Chapter 20

36 15 0
                                    

Chapter 20

Nagising kaming pareho ni Jess dahil sa alarm namin. Kahit na medyo masama pa ang pakiramdam namin dahil sa alak kagabi ay pinilit naming tumayo para makapasok.

"Hindi na ako iinom ng marami sa susunod. Parang hinahati ang ulo ko ngayon, Mally." Reklamo ni Jess na sapo ang noo habang kumakain kami ng breakfast.

Umiling ako na para bang hindi naniniwala sa sinabi niya. "Talaga ba, Jess? Nakakalimutan mo naman sinasabi mo 'pag nasa harap mo na ang alak." Pang-aasar ko sa kaniya. Inirapan lamang niya ako at nagpatuloy na sa pagkain.

Sa loob ng walong taon ay sabay kaming pumapasok sa school at trabaho ni Jess at naghihintayan naman kung sino man ang mauna. Napagkakamalan na rin kami minsan na totoong magkapatid dahil hindi daw kami mapag-hiwalay.

Laking pasalamat ko talaga sa pamilya ni Jess dahil hindi ako aabot ng ganitong estado sa buhay kung hindi nila ako tinulungan. Hinding-hindi ko makakalimutan ang tulong nila sa akin.

"Kailan mo balak na umuwi tayo sa Pilipinas, Mally? Sinabi ko na kay boss na babalik na tayo sa Pilipinas, kaya pag-alis na lang natin ang hinihintay nila." tanong ni Jess sa akin ng hindi ako tinitingnan dahil nagda-drive.

"Kung ganon, pwede ba bukas? Miss ko na kasi sila mommy at daddy." Sagot ko habang inaayos ang kulot kong buhok.

Tumingin si Jess sa akin sa rear mirror ng sandali bago nagsalita. "Okay lang rin. Sige sasabihin ko agad kay boss. May balak kasi silang magpa-farewell party sa ating dalawa."

Tumango ako at itinuon na lang ang pansin sa daan. Maganda at masaya ang naging buhay namin ni Jess dito sa Italy, mas naging matatag ang pagkakaibigan namin at nabago ang ilang pananaw ko sa buhay.

Nag-park muna kami sa basement ng building at pumasok sa elevator patungo sa 19th floor.

Pagpasok namin sa office ay isang putok ng party popper ang sumalubong sa amin at mga office mates namin. May nakasabit na 'Happy Trip Mally and Jess' banner sa pader, mayroon ring mga lobong nakadikit sa kisame na may nakalawit na pictures kasama kaming dalawa ni Jess.

Nangilid agad ang aking luha dahil sa tuwa, 'tila may humaplos sa aking puso dahil sa nakita. Hindi ako makapaniwalang nag-party pa talaga sila para sa amin.

Niyakap kami isa-isa ng mga work mates namin. Nakakataba ng puso dahil kahit halos isang taon pa lang kami dito ay pamilya na ang itinuring sa amin. Kahit na madalang lang ang paglabas namin dahil sa mga office works ay nabibigyang-oras pa rin ang pagba-bar kaya mas lalong naging matibay ang friendship namin.

Ang pinaka-huli ay si Jake na hindi makatingin ng deretso sa akin, siguro ay iniisip pa rin ang nangyari kagabi.

"Come here! 'Hwag mo nang isipin yung kagabi, I know you're just drunk. I'm not mad, Jake." Tawag ko kay Jake. Agad namang umaliwalas ang mukha niya at niyakap ako ng mahigpit.

"Sorry pa rin. Sigurado na ba kayong aalis, Mally? Iiwan mo na ako? Hindi pa naman nagiging tayo!" protesta ni Jake na natatawa at namumula ang mga mata.

Napahagikgik naman ako sa kaniyang sinabi. "Yes. Bukas na rin ang alis namin. Ikaw naman, hindi naman kita makakalimutan 'e! 'Hwag ka nang magdrama diyan!" pang-aasar ko kay Jake.

"Baka next month ay uuwi rin ako sa Pinas para magbabasyon. Sama ka hah? Please." Pagmamaka-awa niya.

"Sure! Just email me para maayos ang schedule ko sakali." At ngumiti.

"Hoy! Kayong dalawa diyan, tara na at kumain na tayo. Ang dami pa naman ng handa nila!" tawag sa amin ni Jess at sumunod na sa kainan.

Tulad ng sinabi ay marami nga silang hinanda. May Italian pasta, pizza, steak, lasagna, truffles at iba pa. Lahat na yata ng paborito ko ay nasa handaan.

