Part IV

2K 59 0
                                    

Halos hindi dinalaw ng antok si Keshia ng nagdaang gabi dahil sa halik na iyon mula sa hindi niya kilalang lalaki pero heto gumising parin siya ng maaga kahit gustong gusto pang pumikit ng mga mata niya. Alas singko palang ng madaling araw at mahigit apat na oras pa lang ang tulog niya pero kailangan niyang gumising dahil plano niyang akyatin ang bundok ng naturang isla. Kailangan niya maakyat 'yon bago titirik ang mainit na araw.

Dali-dali siyang bumangon naghilamos at nagbihis ng panghiking na damit at nagsuot ng sapatos. Alas singko ang usapan nila ng batang magtu-tour guide sa kanya. Ayaw sana niyang kumuha ng guide kasi kaya naman niyang umakyat doon. Napakaliit lang ng isla at imposibleng mawawala siya. Pero pinagbabawal daw ang umakyat doon ng walang kasamang tour guide kaya pumayag nalang siya.

Paglabas niya ng hostel ay nakita niya nag binatilyong magguide sa kanya na naghinhintay sa labas.

"Good morning po" Bati nito sa kanya.

Nginitian niya ito. "Good morning din. Tara na." Yaya niya. Nagpatinuna namang naglakad ang binatilyo. Tahimik lang silang dalawang naglalakad ng biglang huminto at may binati ng "good morning". Lumingon siya sa isang maliit na bahay upang tingnan ang binati ng binatilyo.

Biglang uminit ang pakiramdam niya ng makita ang lalaking humalik sa kanya na lumakad palapit sa kanya at nakahiking outfit din.

"Good morning, gorgeous" bati nito sa kanya habang nakangiti. Oo klarong klaro ang pagngiti nito kahit medyo madilim dilim pa dahil sa pantay at mapuputi nitong mga ngipin.

Hindi niya ito pinansin bagkos tinalikuran niya ito. At naunang naglakad sabay yaya sa tour guide na si Jose.

"Ah mam si sir Mathew pala mam, makakasabay natin siyang aakyat ngayong umaga." Pagpapakilala ni Jose.

Biglang nilingon niya ito para lang mainis ng makita ang nakakalokong ngiti nito. Parang malas yata ang umaga niya ah, saloob-loob niya.

Binilisan nalang niya ang paglakad bago pa man tuluyang masira ang umaga niya.

May mangilan-ngilan namang umaakyat ang naabotan nila sa trail na nagpapahinga saglit. Halos humigit isang oras ang inakyat nila bago sila nakarating sa tuktok ng bundok.

"Wow" halos magkapanabay na sambit ni Keshia at Mathew ng masilayan ang ganda ng tanawin mula sa kanilang kinatatayuan. Hindi niya akalain na kamangha-mangha ang ganda ng burol sa ibaba at kitang kita nila ang buong isla.

May nakita rin siyang napakaliit na isla sa harap ng islang kinatatayuan nila. Ang tawag daw sa islang iyon ay isla liit.

Parang ang sarap sa pakiramdam na tanaw na tanaw mo ang buong paligid at ang layo ng natanaw at ang ganda ng tanawin. Nakakawala ng stress, ng problema. Parang ang sarap lang sa feeling na humihinga ka ng napakapreskong hangin. Sa isip-isip niya. "Hmmm".. sabay singhot niya ng malamig na hanging pang.umaga. "so fresh". Napangiti siya. Minsan lang kasi siya makagala sa lugar na ganito dahil sa uri ng trabaho niya. Tinitiis nalang niya ang buhay sa lungsod na puro alikabok kaya tamang tama ang desisyon niyang magliwaliw sa ganitong lugar.

Nauna nang bumaba si Jose at sumunod naman silang dalawa para maikot nila ang buong isla. Dahan-dahan siyang bumaba sa medyo madulas na lupa na halos walang bato na pwede maapakan. Si Mathew na nauna sa kanya ang walang kaeffort effort ang pagbaba, mukhang sanay na sanay itong umakyat ng bundok.

"Ay" napasigaw si Keshia ng biglang nanulas ang sapatos niya. Gugulong sana siya buti nalang nasa unahan si Mathew at napakapit siya sa braso nito.

Napalingon si Mathew sa pagkabigla.
Nagkatitigan sila. Dumako ang tingin niya pababa sa mga labi nito. Ang medyo namumulang labi na laging nag-aanyayang halikan. Naalala na naman niya ang halik na iyon. Nakakawala ng tino ng utak.

Irresistible KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon