Chapter 12

80 24 0
                                    

This chapter is inspired by XISTEMA Fam. Special shout out, nanay Des :) thank you for your never ending support <3

Chapter 12

"Wa-wala na si mama, Mally." nanginginig ang boses ni kuya.

Parang nabingi ako sa aking narinig, parang ayaw pumasok nito sa aking sistema.

Unti-unting tumulo ang mga luha sa aking pisngi.

Parang binagsakan ako ng langit at lupa sa aking narinig. Ilang segundo bago ako nakasagot.

"Pupunta agad ako diyan, kuya." wala sa sariling sinabi tsaka pinatay ang tawag.

Agad kong pinuntahan ang kwarto ni Rayleigh dahil siya lang ang alam kong makakatulong sa akin. Nagmamadali akong kumatok sa kaniyang pinto.

Nang buksan niya ang pinto ay kinusot-kusot pa niya ang kaniyang mga mata at bahagyang nagulat sa aking pag-iyak.

"What happened, Mally? What's wrong?" sunod-sunod na tanong niya.

"Can you drive me to the hospital? I need to see my mom. She's gone. Please." habang humihikbi at hindi siya matingnan ng deretso.

Nagulat pa siya sa aking sinabi bago nagmadaling bumalik sa kaniyang kwarto at kinuha ang susi ng kotse.

"Let's go." tsaka na sumunod sa kaniya papuntang sasakyan.

Habang nasa biyahe ay tahimik lang ako, hindi na rin siya nagsalita.

Paano na ako kung wala si mama? I feel like my world turned upside down. I can't see myself without her.

I'm still thankful dahil kahit na hindi niya ako tunay na anak ay tinrato niya akong kaniya at minahal ng buong-buo.

Napatingin ako kay Rayleigh nang pinark niya ang sasakyan.

"Thank you. You can go home now. Sorry." at inalis ang aking seat belt.

"No. I'm going with you."

Hindi na ako nakipagtalo at sabay kaming nagmadaling pumasok sa loob.

Nang makita ako ni kuya ay agad niya akong niyakap. Niyakap ko rin siya ng mahigpit at bumuhos ang aking luha.

"Nasa morgue na si mama. Nagka-seizure siya pero hindi na siya naagapan dahil malala na ang sitwasyon niya. Sorry, Mally. " si kuya habang humahagulgol.

Hinayaan ko munang ganon kami. Matapos ng ilang minuto ay nagpasya na akong tingnan si mama kahit na tingin ko ay hindi ko kakayanin.

Tinungo namin agad si mama, nakasunod naman si Rayleigh sa aming likod.

Nang makita ko ang kaniyang katawan na nakabalot ng puting tela ay parang unti-unting nanlamig ang aking katawan. Parang lumulutang ako dahil wala akong maramdaman.

Nilapitan ko siya at inalis ang puting tela hanggang sa kaniyang mukha.

Parang gumuho ang mundo ko na makita ang malamig na bangkay ng itinuring kong ina simula pagkabata.

Napaluhod ako at nagwala.

"Ma! Bakit?! 'Di ba pangako ko sayo na aalis tayo sa impyernong bahay natin? Bakit mo ako iniwan, ma?!" sigaw ko at hindi mapigilan ang sarili na sumbatan ang Diyos.

"Ito ba? Ito ba ang kabayaran sa lahat ng ginawa ni papa? Bakit si mama pa?!"

Dinaluhan ako ni Rayleigh at niyakap ng mahigpit.

"I'm sorry, baby. Shhh." bulong niya para mapatahan ako.

Wala nang kwenta ang buhay ko. Lahat ng pangarap ko parang unti-unting lumalayo sa akin.

Just The Two Of UsWhere stories live. Discover now