Chapter 4

98 46 0
                                    

Chapter 4

"Nak, gumising ka na at baka ma-late ka pa sa klase mo." sabi ni mama habang niyuyugyog ang aking katawan para magising. 

Nang nakitang nagising na ako ay pinalis niya ang kurtina ng bintana sa aking kwarto para makapasok ang liwanag.

Dinilat ko ang mga mata kong sobrang antok pa at 'tila makakatulog ako ulit kung pipikit pa ako ng ilang segundo.

Tiningnan ko ang relo sa aking kwarto at 6:00 AM na. Iidlip pa sana ako ng ilang minuto kaso naalala kong dalawang araw nga pala akong nagpaliban sa klase dahil sa pagkaka-hospital ko. 

Kailangan kong pumasok ng maaga para magpatulong kay Jess ng mga lessons!

Agad akong dumeretso sa banyo para makaligo at makapag bihis. 

Habang nasa banyo ako ay sumagi muli sa isip ko ang nangyari noong bago ako na-hospital. Kung hindi siguro ako nakialam sa away nila mama ay hindi sana ako nasaktan at na-hospital.

Lumabas na ako ng banyo at sinuot ang unipormeng nasa kama ko na ni-ready na ni mama.

Pinagmasdan ko ang sarili ko sa salamin habang sinusuklay ang mahaba kong buhok. Ngayon ko lang napansin na sariwa pa ang sugat sa gilid ng aking noo. Mabuti na lang at may bandage pa sa medicine kit kaya tinapalan ko ito para hindi ma-infect.

Pagkalabas ko ng kwarto ay handa na ang pagkain.

Habang kumakain ako ay tulala si mama sa aking harap kaya naman nagkunwari akong umubo para maagaw ang atensiyon niya. Nang tumingin siya sa akin ay ngumiti ito.

Kinuha ko ang kamay niya sa lamesa, "Wag mo na akong isipin, ma. Gagawa ako ng paraan para makatulong sa gastusin sa bahay at sa pag-aaral ko" ngumiti ako para ipakitang maayos na ako.

Ngumiti siya sa sinabi ko, "Ayos lang, anak. Ako na ang bahala, basta mag-aral kang mabuti."

Tumango na lamang ako at tinapos ang pagkain. 

Nagpaalam na ako kay mama. Hinalikan ko siya sa pisngi at niyakap at nagpasyang lumabas na.

Nang makarating ako sa room ay laking pasalamat ko nang nakita ko si Jessie. 

Napatayo siya nang nakita ako at binigyan ako ng isang mahigpit na yakap. Niyakap ko rin siya pabalik.

Hindi pa ako nakakaupo ay pinaulanan na niya ako ng mga tanong, "Anong nangyari sayo Mally? Sobrang nag-alala ako sayo akala ko naman hindi ka na papasok! Alam mo bang hinahanap ka ni Ms. Sotto?"

Napangiti na lang ako sa reaksyon ng kaibigan ko at parang may humaplos sa aking puso dahil ramdam kong concerned siya sa akin.

"May nangyari kasi sa bahay, Jess. Natamaan ang ulo ko nang tinulak ako ni papa kaya nawalan ako ng malay at nag-stay sa hospital ng dalawang araw. Basta mahabang kwento, tsaka ko na sasabihin ang iba 'pag wala na tayong ginagawa" sagot ko kay Jess. 

Hindi na rin naman siya nagtanong kaya tinanong ko na siya tungkol sa mga lessons namin na nalampasan ko.

May binigay lang na listahan si Jess ng mga kailangang dalhin para sa activity. 

"Swerte ka at nagpa-attendance lang ang mga teachers ng dalawang araw dahil may welcome party yata para sa bagong principal ng senior high school. Mayroon ding transferee sa college na anak naman ng president ng school, galing yata siya sa ibang bansa kaya naman sobrang busy." paliwanag niya sa akin habang kinokopya ang listahan.

"Kailangan na rin pala lahat ng iyan bukas hah? Nilipat ng Earth Science teacher natin ang activity dahil absent ka at dahil group activity ang gagawin." paalala ni Jess sa akin.

Just The Two Of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon