Part XVI

1.8K 49 0
                                    

Tahimik na umiinom si Mathew ng alak sa kanilang mini bar. Gusto niyang magpakalasing. Iyong sobrang lasing na siya at makalimutan na niya si Keshia. Dalawang linggo na siyang di nagpapakita sa dalaga. Iniiwasan niya ito dahil alam niyang di ito para sa kanya. Nagkukulong lang siya sa opisina niya tuwing nasa trabaho siya at kinakausap lang niya ang mga empleyadong dapat niyang kausapin sa pamamagitan ng video call. Hindi na rin niya ginamit ang pang-empleyadong elevator para maiwasang makasalubong ang dalaga. Kailangan niya iyong gawin dahil ikakasal na ito at ayaw niyang maging mang-aagaw. Pero bakit ganon, habang umiiwas siya ay lalo namang nagsusumiksik sa utak niya lagi ang imahe ng dalaga. Namimiss niya itong lalo. Parang mababaliw na siya sa kaiisip na magpapakasal ito sa iba. Parang hindi niya matanggap na may iba itong katabi sa kama. Parang di niya kayang tanggapin na may iba nang nagmamay-ari ng dalaga at wala na siyang karapatang halikan at yakapin ito kung kailan niya gusto.

"Ahhh" naihilamos niya ang kamay sa mukha at hinawakan ang ulo. Hindi niya alam ang gagawin niya. Hindi niya kayang mawala ito sa kanya. Kinuha niya ang baso na puno ng alak at mabilis na tinungga.

"What's your problem son?," Ang ina niya na biglang tumambad sa harap niya. Hindi siya sumagot at patuloy lang sa pag-inom ng alak.

"Broken-hearted ba ang napakagwapo kung anak?" Pabirong tanong nito ngunit alam niyang nag-alala ito sa kanya. Hindi siya nakita nitong umiinom ng ganon.

"Sino ba ang napakaswerteng babaeng iyon at nang makilala ko." Pagpapatuloy nito ng hindi pa rin siya sumasagot. "Care to share?" Tanong pa rin ng ina niya at binawi ang hawak niyang bote ng alak.

"I lost her." Panimula niya.
"I'm listening." Sabi ng ina niya.

"Magpapakasal siya sa iba kahit hindi niya ito mahal." Dagdag pa nito.

"Mahal mo ba siya?" Tanong ng ina niya. Hindi agad siya nakasagot.

"I don't know, ma. Ang alam ko lang ay hindi ko kayang isipin na mawala siya akin at iba na ang mag mamay-ari sa kanya." Malungkot at nasasaktan nitong sabi.

"Eh di mahal mo nga siya. Alam ba ng babaeng ito na mahal mo siya?" Tanong ng ina niya.

"Hindi ko alam." Mahinang sagot niya.
"Mahal ka ba niya?" Tanong pa rin  nito .

"Minsan nararamdaman kung may pagtingin rin siya sa akin pero naguguluhan ako dahil iginigiit pa rin niya na pakakasalan niya ang lalaking iyon." Huminga siya ng malalim.

"Well kung feeling mo ay pareho kayo ng nararamdaman eh bakit hindi mo ipaglaban?" Kumbinsi at tanong nito sa kanya.

"Takot ako sa commitment ma. At iyon ang gusto niya, commitment. Gusto niyang magkaroon ng pamilya at hindi ko maibibigay sa kanya iyon. Di pa ako handa. Takot pa akong baka pagdating ng panahon ay magsawa siya sa akin at iwan ako tulad ng ginawa ni ante kay uncle." Gusto niyang umiyak sa harap ng ina pero pinigilan niya.

"Anak, huwag mong ihalintulad ang buhay mo sa uncle mo. Magkaiba kayo at tsaka hindi lahat ay nagkakaroon ng tulad sa uncle mo na kapalaran. Hindi mo ba kami nakikita ng daddy mo? See? We are still inlove with each other kahit malaki ang agwat ng edad namin ay hindi ko siya ipagpapalit kahit kanino. Alam mo ba kung bakit? Dahil mahal na mahal ko siya. Kaya ikaw huwag kang matakot na sumugal sa pag-ibig. 'Pag mahal mo, ipaglaban mo."
Kumbinsi ng ina niya. Maswerte siya na nagkaroon siya ng mabait at mapagmahal na ina. Niyakap niya ito ng mahigpit.

"Salamat ma." Bulong niya.

----
Kinabukasan ay maaga siyang pumasok sa trabaho. Malapit na siya sa gusali ng kompanya ng makita ang pamilyar na anyo na nasa medyo madilim na gilid ng kalsada. Pinahinto niya ang kotse. Naaninagan ng ilaw ng sasakyan niya ang mukha ng lalaki. Si Jerome ang lalaking iyon. May kahalikan ito. Biglang pagbangon ng panibugho ang nararamdaman niya. Bigla niyang napatakbo ang sasakyan ng mabilis patungo sa dalawa. Gusto niyang sagasaan ito pero hindi niya iyon gagawin. Biglang huminto ang kotse niya sa harap ng mga ito. Nabigla naman ang mga ito at napaharap sa kanya. Parang nawala ang tinik sa dibdib niya ng makita ang mukha ng babae. Ibang babae ang kahalikan  ito. Biglang pagbangon naman ng galit sa dibdib niya. Gusto niyang bumaba ng sasakyan at suntukin sa mukha ang lalaki dahil sa ginawa nitong kataksilan kay Keshia ngunit di niya itinuloy.

Mabilis na pinaandar nalang niya ang sasakyan papunta sa parking area.

Irresistible KissWhere stories live. Discover now