Chapter 34

29 13 2
                                    

Shout out _MMTTCCLSK_ bebe Angelyn! Thank you for your support! Love yah and I'm always here to help you with your book <3

Please also support her book, Love takes Time :) vote and share it with your friends!

Tuluyan na bang kalilimutan ni Mally si Rayleigh or susubok pa siya sa walang kasiguraduhan na pag-ibig?

Abangan pa ang mga susunod na kabanata para sa mas exciting na pangyayari! Malapit ng malaman ang plot twist ng storyyy!!!


Chapter 34

Nagising ako dahil sa mainit na yakap mula sa aking likod. Napabalikwas ako dahil wala naman akong katabi noong natulog ako. Agad kong nilingon kung sino at laking gulat ko nang makita si Rayleigh na mahimbing na natutulog. Bahagya siyang gumalaw, buti na lang at hindi nagising.

Tiningnan ko ang orasan at nakitang alas-sais pa lang ng umaga. Not that I don't want to see him, pero bakit ang aga niya? At ang kapal din ng mukha niyang tabihan ako!

Dahan-dahan akong tumayo at nagdala ng isang unan at humiga sa sofa. Ayaw kong katabi ang lalaking 'to baka kung ano pang gawin niya 'sakin.

Ilang minuto na akong nakahiga pero kahit anong gawin ko ay hindi ako makatulog, hindi ko alam kung nilalamig ba ako o dahil nandito na si Rayleigh. Nagpasya na lamang akong magpalit ng pang swimming at lumabas para makapagtampisaw sa dagat.

Nagsuot ako ng isang tankini swimwear. Ito lang ang hindi revealing na pang-swimming sa closet kaya naman ito na ang pinili ko. Ayaw ko namang maging agaw pansin lalo na at puro lalaki ang mga kasama ko dito.

"Magandang umaga, manang." Bati ko nang makita ko siya sa kusina na nag-aayos.

"Ang aga mong nagising, iha. Nandiyan na si Rayleigh, hindi ka na niya pinagising nang dumating siya kaninang madaling araw."

"Ah, opo, manang. Nakita ko siya pagkagising ko." Paliwanag ko 'tsaka na nilapag ang baso sa lababo pagkatapos uminom ng tubig. Ngumiti siya at ipinagpatuloy na ang pag-aayos.

"Sige po, manang. Maliligo muna po ako sa dagat." Paalam ko 'tsaka na lumabas ng kusina.

Mabuti na lang at hindi pa masyadong mainit dahil wala akong sunblock dahil siguradong mamumula ako.

Nang makadating ako sa dalampasigan ay agad akong dumiretso sa dagat. Isang malakas na alon ang sumalubong sa akin kaya naman nabasa agad ang buong katawan ko.

Ilang minuto akong nanatili at pinagmasdan ang ganda ng dagat. Unang beses pa lang ako nakadating sa ganitong lugar kaya naman parang bata akong napagbigyan.

Nang tuluyan nang sumikat ang araw ay nagpasya akong umupo sa sun lounger upang pagmasdan pa ang dagat dahil hindi pa naman ako nagugutom.

'Tila sumasabay ang agos ng dagat at ihip ng hangin sa akin. Kampante. Kampante dahil nandito na siyang muli.

Hindi ko mapigilang maala si mama. Kung buhay pa siguro siya ay masaya kami ngayon at nadadala ko siya sa mga lugar na ganito para makalimutan ang sakit na binigay ni papa. Siguro ay masaya siya para 'sakin ngayon sa mga narating ko. Pero kahit anong dami ng pera ko, hindi ko pa rin masasabing totoo akong masaya dahil may kulang pa rin.

Sa gitna ng pagkakatulala ko ay napalingon ako dahil napansin ko ang basang-basa na si Rayleigh na palapit sa akin. Naligo siya? Bakit hindi ko siya nakita? 'Ganon na ba kalalim ang mga iniisip ko?

"Mally." Tawag niya nang makalapit siya sa akin.

"Rayleigh." Sagot ko ng hindi siya tinitingnan.

Just The Two Of UsDonde viven las historias. Descúbrelo ahora