Chapter 21

39 15 0
                                    


Shout out XISTEMA Fam, Rizalians and my two handsome brothers xD love y'all! :)

Chapter 21

Nagising ako dahil sa sikat ng araw na tumama sa aking mukha. Agad kong idinilat ang aking mata upang makita kung nasaan na kami.

Palapag na ang eroplano sa runway. Bigla akong ginapangan ng kaba sa hindi malaman na dahilan.

"Jess, wake up. We're here." tawag ko sa kaniya. Kinusot-kusot muna niya ang kaniyang mata bago tumingin sa bintana.

Makalipas ng ilang minuto ay bumaba na kami. Malayo pa lang ay tanaw na namin sila mommy at daddy sa waiting area na kumakaway at tuwang-tuwa.

"Jess! Mally! Welcome home! I missed you both!" bati ni mommy sa amin at niyakap kaming pareho ng mahigpit.

"We missed you too, mom, dad." At niyakap rin si daddy.

"Tara na at magdi-dinner pa tayo. We have reservations here somewhere in Manila." Aya ni mommy.

Sumakay kaming buong pamilya sa isang Ford Expedition. Nasa kabilang van naman ang mga maleta namin kasama ang mga guards.

"Kumusta ang biyahe, Mally? Tinawagan mo na ba ang kuya mo? " tanong ni mommy habang nakatingin sa rear mirror.

"Ayos lang, my. Hindi pa po, hindi ko po sinabing umuwi ako dahil gusto ko silang i-surprise."

"Okay, anak."

Natapos ang gabi ng masaya at puno ng tawanan dahil sa mga baon naming kwento ni Jess. Pagkatapos ay nagpasya na kaming umuwi.

"Mommy, magpapaalam po akong pupunta kila kuya bukas." Paalam ko nang makauwi kami

"Okay, anak at padadalhan ko sila ng pasalubong."

"Thank you, my."

"Mally, sama ako! Wala naman akong lakad bukas. Please." Pakiusap ni Jess.

"Sige. Pupunta rin tayo kay Maybelle, magpapakasal na kasi siya at girl's party daw. Gusto ka rin niyang makita ulit."

"Sure!" at pumalakpak pa itong si Jess sa tuwa.

Medyo late na nang makauwi kami. Walang nagbago sa bahay, kung may nabago man, ito ay ang pintura at ang chandelier. Wala ring nagbago sa ayos ng aking kwarto.

Naghilamos muna ako at nagbihis bago pumunta sa kwarto ni Jess.

"You think magkaibigan pa rin kami ni Maybelle? Hindi naman kasi kami close noon." tanong ni Jess habang sinusuklay ang buhok sa harap ng salamin habang ako naman ay nakasalampak sa kaniyang kama.

Napangiti ako sa tanong niya. "Of course! Hindi naman mahirap pakisamahan si Maybelle." Sigurado kong sagot. Ngumiti si Jess at sumampa na rin sa kama.

"Sama ako sa kasal niya hah? Gusto kong makanood ng ikakasal! Ano kayang pakiramdam ng ikakasal, Mally?"

"Syempre invited ka. Hindi ko alam, Jess. Hindi pa naman ako kinasal 'e. Sigurado naman akong una ka pang ikakasal sa akin! HAHA!" natatawa kong sinabi sa kaniya. Binatukan naman ako ng bruha!

"Ito naman 'o! Basta ako, magpapakasal pa lang ako 'pag kinasal na kayong dalawa ni Rayleigh!"

Hindi agad ako nakasagot dahil sa sinabi ni Jess. Mukhang hindi mangyayari 'yon dahil ayaw ko nang bumalik sa nagawa kong pagkakamali dati.

"Uy! Mally! Joke lang 'yon. Ito naman ang seryoso mo." Napawi na ngayon ang ngiti sa labi ni Jess.

"Hindi, ayos lang. Alam ko namang boto ka pa rin sa kaniya hanggang ngayon, pero kailangan mo ring mag-move on, Jess. Malaki ang chance na may pamilya na siya." Seryoso kong paliwanag sa kaniya.

Just The Two Of UsWhere stories live. Discover now