Habang kumakain ay kinalbit ko si Jess para magtanong. "Paano nila nalaman?"

Nagpunas muna siya ng bibig bago ako harapin. "Si boss ang nagsabi, Mally. Nagulat rin ako dahil kahit kaninang umaga lang ko lang sinabi ay nakapag-ready sila." Ngumiti ako at ipinagpatuloy ang pagkain.

Pagkatapos naming kumain ay nag-message ang bawat isa ng farewell message para sa amin kaya hindi na namin napigilan ang pag-iyak.

"Thank you for your time and effort, guys. I wont forget all the memories we had. May all our dreams come true!" mensahe ko para sa kanilang lahat at sabay sabay na itinaas at ininom ang baso ng wine.

Naging masaya ang buong araw namin ni Jess. Mahirap mang iwan ang trabaho namin at mga taong naroon ay kailangan. May mga bagay talaga na kailangang iwan para harapin ang bagong yugto ng buhay.

After lunch na nang magpaalam kaming dalawa ni Jess na umuwi para makapag-empake at makapag-pahinga para sa pag-alis namin bukas.

"Excited ka na ba, Jess?" tanong ko habang nandito kami sa kwarto at nag-aayos ng gamit.

"Aba! Syempre! Gusto ko nang makita sila mommy. Almost one month na noong last nila tayong binisita." Masiglang sagot ni Jess. Ngumiti ako dahil sa tuwa.

Nang matapos kami ay nag-order na lamang kami para sa dinner dahil napagod kami sa pag-aayos.

"You think alam ni Rayleigh ang pag-uwi natin? Kilala ka pa kaya niya?" tanong ni Jess habang ngumunguya ng pizza.

"Wala naman akong pakialam kung malaman niya. Wala na rin naman kami. Actually, hindi naging kami kaya wala lang ang nangyari sa amin noon." Seryoso kong sagot kay Jess ng hindi siya tinitingnan dahil abala ako sa panood ng series sa T.V.

"Okay. Pero ito, napatawad mo na ba ang papa mo?" nabilaukan ako dahil sa tanong ni Jess. Agad naman niya akong inabutan ng tubig at ininom agad ito.

"Sorry, nagulat lang ako. Ngayon ka pa lang kasi nagtanong tungkol ka papa."

"Sorry. So ano nga? Napatawad mo na ba? Nasabi kasi ni dad sa akin noong minsan na nakalaya na siya."

"Ewan. Hindi ko pa masasagot 'yan ngayon. Ayaw ko muna ring pag-usapan."

"Okay. I'm sorry. Sinabi ko lang sayo baka kasi magulat ka 'pag nakita mo siya at tumawag ng pulis." Biro niya sa akin. Bahagya akong natawa at nagpatuloy na sa pagkain.

Bago kami natulog ay nag-check pa kami ng mga posibleng makalimutan.

"Good night, Mally."

"Good night rin, Jess." Paalam namin sa isat-isa bago matulog.

Kunabukasan..

"Mally! Gising na! baka ma-late pa tayo sa flight!" sigaw sa akin ni Jess.

"Eto na!" tsaka na ako dumeretso sa banyo para makaligo. Agad kong tinapos ang pagligo at pumunta sa walk-in closet namin ni Jess. Tinabi ko na kagabi pa ang susuotin ko para sa flight namin.

Isang white sleeveless shirt ang napili ko at pinatungan ito ng denim jacket. Ang pang-ibaba ko naman ay isang black pants at nagsuot ng brown leather boots na may heels.

Si Jess naman ay nagsuot ng isang black casual long dress and flat sandals.

"Lets go, Mally!" aya ni Jess sa akin. Tumango ako at sumakay na sa isang taxi. Dinonate ni Jess ang kaniyang kotse sa isang orphanage.

On time kaming nakarating sa airport. Tulad ng unang beses kong pagsakay sa eroplano, kinakabahan pa rin ako.

Halong saya at kaba ang nararamdaman ko ngayon dahil sa dadatnan ko sa Pilipinas. Masaya ako dahil makikita ko na ulit sila mommy at daddy lalo na sila kuya, ngunit kinakabahan ako sa pagkikita naming muli ni Rayleigh.

Tingin ko ay hindi pa rin ako handa na makaharap ang lalaking una kong inibig. Masakit man ang nangyari sa amin ng naging first love ko, nag-iwan naman ito ng aral sa akin.

Inabala ko na lamang ang aking sarili sa cellphone hanggang sa dapuan ng antok.

Just The Two Of UsWhere stories live. Discover now