Chapter 38

29 8 3
                                    

Shout out @tenrixtae :) thank you for your support, love! Hope you're enjoying the story!

Ngayong nalaman na ni Mally ang totoo, road to happy ever after na ba sila ni Rayleigh?

Abangan pa ang mmga susunod na kabanata para sa mas kilig at exciting na mga pangyayari!



Chapter 38

Pagkatapos naming mag-usap ni Rayleigh ay pinag-bihis niya ako dahil sasama raw ako sa kaniya sa office.

"Wala akong damit, Rayleigh." Sabi ko matapos niyang sabihing aalis kami.

"Olivia already bought you some clothes. Just check it in the closet." Sagot niya. I nodded and looked at the closet.

Tumayo siya at ginulo-gulo ang aking buhok bago lumapit sa pinto. I just game him a sharp look. Ngumisi lamang siya at tuluyan nang lumabas sa kwarto. He knows how to piss me.

Agad akong tumayo at pumili ng masusuot 'tsaka na dumeretso sa banyo.

Isang pastel pink cocktail scoop collar halter lace dress at white flats ang napili ko. Mabuti naman at ka-size ko ang mga binili ni Olivia. Hindi na ako nakapag-lagay ng make up dahil wala akong gamit. Hinayaan ko lamang na nakalugay ang mahaba at kulot kong buhok.

Pagkalabas ko ng banyo ay nadatnan ko si Rayleigh na nakahiga at seryosong nanonood sa kama habang nakasuot ng kaniyang usual office attire.

Hindi ko mapigilang pagmasdan siya. Kahit sa pananamit ay sopistikado, sumisigaw ng karangyaan at awtoridad. He's like a Greek God because of his perfect features. Nakadagdag pa sa apil niya ang mahaba niyang buhok na nakatali at faded naman sa gilid.

Nang makita niya ako ay agad siyang tumayo at pinatay ang T.V. Pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa 'tsaka ngumisi. Agad kumunot ang aking noo.

"What's wrong?" tanong ko.

"Nothing. You're just beautiful. I can't help but stare." Nangingiting sagot niya.

Pakiramdam ko ay pwede nang magprito sa aking mukha dahil sa sobrang init at pula.

"You're blushing, Mally." Sabi niya. Inirapan ko lamang siya at nauna nang lumabas. Agad naman siyang sumunod.

Wala akong ibang nakita sa bahay ni Olivia 'kundi ang mga maid at iilang guards sa harap ng bahay paglabas namin. I wonder, nasaan kaya si Alex?

Two storey ang bahay ni Olivia. Maganda at moderno ito pero hindi pa rin kasing-ganda ng mansion nila Rayleigh.

Pinagbuksan niya ako ng pinto papasok sa kaniyang kotse at umikot papunta sa driver's seat. Bigla kong naisip na ganito rin kaya siya ka-gentle man sa mga babae niya? Dinadala sa office at doon gumagawa ng milagro? What the hell am I thinking. Umiling-iling ako dahil sa naisip.

Tahimik lamang kami buong biyahe. Malapit lang naman ang building sa bahay nila Olivia kaya hindi naman ako nainip.

Nang makarating kami ay agad niyang ibinigay sa valet ang susi.

I suddenly felt uncomfortable dahil baka kung ano ang isipin ng iba kapag nakita kaming magkasama na pumasok at sabay na lumabas sa kotse niya.

Tuloy-tuloy lamang siyang pumasok ng hindi man lang sinusuklian ang pagbati ng mga empleyado niya, habang ako ay panay ang ngiti sa kanila habang nakasunod.

Tahimik lamang ako habang nakasakay ng elevator. Bigla kong naalala ang unang pagkikita nila ni Jake. Is he always rude to other people? I wonder kung naging good example siya kay Alex.

Just The Two Of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon