nakapikit. Nang marinig ko ang pagbukas at sara ng pinto ay saka ko lang ibinukas ang mga mata ko.

Akala ko'y umalis na silang lahat pero nang mapatingin ako sa gilid ay nando'n pa rin si Sulivan sa kanyang pwesto, ni hindi man lang siya natinag sa huling posisyon.

"Si Papa?" muli kong ulit.

"He's not here."

Lumapit siya sa akin at sinubukang hawakan ang kamay ko pero iniwas ko ito. Napatigil siya at tumikhim.

"Are you okay?"

"Ilang araw na akong nandito?"

"Tatlong araw na."

After Her Last Straw (Dream Series #1)Where stories live. Discover now