Part XIV

1.6K 58 3
                                    

Pinihit niya ang siradura ng walang sumagot sa loob ng katukin niya ang pinto. Wala doon ang sekretarya ng boss niya at sa hitsura ng mesa nito ay mukhang umuwi na ito. Alas otso na ng umaga at siguradong umuwi na ito. Pero ngayon siya gustong interview'hin ng boss nila. Biglang daloy ng kaba sa dibdib niya.

Napatda siya sa naabutan ng mabuksan ang pintuan ng boss. Naabutan niyang may kahalikan ang binata. Nakaupo ito sa swivel chair nito at ang babae ay nakaupo sa binti ng lalaki habang naghahalikan ito.

Tumigil ito ng maulinigang may pumasok na ibang tao sa loob ng opisina nito. Tumayo naman ang babae na parang walang nangyari at ganon din ang lalaki na nakangiti pa sa kanya.

"Yes miss Gonzaga?" Tanong nito sa kanya na hindi man lang nag-abalang punasan ang bibig nitong may bahid ng lipstick. Mukhang nalimutan nito kung bakit nandoon siya imbes pauwi na sana siya bahay ngayon.

"The HR told me that I have an scheduled interview with you at this time at mukhang busy ka yata kaya aalis nalang ako." Patuyang sabi niya habang nakipagtitigan sa binata. Hindi niya maintindihan kung bakit bigla siyang nagalit rito. Parang gusto niyang sabunutan ang babaeng nasa harap niya na animoy uod na hindi tumigil sa kakapulupot nito sa bisig ng binata kahit nasa harap ito ng ibang tao. Nakita niyang nakataas kilay naman ito ng marinig ang sinabi niya.

"Well, I'm sorry I forgot. I have a surprise guest this early." Sabi nito at tinapunan ng tingin ang katabing dalaga at ngumiti ng pagkatamis at bumalik ang tingin nito sa kanya.

Nakatayo lang si Keshia sa harap nito na hindi alam kung ano ang gagawin. Kung aalis ba siya o mananatili doon habang tinitingnan ang dalawa.

Kung aalis naman siya baka wala na talaga siyang chance na matanggap as supervisor at kung hindi naman siya aalis nasasaktan naman siya sa nasaksihan niya.

"Sit down." Utos ng binata sa kanya.

"Well mukhang busy ka at mukhang mas importante yan kaysa sa akin. Lalabas na muna ako at maninigarilyo. Hintayin kita sa labas. At sabay tayong kakain ng almusal." Sabi ng babae sa binata na may paglalambing.

"Well, okay." Sang-ayon naman ng binata. Tumayo ang babae at bago umalis ay ginawaran muna ng halik ang binata.

"See you later babe." Paalam nito sa binata at pinasadahan muna siya ng tingin bago tuluyang lumabas ng opisina.

Ang landi-landi. Nausal ng dalaga habang sinsundan ng tingin ang lumabas na babae.

Nakangiting Mathew naman ang nalingunan niya. Hindi niya alam kung anong nakakatawa sa ginagawa nito. Well siguradong masaya ito dahil dinalaw ito ng girlfriend nito o di kaya'y babaeng gusto nitong makasama tapos iiwan pagnagsawa na ito.

"Oh bakit naman sambakol yang mukha mo?" Tanong nito sa kanya.

" Well, inaantok lang ako sir." Pagsisinungaling niya.

"Liar! Aminin mo nang nagseselos ka." Kapanting saad nito.

"Kasali na ba ito sa interview mo sa akin?" Mahina ngunit may diin na tanong niya rito.

"Kung sasagutin ko ba ng "hindi" ang tanong mo ay hindi ba ako makapasa o kung "oo" naman ang isasagot ko, makakapasa ba ako.?" Pagpapatuloy niya. Nakipagtitigan siya rito. Nakikipagsukatan.

"Yes, you'll be the supervisor in this company that easy kung aaminin mong nagseselos ka." Nakangiting sabi nito sa kanya.

