Chapter 1

161 57 2
                                    

Chapter 1

Excited akong papasok ng gate dahil dream school ko talaga ito! Ang gate ay napaliligiran ng mga naka-unipormeng guards at bawat dumadaan ay binabati nila ng magandang umaga at nginingitian. 

May mga grupo din ng mga estudyanteng tulad ng uniform ko na white blouse with navy blue vest at color blue checkered na skirt na hindi naman gaanong revealing, nagpatingkad pa sa disenyo nito ay ang kakulay ng skirt na necktie.

Labis ang pagkamangha ko sa gate dahil sa naglalakihang disenyo nito at kulay gray ang kabuuan nito at may touch ng gold ang bawat tuktok nito. Sa pinaka taas na arko naman ng gate ay ang logo ng school.

May makikita ka ring mga estudyanteng naka-grupo at nagtatawanan, sigurado ay na-miss ng mga ito ang isa't-isa. Naalala ko tuloy si Maybelle. Pareho naming pinili ang mga dream school namin kaya tingin ko naman ay makaka-survive ako dito. 

Grade 7 pa lang ako ay dream school ko na ito kaya pursigido akong makapasok dito.

Habang naglalakad ako sa pathway ng building ng STEM strand para makapasok sa unang subject ko ng morning ay may nakita akong pusang naglalakad, mukha naman itong naaalagaan dahil mataba ito at malinis tingnan, kulay itim ito sa kabuuan ngunit nagpatingkad sa kulay nito ang mga paa niyang kulay puti.

"Ang cool ng kulay parang nakasapatos dahil sa kulay" sinabi ko ng may pagkamangha at tuwang tuwa dahil mahilig ako sa pusa, pero di ako pinapayagan ni mama na mag-alaga dahil may asthma ako.

Sinubukan ko itong lapitan at nagulat pa ito sa paglapit ko, ngunit 'di naman siya umalis at tiningnan lamang ako.

Susubukan ko na sana siyang hawakan ngunit may grupo ng mga babae at lalaking students ang dumaan at tinawanan nila ako, nasa walo siguro sila, tingin ko ay college na ang mga ito dahil sa lace ng kanilang mga I.D.

Narinig ko pa ang isa na bumulong nang nasa harap ko na sila na ang weird ko daw, habang ang isa naman ay sinabihan akong huwag hawakan ang pusa dahil malas 'daw iyon.

Hindi ko na lang sila pinansin at inirapan sila dahil hindi naman iyon totoo, ang cool kaya ng mga itim na pusa!

Hahawakan ko na sana ang pusa nang napansin ko ang aking relo na 7:25 AM na pala at may 5 minutes na lang ako para hanapin ang room ko!

Agad na akong nagpaalam sa pusa at nalungkot ng kaunti dahil hindi ko ito nahawakan.

"Sa susunod nalang kita hahawakan, sana ay nandito ka parin" sabi ko sabay meow sa pusa.

Hinanap ko ang room ko at nadaanan ang mga nakahilerang classrooms, siyam na classrooms ang nadaanan ko at matapos ng ilang minutong paghahanap ay nakita ko na ang room ko at puno na ito ng students na magiging classmates ko ngayong semester. 

Dulong bahagi ang room namin, bale pang sampung classroom ito. Two storey ang building naming mga STEM strand. Pagkapasok ko ay tiningnan ako ng iba mula ulo hanggang paa na parang sinusuri kung sino ako.

Sana lang ay hindi sila tulad ng dati kong mga classmates na hihilahin ka pababa para lang makakuha ng mataas na grades. Naiinis na lang ako tuwing naaalala ang mga alaalang iyon kasama ang mga toxic kong classmates noong junior high.

Tuloy tuloy akong pumasok ng hindi sinuklian ng tingin ang mga tumingin sakin, dahil wala akong panahong makipag ngitian sa kanila dahil mas gusto kong mapag-isa. Iwas gulo at sakit sa ulo.

Naghanap ako ng upuan sa bandang likod ngunit occupied na ang lahat bandang likod kaya wala akong choice 'kundi umupo sa pinaka harap dahil iyon lang ang available na upuan.

Pagka-upo ko ay biglang dumating ang teacher namin sa subject na ito, General Chemistry ang subject at mukhang terror ang teacher kaya lahat ay tumahimik nang dumating siya.

Just The Two Of UsWhere stories live. Discover now