Chapter 30

56 12 2
                                    

Shout out Lorlia and Szean! Thank you for your never ending support mga Xist <3 stay strong and love lots! <3

Tuluyan na bang lalabo ang love story nila Mally at Rayleigh? May chance na kaya si Jake kay Mally?

Abangan ang mga susunod na kabanata para sa mas exciting at nakakagigil na mga pangyayari! xD

Chapter 30

"Mally!" isang pamilyar na boses ang narinig ko mula sa pintuan ng aming office. Agad akong tumingin at laking gulat ko nang makita si Jake.

"Jake? Ikaw na ba 'yan?" hindi mapaniwalang tanong ko at napatayo.

"I missed you so much, Mally!" bati ni Jake 'tsaka ako niyakap. "I missed you too, Jake." at yumakap pabalik.

"Sorry hindi na ako makapaghintay kaya tinanong ko na si Jess kung saan ang work niyo." Nahihiyang paliwanag ni Jake nang kumalas sa pagkakayakap.

Natawa ako ng bahagya. "Naku! Ayos lang!" tuwang-tuwa kong sabi. Masaya naman ako dahil hindi niya ako nakalimutan.

May kinuha siya sa kaniyang gilid at nagulat nang makitang bouquet ito ng bulaklak. "Flowers for you, Mally." Nakangiting inabot ito.

"Thank you, Jake." 'tsaka siya niyakap ulit. Agad namang namula ang kaniyang mukha kaya lalo akong natawa.

"Hoy! Kayong dalawa diyan umalis nga kayo at naiinggit ako!" reklamo ni Jess habang nakasimangot.

"Bakit ka naman maiinggit, Jess? Hindi pa ako nanliligaw kay Mally kaya single pa kami!" si Jake.

"Ay! Oo nga!" si Jess na natatawa. Si Abby naman ay seryoso lamang na nagta-type habang nakikinig.

"Uhmm, Jake, okay lang ba kung maghintay ka na muna sa lobby? Malapit na rin naman kaming umuwi." Pakiusap ko sa kaniya.

"Sure, sure." Nakangiting pagsang-ayon niya 'tsaka na lumabas ng office.

Marami na rin ang nagbago kay Jake, kung dati ay masyado siyang jolly, ngayon ay medyo seryoso na siya. Mas tumangkad at lumaki pa ang katawan niya. Half Filipino and half Italian si Jake kaya naman hindi maipagkakailang may itsura siya.

Nang tuluyan na siyang makaalis ay nagpatuloy na ako sa aking ginagawa. Mabuti na lang at hindi na ako inasar ni Jess.

Hindi pa kami nagkita o nagkasalubong man lang ni Rayleigh ngayong araw. Siguro ay umiiwas dahil guilty? O pinapaiwas na siya ni Olivia sa akin? Kung ano man ang dahilan ay mabuti pa ngang hindi kami magkita.

"Jake, let's go?" aya ko kay Jake pagkatapos naming mag-out ni Jess.

"Alright. Dala ko ang kotse ko, sabay ka na lang 'sakin?" Tiningnan ko muna si Jess kung ayos lang ba, tumango agad siya at ngumisi.

"Sundan niyo lang ang sasakyan ko, Jake, baka iligaw mo pa si Mally." Nakangising asar ni Jess. Loko talaga 'to.

"Ito naman, hindi ko siya ililigaw, liligawan lang, Jess. Ito naman masyadong protective!" sinuntok ko ng mahina sa braso si Jake at natawa. Masyado talagang smooth ang lalaking 'to. HAHA!

"Ah basta! Tara na at naghihintay na sila mommy." Aya ni Jess at tumungo na sa parking lot.

Kay Jake ako sumakay at nakitang nasa likod ng kaniyang Mistubishi Mirage ang isang maleta.

"Ilang araw ang balak mong pag-stay dito, Jake?" tanong ko dahil mukhang madami siyang dala para sa isang malaking maleta.

Tumingin siya sa akin saglit at ibinalik sa daan ang atensiyon. "Kung hanggang kailan mo ako gustong mag-stay." Makahulugan niyang sagot.

Just The Two Of UsWhere stories live. Discover now