Chapter 39

18 6 0
                                    

Sorry sa late updates guys :( nasira po kasi laptop ko, ngayon pa lang po nagawa and hindi pa fully recovered. Hope you understand, loves.

Shout out kuya Lester! ( BigBoss_1122 ) thank you for your support :) Hope you're enjoying the story!

Abangan pa ang mga susunod na kabanata para sa mas kilig at exciting na mga pangyayari!

Chapter 39

Inubos namin ni Jess ang buong hapon sa trabaho dahil wala kaming nagawa ng umaga dahil sa kwentuhan namin. Hindi na rin naman siya nagtanong pa ng kung ano-ano.

"Mauna na ako, Mally, Rayleigh. May naghihintay pa sa akin sa bar." Paalam ni Jess pagkatapos naming mag-out sa baba.

"Sige. Mag-iingat sila sa'yo." Asar ko 'tsaka siya niyakap. Tumawa lamang siya at nauna na.

Kami na lang dalawa ni Rayleigh ngayon ang naiwan. Halos wala ng mga staff dahil oras na ng uwian, nag-over time lang kami ni Jess dahil marami akong nalampasan na trabaho.

"You 'wanna go out?" tanong sakin ni Rayleigh nang makaalis si Jess. Napatingin ako sa kaniya.

"Nope. I want to rest." Sagot ko at tipid na ngumiti sa kaniya. He nodded and snaked his arm around my waist.

I suddenly felt the electricity creep in my system. Gusto ko mang alisin ay tila kusang nagpaubaya ang aking katawan.

Naglakad kami palabas ng building at sinalubong kami ng valet na nag-abot ng susi ni Rayleigh na nasa harap namin. Pinagbuksan muna niya ako ng pinto bago pumasok.

I don't understand myself. I always doubt and question his actions towards me but in the end, I liked it.

"You sure you want to go home?" muling tanong niya habang nakatingin sa daan.

"Yes. I'm tired. I just want to rest." Tamad kong sagot at sumandal sa seat ng kaniyang sasakyan.

"I see. You look exhausted. I'm sorry. I should have gave you one more day to rest." He said with a concerned voice.

"No, no. I'm fine."

"Okay. I'll cook for dinner. What do you want?" dahil sa tanong niya ay humarap at tumingin ako sa kaniya ng puno ng excitement.

"Really?" tanong ko.

"Of course, anything for my queen." Nakangising sagot niya.

Parang may humaplos sa aking puso sa narinig. He never fails to grant my requests.

"I want kare-kare." I said with puppy eyes.

I hope he'll say yes. Ilang taon na rin ang huli kong kain ng kare-kare at siya ang huling kasama kong kumain nito. Napangiti ako sa naalala. Time really flies.

"Your favorite." He said with a smile. It's not a question, it's a statement. He knows me so well. "Okay."

I wonder, kung hindi ba ako umalis at pinakinggan ko ang paliwanag niya ay mas malalim na ang relasyon namin ngayon? O patuloy pa rin akong guguluhin ng dad niya tulad ng ginagawa niya ngayon? Kung ano man ang mga nangyari sa nagdaang walong taon, I'm still happy and content kung ano at sinong meron ako ngayon.

Buong biyahe ay nakangiti ako ngunit napawi ito nang ibang daan ang tinahak namin. Hindi ito ang papuntang bahay ni Olivia. Napagtanto kong isa itong condominium nang pumasok ang kotse sa isang underground parking lot.

"I thought we're going home?" tanong ko nang mag-park ang sasakyan.

"This is home, Mally." 'Tsaka siya tumingin sa akin at inalis ang seat belt ko. Tahimik lamang akong sumunod sa kaniya sa elevator hanggang sa harap ng isang pinto na may pass code.

Just The Two Of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon