Chapter 31

38 12 0
                                    

Shout out Angel Arana! Thank you for your support, love! Praying for you to become a successful beauty queen one day! :) Beauty with brain! <3

Sino kaya ang pumasok sa office ni Rayleigh? Ano rin kaya ang sasabihin niyang importante kay Mally?

Abangan ang mga susunod na kabanata para sa mas exciting at nakaka-curious na mga pangyayari!

Chapter 31

"P-president?" nauutal kong tanong dahil hindi ako makapaniwalang nasa harap ko ngayon ang dad ni Rayleigh. Ilang taon na rin ng huli ko siyang makita, hindi man lang ako nakapag-pasalamat sa kaniya sa tulong niya kahit na hindi naging maganda ang relasyon namin ng anak niya.

Sobrang dami na ng nagbago sa kaniya. Maputi na halos ang buhok niya at mas dumami ang wrinkles sa kaniyang mukha.

"I'm sorry, Mally. I just need to say something to Rayleigh. Can you please excuse us?" he said with full of authority and with blood shot eyes, galit ba siya?

"Sure, S-sir." 'Tsaka na ako nagmadaling lumabas. Gusto ko mang malaman kung ano ang sasabihin ni Rayleigh ay alam kong hindi muna ngayon dahil mukhang importante ang pag-uusapan nila.

Tulala akong bumalik sa opisina habang iniisip ang dapat na sasabihin ni Rayleigh tungkol sa mga magulang namin. Nagkita ba sila at nalaman ni papa ang isa pang dahilan ng pagsama ko kay Jess sa Italy? Nagka-utang ba si papa sa mommy niya? Mababaliw na yata ako sa kaiisip!

"Mally? You okay?" nag-aalalang tanong ni Jake nang makitang wala ako sa sariling nilalaro ang lapis at papel sa aking lamesa. Tinabihan naman ako ni Jess.

"Yeah, I'm just preoccupied about what Rayleigh's supposed to say." Binigyan ako ng mga nagtatanong na mga mata ni Jess.

"May sasabihin dapat siya tungkol sa mommy niya at kay papa, pero hindi niya natuloy dahil sa biglaang pagpasok ng dad niya sa office at mukhang galit."

Lumayo ng 'konti si Jess at sumandal sa upuan na para bang nag-iisip.

"May alam ka ba tungkol sa sasabihin niya, Jess?" buong kuryoso kong tanong sa kaniya.

"I'm just wondering too, Mally." Wala sa sariling sagot niya. May alam ba siya? Anong alam niya? Maybe I should do my own investigation kung hindi na itutuloy ni Rayleigh ang sasabihin.

Kahit hindi pa oras ng lunch ay nagpaalam na akong bumaba dahil tingin ko ay hindi ako makakapag-trabaho ng maayos dahil sa nangyari. Sinamahan naman ako ni Jake habang si Jess ay magpapahatid na lang daw ng pagkain dahil busy.

Umorder ako ng vegetable salad at orange juice, si Jake ay shawarma naman ang napili.

"Ex mo ba si Rayleigh?" tanong ni Jake habang kumakain. Hindi agad ako nakasagot dahil sobrang random ng tanong niya. Nahalata ba niya?

"Uhm, not exactly ex, Jake. W-why?" natatarantang sagot ko dahil hindi pa ako handa na sabihin sa kaniya.

"What do you mean not exactly ex?" nakakunot na ang noo niya ngayon at nagtataka.

"I don't know too, Jake. I like him back then and I felt that he feel the same way for me, pero hindi naging kami, tingin ko ay naging mutual lang ang feelings namin." Paliwanag ko. Ayaw ko rin namang sabihin na ako lang talaga ang nag-isip na gusto rin ako ni Rayleigh noon.

"Bakit hindi naging kayo kung gusto niyo naman ang isa't-isa? Hindi ka niya niligawan?" parang batang nagtatanong si Jake.

"No. Hindi rin naman ako papayag na ligawan niya ako dahil pag-aaral ko ang priority ko dati."

"Ohh. Kaya pala hanggang ngayon ay hindi pa man ako nanliligaw ay busted na agad ako dahil career naman ang priority mo ngayon?" Pabirong tanong ni Jake.

Just The Two Of UsWhere stories live. Discover now