Part VI

1.7K 54 1
                                    

Dahil tanghaling tapat at tirik na tirik ang araw at sa sobrang init ng paglalakad nila papunta sa falls paramg gusto niya agad lumusong sa tubig.

Umupo muna siya sa may gilid ng pool habang nakalusong sa tubig ang dalawa niyang paa. Buti nalang walang turistang pumunta doon ng oras na iyon para masarili nila ang lugar. Medyo naiilang siya ng mapagtantong dalawa lang sila ng binata sa naturang lugar. Nilingon niya ito na hinuhubad ang damit pang itaas at tumambad sa kanya ang malamodelong pangangatawan nito. Ang abs na parang ang sarap haplusin. Ano ba ang halayhalay naman ng iniisip niya. Mabilis niyang sita sa sarili at napapalunok habang nakatingin dito.

Tumalon ang binata sa tubig at nagpabalik balik sa paglangoy.

"Hey, titingin ka na lang ba sa akin hanggang sa magsawa ka? I mean titingin sa tubig." Nakangiting biro nito sa kanya. "Come on, halika na." Yaya nito sa kanya.

Plano na sana niyang lumusong sa tubig ng bigla itong nawala sa paningin niya. Biglang sumisid ito sa tubig.

"Ay" napasigaw nalang siya ng biglang sumungaw ang mukha nito sa harapan niya at hinawakan ang dalawa niyang paa.

"Ano ba? Ginulat mo na naman ako. Nakadalawa kana ah." Pakunwaring galit siya rito.

"Deja vu?" Parang nang-aakit na tanong nito sa kanya at ngumiti na parang may ibig sabihin.

Pakiramdam niya ay nag-umpisa na namang dumaloy ang mainit na pakiramdam patungo sa mukha niya ng maalala ang unang halik nila ng binata.

Sinabuyan niya ito ng tubig sa mukha para ibahin ang pakiramdam niya ngunit ngumisi lang ang binata at hinila siya pababa. Napatili siya ng mabilis siyang dumausdos sa bato at nahulog siya sa harap ng binata.

Mabilis naman siyang nasalo ng binata at iniyapos agad nito ang mga kamay upang hindi siya malunod sa tubig.

Hindi naman maipaliwag ng dalaga ang nararamdaman ng mga sandaling iyon. May tila kuryenteng biglang dumaloy sa buo niya katawan dahil sa ginawang pagyapos nito sa kanya. Walang ni isa sa kanila ang gumalaw. Nagkatitigan lang sila. Biglang lumakas ang kaba sa dibdib niya. Kabang di niya maintindihan. Nadako ang tingin niya sa mga labi nito at ito naman sa kanya. Pakiramdam ni Keshia ay nag-umpisa ng nagliyab ang apoy sa paligid kahit alam niyang nasa tubig sila.

Iiwas sana ni Keshia ang kanyang paningin at lalangoy palayo rito ng biglang kinabig ng binata ang batok niya at sinakop nito ang mga labi niya.

Napatda siya sa ginawa nito at hindi siya nakakilos. Sinibasib siya ng halik na parang sabik na sabik ito. Hindi niya alam ang gagawin. Parang nadadarang na naman siya. Gusto niyang itulak ang binata ngunit di sumunod ang mga kamay niya bagkos humigpit ang kapit niya sa katawan nito. At ang mga labi niya ay nagkusa namang gumanti sa bawat halik ng binata.

Pero hindi to maari, hindi pwedeng mangyari to. Ayaw na niyang pagtatawanan na naman siya pagkatapos nito. Sa isip ni Keshia. Bigla niyang itinulak ito sa dibdib ng malakas. Naputol ang halik nila. At hinihingal pa silang pareho.

"I'm sorry." Hingi ng paumanhin ng binata.

Hindi naman siya nagsalita ngunit sa isip niya mas gusto niyang marinig ang paliwanag mula sa binata kung bakit lagi siya nitong hinahalikan ng walang paalam. Ano bang akala nito sa kanya? na easy girl siya? O pukpok siya sa lugar nila at nandito siya sa lugar na ito para maghanap ng lalaki or maybe akala ng lalaking ito na naghahanap siya ng lalaking for fun lang kaya di siya pumapalag sa tuwing hinahalikan siya nito?

Biglang ahon ng inis niya sa dibdib para sa binata. Kaya may nabuo siyang plano para rito. Kung ano man ang iniisip nito ukol sa kanya ay hindi niya ito itatama. Bagkos papatulan niya ito sa larong gusto nito. Patatakamin lang niya ito ngunit di nito makukuha ang hinahangad nitong makuha. Ang katawan niya.

Biglang napangiti siya sa naisip na kabaaliwan.

Halos di naman alam ni Mathew kung ano ang sasabihin niya kay Keshia tungkol sa ginawa niya. Salitang "sorry" lang ang namuntawi sa bibig niya pagkatapos siyang itulak nito sa dibdib. Di niya inaasahan iyon dahil ang dalaga ay gumaganti naman sa bawat halik niya.

Aminado siya na attracted siya sa dalaga. Noong una pa lang niya itong nasilayan ay parang gustong gusto na niya itong makita palagi at sa tuwing nasa malapitan ito lagi nalang may hatid na init sa kanyang katawan. Ang mala kulay rosas nitong labi na parang laging nag-aanyayang halikan ay gusto niyang matikman lagi. Hindi rin niya maintindihan ang kanyang sarili. Hindi naman siya ganon sa ibang babae. Ang mga babae ang laging unang gumagawa ng unang hakbang upang makarating sila sa kama.

Madali lang siyang makakuha ng babae kung gustuhin niyang may kasex pero iba ang babaeng ito. Hindi niya mapigil ang kanyang emosyon na para bang hibang na hibang siya sa babaeng ito. Na para bang uhaw na uhaw siya. Hindi naman siya dating ganyan. Kadalasan ang mga babae ang unang nag-iinitiate ng halik sa kanya. Hindi katulad ngayon na parang iwan di niya maintindihan ang sarili. Ayaw pa naman niya ng long term commitment at baka anong isipin ng dalaga sa mga halik niya. Baka tanungin siya nito ng label ng relasyon at iyon ang di niya masagot. Ayaw niya itong paasahin sa wala. Ayaw niya itong isali sa mga babaeng umaasa na balang araw ay mamahalin rin nito at pakakasalan. Kaya hihingi siya ng sorry rito at pipigilan na niya ang kung ano mang kakaibang damdaming nadarama.

Nilingon niya ang dalaga ngunit nabigla siya ng makita niya itong ngumiti ng napakatamis. Di niya iyon inaasahan. Inaasahan niyang tuluyan magalit ito sa kanya.

Irresistible KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon