Chapter 8

69 30 2
                                    


Chapter 8

Nagising ako sa alarm ng aking cellphone at dinismiss ko ito, nakita kong Sabado nga pala ngayon kaya pwedeng mag-civilian ngayong araw sa school. 

Rule kasi ng school namin na Monday to Friday ay uniform, pag Saturday naman ay freedom day para ma-express ang iyong sarili thru outfit. 

Tiningnan ko rin kung may text si kuya sa akin, nag text pala siya ng alas-dose ng gabi.

Kuya:

Kumusta ka na? Umaayos na ang kalagayan ni mama pero hindi pa rin siya nagigising. Mag-iingat ka lagi hah?

Ako:

Ayos lang ako kuya. Mabuti naman at nag-iimprove na si mama. Ingat rin kayo lagi. Dadalaw ako bukas.

Babangon na sana ako nang biglang nag-pop up ang chat head ni Rayleigh sa messenger.

Rayleigh:

Good morning, beautiful! Hope you're doing well, see you later!

Like sign lamang ang nireplay ko sa kaniya at tuluyan nang bumangon para maligo at kumain.

7:15 AM nang makarating ako sa school, tulad ng dati, wala pang masyadong estudyante sa sa building namin, kung meron man ay malamang nasa kani-kanilang room na sila. 

Habang naglalakad ako ay nakita kong naglalakad papunta sa akin si Rayleigh ng nakapamulsa. Seryoso siyang naglalakad at nakatingin ng seryoso at deretso sa akin.

Parang tambol ang kalabog ng aking puso habang papalapit siya sa akin. 

Nang magkalapit kami ay biglang umaliwalas ang kaniyang mukha at ngumiti. Binigyan ko siya ng isang tipid na ngiti.

Akala ko ay napadaan lang siya sa building namin, ngunit nagkamali ako dahil sumabay siya sa akin habang naglalakad papuntang room. 

Pagkatapos ng ilang segundo ay nagsalita siya, "Hi! Good morning, Mally."

Napatingin ako sa kaniya, "Morning." tanging sagot ko sa kaniya at ibinalik sa daan ang aking tingin. 

Kinakabahan tuloy ako habang kasama ko siya dahil sa paninitig niya sa akin habang naglalakad.

Laking pasalamat ko nang hindi na siya nagsalita hanggang sa makarating kami sa harap ng aming room. 

Bago ko pa mahawakan ang pinto ay naunahan niya ako at pinagbuksan. Sinulyapan ko siya at nagpasalamat sa pamamagitan ng pag-ngiti. 

Ngumiti naman siya pabalik at tumango, pagkatapos ay pumasok na ako.

Pagpasok ko ay hindi na ako nagulat sa ngiting aso ng aking kaibigan dahil sigurado akong nakita niya kami ni Rayleigh sa labas. 

Umupo ako sa kaniyang tabi at bago pa siya magtanong ay inunahan ko na siya.

"Nagkasalubong lang kami sa pathway ng building natin, Jess. Sinabayan lang niya ako sa paglalakad tsaka na rin pinagbuksan ng pinto. 'Yun lang." 

Paliwanag ko sa aking kaibigan kaya naman hindi na siya nagbalak pang mag tanong at sumilaw ang ngiti sa kaniya.

Natapos ang maghapon na hindi na nangulit ang aking kaibigan dahil pahirap ng pahirap ang mga lessons lalo na sa Gen Chem. 

4:00 PM pa lang nang dinismiss kami ng aming teacher sa last subject dahil may aasikasuhin daw siya at nag-iwan na lang ng assignment na essay. 

Maganda na iyon dahil ang usapan namin ni Rayleigh ay pagkatapos ng klase, kaya mas maagang matatapos ang pagtuturo ko sa kaniya.

Just The Two Of UsWhere stories live. Discover now