Chapter 2

129 51 1
                                    

Chapter 2

Alas-singko na nang nag-dismiss ang last subject namin.

"Mallory, una na ako hah? Ingat ka!" paalam ni Jessie sa akin at sumakay na sa kotse nilang Honda Civic.

May kaya itong sila Jessie kaya hindi ko inakalang ganito siya ka-humble at kabait.

Ngumiti ako at nagpaalam rin sa kaniya, "Sige Jess. Mally na lang haha. Mag-iingat ka rin!" at kumaway sa kaniya habang papalayo na siya.

Natulala ako habang tinitingnan siyang sumakay at kumaway sa akin, sinuklian ko naman siya ng ngiti.

Biglang humangin ng malakas at napuwing ako dahil sa buhanging sumama sa hangin. Dahil sa pagkaka-puwing ko ay muntik na akong masagasaan ng isang tricycle na nagbababa ng pasahero. 

Buti na lang ay naka-urong ako sa pwesto dahil matanda ang driver ay hindi na siguro ako napansin sa gilid. Muntik na ako 'don!

Natulala akong muli ako dahil binalot ang buong katawan ko ng takot at kaba. 

Kung hindi lang sumigaw ang caller ng jeep ay hindi mapapansing nakatingin sa akin halos ng mga estudyante sa sakayan. Na-conscious tuloy ako sa itsura ko! Siguro ay sobrang putla ko na!

Pumasok na ako sa jeep at nagbayad at kinalimutan na muna ang nangyari kanina.
Mabuti na lang at malapit lang ang bahay namin sa school, isang sakay lang ng jeep papunta sa kanto namin.

Pagkababa ko ay nakaramdam ako ng excitement dahil gusto kong ikwento kay mama ang nangyari sa school at mayroon na akong kaibigan! 

Habang naglalakad ako sa kanto ay pangiti-ngiti pa ako dahil sa bago kong kaibigan. Masaya na ako kahit isa lang kaibigan ko, iwas gulo at walang plastic friends.

Nang makita ko na ang gate naming kulay pula ang pintura at may kalawang na rin ito dahil pinaglipasan na rin ng panahon, ay nakarinig ako ng sigaw at nagulat pa ako nang nakarinig din ako ng nabasag na kung ano. 

Agad kong itinulak ang gate at umingay dahil sa langitngit nito.

Nagmadali akong pumasok sa munti naming bahay at nadatnan sila mama at papa na nag-aaway dahil lasing nanaman si papa. Hindi na niya inisip na paubos na ang ipon namin at puro bisyo pa ang inaatupad niya. 

Nahihiya na rin naman kaming magpatulong kay kuya dahil may pamilya na ito.

Nakita ako ni mama at pilit na ngumiti kahit alam kong nahihirapan na siya. 

Dederetso na sana ako sa kwarto nang sumigaw si mama at biglang hinagis ni papa sa akin ang bote ng alak. Mabuti na lang at naka-ilag ako at tumama iyon sa pader at nabasag.

Sumigaw si papa matapos niyang ihagis ang bote, "Wala ka talagang pakinabang! Kung alam ko lang ay pinalaglag na kita noong pinagbubuntis ka ng nanay mo!" at dinuro-duro niya ako.

Hinarap ko siya ng walang bahid ng takot sa aking mukha kahit na ang totoo ay kinakabahan ako.

Lumapit sa kaniya si mama para pigilan sa kung ano mang binabalak niya, "Hayaan mo na ang anak ko! Mas wala kang pakinabang dahil puro paglalasing na lang ang ginawa mo!" ngunit sinuntok siya ni papa sa mukha dahilan ng pagkabagsak niya sa malamig na sahig.

Mabilis kong nilapitan si mama at niyakap para kahit papaano ay maibsan ang sakit na nararamdaman niya at maipagtanggol kay papa.

Ngunit hindi pa nagtatagal ang pagkayakap ko kay mama ay bigla akong hinila ni papa at tinulak. 

Tumama bigla ang aking ulo sa sulok ng upuan dahil sa lakas ng pagkakatulak niya.

Mabilis kong hinawakan ang aking ulo bilang suporta dahil nahilo ako bigla. 

Nang tingnan ko ang kamay ko ay laking gulat ko nang may dugo dito.

Tiningnan ko si mama habang pilit na lumalapit sa akin at umiiyak ngunit bigla na lang nagdilim ang aking paningin at hindi na maalala ang sumunod na nangyari.

Just The Two Of UsKde žijí příběhy. Začni objevovat