Chapter 10

50 28 0
                                    


Chapter 10

Nadatnan ko si papa na naka-upo at napatayo siya nang makita ako. 

"Anak, magpapaliwanag ako. Nadala lang ako ng galit kaya nagawa ko 'yon sa mama mo. Please anak iurong niyo na ang kaso, magbabago ako." 

Lumalapit siya ngayon sa akin at kita sa kaniyang mga mata ang nagbabadyang mga luha.

"Ganon na lang ba sayo 'yon, pa? Pagkatapos mong gawin, dahil naiipit ka na ay pupunta ka dito ng parang ganon lang?" sigaw ko sa kaniya at hindi na napigilang lumuha dahil sa galit at takot sa aking ama.

Lalo siyang lumapit at sinubukang hawakan ang aking mga kamay ngunit nagmatigas ako. 

"Kaya nga nandito ako para humingi ng tawad sayo, anak. Babawi ako. Gagawa ako ng paraan para mabayaran ang mga utang natin, wala na kayong iisipin ng nanay mo" tsaka siya lumuhod sa aking harap at nagmamakaawa.

Dahil sa galit ko ay itinulak ko siya at binuksan ang pinto. 

"Umalis ka na! Hindi ka namin kailangan! Masaya kami kung wala! Naging miserable ang buhay namin dahil sayo, dahil sa pambababae mo! Wala kang kwentang ama!" 

Nanginginig ang aking boses na sumigaw.

Nagulat siya sa aking ginawa kaya napatayo siya at sumilaw ang galit sa kaniyang mukha, nagkuyom ang kaniyang mga palad.

Natakot ako dahil dito kaya naman lumayo agad ako sa kaniya at naghanap ng maaring ibato sa kaniya sakaling saktan niya ako ngunit wala akong mahagilap.

"Matapos kitang buhayin at pakainin, 'yan ang ibabayad mo sakin? Dapat talaga ay pinalaglag na kita sa nanay mo! Wala kang utang na loob!" ambang lalapitan ako at itinaas ang kaniyang kanang kamay hudyat na sasampalin niya ako. 

Ngunit bago pa niya magawa ay sinipa ko na ang maselang parte ng kaniyang katawan kaya napahiga siya sa sahig at ginawang pagkakataon 'yon para makatakas.

Agad kong tinawagan si kuya nang makalayo ako sa bahay ngunit nagri-ring lamang ang kaniyang numero. 

Dahil sa sobrang panic ko ay nagbakasakaling online si Rayleigh sa messenger, laking pasalamat ko nang makitang online siya kaya hindi na ako nagdalawang-isip na tawagan siya.

Agad niyang sinagot ang aking tawag. 

"Rayleigh, please help me! Nasa bahay si papa tumakas lang ako! Please tumawag ka ng huhuli sa kaniya. Puntahan mo ako!" sigaw ko at nahihirapang magsalita dahil sa paghikbi.

Narinig ko agad sa kabilang linya ang pagkalabog ng pinto at pagkabuhay ng makina ng kaniyang kotse, ibig-sabihin ay paalis na siya. 

"Wait for me there. Don't go to your house, I'll bring some guards there, okay? Calm down, I'm going to be there for you." kalmado niyang sinabi at ibinaba na ang linya. 

Tanging iyak na lamang ang aking nagawa habang naghihintay ng saklolo mula kay Rayleigh.

Hindi ko alam kung nakatayo na ba si papa ngayon sa lakas ng sipa ko sa kaniya, basta ang ko ay siguradong galit na galit sa akin 'yon ngayon.

Matapos ng ilang minuto ay narinig ko ang sigaw ni papa sa malapit. 

"Mally! Nasan ka! Punyeta ka! Papatayin kita" kasabay nito ang isang putok ng baril. 

Nanginig ang aking katawan sa takot ay tinakpan ang aking bibig para hindi marinig ang paghikbi ko. 

Nag-chat agad ako kay Rayleigh na wala na sa bahay si papa at may dala siyang baril.

Just The Two Of UsWhere stories live. Discover now