Part IX

1.6K 60 0
                                    

Nagmamadaling pumasok si Keshia sa building ng kompanyang pinagtatrabahoan. Halos liparin na niya ang patungong third floor kung saan doon sila nagdadial. Late siyang nagising ng gabing iyon dahil hapon na siya nakatulog kanina. Alas dyes ng gabi ang umpisa ng trabaho nila at biente minutos nalang para mag-umpisa silang magtrabaho. Sa call center strikto sila oras. Call time is call time. Kapag wala ang agent on call time, pagagalitan ng manager 'yon at kapag ang manager naman ang late pagagalitan naman siya ng supervisor. Makikita kasi sa monitor kung sinong manager ang hindi pa naka online at ready for that night.

Kaya halos takbuhin na niya ang papasarang elevator. Dali dali siyang nakapasok bago tuluyan itong nagsara. Hinihingal pa siya ng malingunan niya ang katabing lalaki. Dalawa lang sila sa loob at namilog ang mata niya ng mapagsino ito.

Kamukhang kamukha ito ng lalaking nakilala niya sa isla isang buwan na ang nakalipas. Ang lalaking ni minsan ay hindi mawaglit sa isip niya. Yumuko siya at ayaw niya itong tanungin at tingnan. Nanlalamig ang kamay niya na nag-iinit na hindi niya maintindihan. Ayaw niya itong kausapin dahil hindi niya alam kung ano ang sasabihin niya.

Tyempo namang huminto ang elevator sa ikatlong palapag ng building. Akmang lalabas na siya ng bigla nitong pigilan ang kanyang kamay at hinila siya palapit rito at niyakap ng mahigpit. Napatda siya sa ginawa nito.

"I miss you." Halos pabulong na sabi nito kanya.

Bigla niya itong itinulak. "Sino ka ba at bigla ka nalang nangyayakap?." Pagalit na tanong niya rito. Hindi parin ito nagbabago, bigla parin itong nangyayakap o kung ano pa ng hindi nagpapaalam sa kanya.

Halos pasara na ang elevator ng buksan niya ito at dali daling lumabas. Hindi na niya hinintay na sumagot ang binata baka mas lalo siyang malate sa trabaho.

Ang lakas parin ng tahip ng dibdib niya ng makarating sa cubicle niya. Kompleto na ang lahat ng agents niya at siya nalang ang kulang kaya dali dali siyang naglogin.

Ano kayang ginagawa ng lalaking ito rito sa opisina nila? Hindi naman siguro ito ang bagong boss nila. Dahil ni minsan ay hindi nila nakita ang mga big bosses nila na gumagamit ng employees elevator. May sarili silang elevator papuntang opisina nito sa pinakataas na floor. Hindi naman sa hindi ito bagay maging boss dahil bagay na bagay ito sa ganong posisyon. Pagkalipas isang buwang mahigit na di niya ito nakita, mukhang mas lalo ito gumwapo sa paningin niya.

"Okay ka lang?" Untag na tanong ni Jerome sa kanya. Magkalapit lang sila ng cubicle. Manager rin ito. Buti nalang nakabalik pa ito sa posisyon nitong iniwan ng nagbalik ito. Nagpaliwanag naman ang binata kung bakit bigla itong nawala. Nagkasakit raw ito ng malala na akala nitoy mamamatay na ito kaya iniwan nalang siya at nagpaalam naman daw ito sa HR na mag-indifinite leave dahil sa sakit nito. Pumayag naman ang HR dahil maganda din naman ang performance nito.

Naintindihan at napatawad naman niya ito kahit na hindi nito dapat ginawa iyon. Pwede naman niya itong damayan kung anong sakit nito noon pero pinili nitong iwan siya. Pero tapos na iyon kaya pinatawad na niya ito. Hindi naman ito nagpapigil sa panliligaw uli sa kanya at kahit ilang beses niyang sinabi rito na tigilan na nito ang panliligaw ay di parin ito tumigil. Napaibig daw siya nito noon kahit ilang buwan itong nanligaw sa kanya kaya ganon din daw ang gagawin nito ngayon. Kaya pinabayaan lang niya ito basta sa umpisa palang hindi na niya ito pinaasa.

"Okay lang ako." Sagot niya rito. "Medyo nalate lang ng gising kaya nalate ako ngayon." Pagpapaliwanag niya.

Ngumiti ito sa kanya at nag-umpisa na silang nagtrabaho.

" Agent 15, dead call." Sigaw ni Keshia sa kanyang agent. Pinuntahan niya ito at nakita niyang nakatulog ito. "Ano ba yan gusto mo bang bigyan kita ng written warning? Dawalang magkasunod na gabi ka ng natutulog sa trabaho ah." Pagpapatuloy niya rito.

"Hindi pwedeng ganyan, ang aga-aga pa para matulog ka. Ayusin mo iyang trabaho mo baka makita tayo ng boss" mahinang paalala niya rito. Isa itong pamilyadong tao at kapapanganak lang daw ng asawa nito kaya pag-uwi nito ay kailangan pa nitong gumawa ng mga gawaing bahay kay kunti nalang ang tulog nito. Naintindihan naman niya ito kaso lang dapat gagawin rin nito ang trabaho nito dahil baka sa kapabayaan nito ay mawalan pa ito ng trabaho.

"Sorry miss Keshia. At salamat sa konsiderasyon." Sagot nito at tumayo at nagpaalam na magtitimpla lang ng kape.

Pabalik na si Keshia sa kanyang upuan ng biglang nakarinig siya ng bulungan na nasa left wing daw ng nasabing floor ang bago nilang boss at nag-iikot. Siguradong pupuntahan din sila nito kaya kailangan nilang maghanda.

Bigla siyang kinabahan na di niya mawari.

Irresistible KissWhere stories live. Discover now