Chapter 35

35 13 0
                                    

Shout out Iamyourbebigurl :) Thank you for the votes, love! Hope you're doing well. Hoping for your books' success <3 love lots!

Support her books also, guys :)

Come back na ba nila Mally at Rayleigh? Abangan ang mga susunod na kabanata para sa may kilig at exciting na happenings ng dalawa! :)


Chapter 35

Masaya kaming bumalik sa rest house para makapag-almusal. Alam kong maling maging masaya sa mga panahong ito, pero hindi ko mapigilan dahil walong taon akong naghintay at umasa sa para sa pagkakataon na ito.

Naligo ako sa banyo ng kwarto habang siya ay sa may kusina para raw mabilis at makakain na agad. Pagkatapos ko ay dumeretso na ako sa kusina at nadatnan siyang naghihintay. Imwinestra niya ang katabi niyang upuan kaya naman tumabi ako sa kaniya.

"Mabuti at sabay kayong kakain ngayon at magkatabi pa kayo?" si manang ng malapad ang ngiti.

"We already talked, manang." Sagot ni Rayleigh at tipid na ngumiti habang ako ay abot tainga ang ngiti. Ganito ba talaga lagi si Rayleigh? Kahit kay manang ay malamig ang trato?

Agad naghanda si manang ng pagkain. Bacon, itlog at pancake ang kaniyang niluto. Pancake ang pinili ko.

"No, you need to eat these too." Si Rayleigh sabay salin niya ng bacon, itlog at kanin sa aking plato. Bakit ba ang epal niya lagi? Gusto niya ba akong maging mataba?

Sinimangutan ko siya at pilit na kinain ang mga binigay niya dahil ayaw ko namang magsayang ng pagkain. Why he always act like he's my boss? And why the hell am I tolerating that?

Pagkatapos naming kumain ay inaya niya ako sa kwarto dahil may ipapakita raw siya.

Tamad akong sumunod sa kaniya.

"Close the door." Utos niya nang makapasok kami. Sinarado ko ito.

"Anong ipapakita mo?" tanong ko at umupo sa sofa.

Pumunta siya sa kaniyang study table at may kinuhang blue at maliit na box sa drawer nito.

"I should have gave you this eight years ago, but I didn't see you after that scene at the gym." Panimula niya nang tabihan ako. Binuksan niya ang box at laking gulat ko nang makitang isa itong diamond ring. Napaawang ang labi ko.

"W-what do you mean?" nahihirapan kong tanong.

"This is a promise ring, Mally. I want to give this to you as a sign of my love no matter what will happen between our family." 'Tsaka niya ito kinuha at inabot ang aking kanang kamay. Nanginginig akong ibinigay ito sa kaniya kasabay ng aking mga luha.

"Sana ay hindi pa huli ang lahat para sa atin." At isinuot ang singsing sa aking daliri.

I don't understand myself. I know I'm happy but I feel like I don't deserve this. Hindi rin ako makapaniwala sa mga sinabi niya. 'Tila panaginip lamang ito.

"Rayleigh, I think it's too early to give this ring to me and it's too expensive." Malungkot kong sabi at huhubarin na sana ang singsing ngunit pinigilan niya ako.

"No, Mally. Just wear it so you can remember my love for you. I can't afford to lose you again. I'll die if that happens." 'Tsaka hinalikan ang likod ng aking palad at pinalis ang mga luhang lumandas sa aking pisngi.

Pagkatapos kong umiyak ay inayos ko ang aking sarili. Ayaw ko mang umiyak sa harap niya ay hindi ko mapigilan.

Hindi ko na rin mapigilan ang sarili kong sabihin kay Rayleigh na gusto kong makausap si Jess. Miss ko na ang babaeng 'yon kahit na naging kasabwat siya ng tukmol na 'to.

Just The Two Of UsWhere stories live. Discover now