Nagpupuyos naman siya sa galit. At halata nga namang ginigipit siya nito para malaman ang nararamdaman niya. Sinusukat siya nito kung hanggang saan ang pag-iiwas at pagtatago niya ng nararamdaman. Siguro na titrigger lang ito dahil siya lang siguro ang babaeng hindi ito hinahabol.

Gusto niyang mapromote at maging supervisor ngunit ayaw naman niyang pagbigyan ito na paglaruan siya.

"Bakit mo ba ako pinipilit na aamin na nagseselos ako ha? At bakit naman ako magseselos? Iyong mukhang haliparot na kapit ng kapit sayo na parang uod kung makakapit sayo ay pagseselosan ko? Huh!" Halos pasinghal na sabi niya sa binata. "Never kong pagseselosan yon. Mas maganda pa ako don." Halos habol hiningang sa bilis ng pagsasalita niya.

Ngumiti lang ang lalaki at tumayo.
Nilapitan siya nito. Hinaplos ang pisngi niya at bumulong malapit na malapit sa mukha niya. "Mas lalo kang gumaganda kapag nagseselos" Anito at ngumiti ng pagkatamis-tamis sa kanya.

Namula naman ang mukha niya sa pagkapahiya. Ipinagkanulo siya ng sarili niyang bibig.

Akmang hahalikan na siya nito ng bigla niya itong itulak sa dibdib.

"Stop." Iwas niya rito. "Hindi tama ito. May nobyo ako at ikakasal na ako. Balak ko nang tanggapin ang inaalok ng nobyo kong kasal." Pagsisinungaling niya rito para tigilan na siya.

Itinulak siya nito sa pader at ikinulong. "Hindi ka pwedeng magpakasal sa lalaking iyon. Hindi." Galit at may diin nitong sabi.

"At bakit naman hindi?" Pang-aaruk niya rito. Matigas na nakipagtitigan. Hindi niya maintindihan ang binata kung bakit sinasabi nito iyon sa kanya. Gusto niyang umasa na may nararamdaman din ito sa kanya. Na gusto rin siyang maging asawa at ina ng mga anak nito at siya lang ang gusto nitong makasama habang buhay.

"Dahil alam kung ako ang gusto mo at hindi ang lalaking iyon." Sagot nito. Nadismaya siya sa narinig. Umasam siyang marinig na gusto siya nito na mahal siya ngunit nabigo siya.

Tumawa siya. "Mr. Rogers, pakakasalan ko kung sino ang gusto kong pakasalan. At wala ka nang pakialam kung mahal ko ba ang pakakasalan ko o hindi. Gusto ko lang namang magkaroon ng makakasama, magkaroon ng asawa at mga anak at sa nakikita ko mabait naman si Jerome. Pasadong pasado siyang maging asawa ko." Matapang at taas noong sabi niya na may halong pagpaparinig sa binata.

Hindi naman nakapagsalita ang binata. Mukhang tinablan sa sinabi niya. Hindi niya mabasa ang magkahalong ekspresyon sa mukha nito. Bigla naman siyang nagsisi sa pagsisinungaling niya. Gusto niya itong haplusin sa mukha at yakapin. Ngunit hindi pwede. Hindi niya dapat ipakita rito na nanalo ito. Na naangkin nito ang puso niya.

"Aalis na ako, I guess we're done here." Paalam niya. Bigla siyang hinila nito at sinibasib ng halik. This time ay hindi siya pumalag. Nagpatangay ang tanga niyang puso.

Naghahabol hininga sila pareho ng maghiwalay ang kanilang mga labi. Walang namagitang salita. Niyakap siya nito ng mahigpit na mahigpit. Pinabayaan lang niya ito hanggang bitawan siya nito. Hinagkan uli siya sa noo nito at sinabing

"Go home and sleep." Paalam nito.

Hindi niya maintindihan ito. Hahalikan at yayakapin siya na parang nag-uumapaw ang nararamdaman nito sa kanya pagkatapos ay wala lang. Wala itong sasabihin kahit ano. Nakakainis.

Walang sabi-sabing iniwan at binalibag ang pinto nito pasara.

Irresistible KissWhere stories live. Discover now