Part 111

2.1K 68 1
                                    

Kasalukuyang pinapanood ni Keshia ang papalubog na araw habang nakaupo sa may buhanginan sa labas ng tinutuluyan niyang hostel. Hindi siya nagkamali ng piniling tutuluyan. Isang maliit na bahay na yari sa kahoy na may limang kwarto para sa mga bisitang turista, may maliit na kusina at nag-iisang palikuran. May maliit din na beranda kung saan nakaharap sa dagat at kitang kita ang ganda ng tanawin at ang mga dumadaang turista. Walang hotel sa islang ito. Ipinagbabawal ng mga mga opisyales at mga tagaroon ang  pagtatayo ng hotel ng mga negosyante.
Upang matulungan at kumita ang mga residente ay napagkasunduan nilang ang kaniya kaniyang bahay ang gawing bahay tulogan o homestay sa mga turistang gustong magpalipas ng gabi sa naturang isla. Mura na, feel at home pa sila.

Kaya kahit saan ka tumingin halos lahat ng bahay may karatolang nakalagay sa labas na tumatanggap sila ng bisita sa murang halaga.

Naisipan niyang tumayo at maglakadlakad ng nakapaa. Lumusong siya ng kunti sa dagat hanggang umabot sa may tuhod niya ang tubig.

Ang sarap magtampisaw sa tubig kaso lang padilim na at ayaw niyang maligo sa gabi baka may biglang hihila sa paa niya sa ilalim ng tubig. Que horror🤣 Nilarolaro nalang niya ang tubig sa kanyang mga kamay ng biglang may humawak sa kanyang kaliwang paa.

Napatili siya ng malakas sa pagkabigla at takot nang biglang umahon sa ibabaw ng tubig ang may ari ng kamay na iyon sa mismong harapan niya.

Laking gulat niya ng mapagsino ito. Ito iyong gwapong lalaking pinagtatawanan siya.

"Ano ba? Sino ka ba? Alam mo bang halos mamatay ako sa takot sa ginawa mo?" Singhal niya rito. Sobrang nakakagalit ang ginawa nito. Halos himatayin siya sa takot.

"Ginawa ko lang makatutuhanan ang sinasabi mo." Sabay tawa nito.

"Anong pinagsasabi mo? Di kita maintindihan." Pasinghal paring tanong niya. Yong puso niya ay parang hindi pa nakarecover sa kabang nadarama. Kabang hindi niya maipaliwanag kung para saan, sa kamay ba na humawak sa kanya kanina na nagdala ng takot o sa biglang pagsulpot ng napakagwapong lalaki sa harap niya in his wet sexy look.

Teka nga Keshia tumigil ka, kastigo niya sa sarili.

"I heard you talking to yourself again. Maybe you raise your voice intentionally so you can catch my attention. You got me, babe." Ang sagot nito sabay ngisi at kindat nito sa kanya kahit medyo madilin na ang paligid.

Nagpanting naman ang tenga niya sa narinig. "Aba't di ka lang antipatiko, mayabang pa. Hoy unggoy never in my life nagpapapansin sa mga lalaki kahit gaano pa sila kagwapo no. Never ever. Isaksak mo yan sa kukute mo." Galit na sabi niya. Aba't napagkamalan pa siyang nagpapansin dito.

"So inamin mong gwapo ako?" Nakangisi paring sabi nito.

"Hindi ko sinabi yan at hindi ka naman gwapo. Huwag masyadong feelingero baka tamaan ka ng kidlat." Sagot niya rito sabay talikod sa lalaki para iwan ito ngunit nahagip ng lalaki ang kanang kamay niya at hinawakan sabay hila sa kanya pabalik. Hindi niya yon inaasahan kaya muntik na siyang matumba sa tubig kung hindi siya nahapit ng estrangherong lalaking ito.

Magtatalak na sana siya ng hindi maganda sa lalaking ito pero hindi niya nagawa dahil biglang sinakop nito ang mga labi niya.

Sinubukan niyang magpumiglas at itulak ito ngunit malakas ang pagkahapit nito sa kanya habang ang isang kamay ay hawak hawak ang kanyang buhok sa may batok.

Parang nawalan siya ng lakas sa sensasyong nadarama. Kakaiba ang dating ng halik nito. Parang gusto niyang pumikit at umungol. Para siyang nalulunod sa kakaibang pakiramdam.

Hindi niya namalayan ay unti-unti na pala niyang sinasabayan at sinusuklian ang bawat halik nito. Nag-iinit ang buong katawan niya at para nawawala siya sa katinuan ng biglang naputol ang paghalik niya ng ilayo siya ng binata.

"See? Hindi lang ako gwapo, masarap din ako at napatunayan mo yon." Sabi nito at ngumiti ng napakalapad sabay langoy palayo sa kanya.

"See you around." Sigaw pa nito habang palayo ng palayo sa kanya. Naiwan naman siyang parang itinulos sa kinatatayuan. Parang naparalisa ang buo ng niyang katawan. Hindi niya mawari kung ito'y dahil ba sa napakasarap na halik na kanyang nalasap o dahil sa sobrang kahihiyan sa pagpapaubaya na mahalikan ng antipatiko at walang hiyang lalaking iyon. Parang gusto niyang umiyak pero hindi niya mawari kung sa galit, sa panghihinayang o sa kahihiyan.









Irresistible KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon