Part V

1.8K 50 0
                                    

Kasalukuyang nagpapahangin si Keshia sa ilalim ng puno sa may baybayin na malapit lang naman sa tinutuluyan niyang bahay. Halos mangalahati na siya sa kanyang binabasang pocketbook. Mahilig talaga siyang magbasa ng mga romance stories simula noong high school pa siya. Ang pagbabasa na talaga ang libangan  niya at sa tuwing gusto niyang maramdaman ang mafall inlove, nagbabasa agad siya. Kaya sa bahay nila ang dami niyang collection ng pocketbooks at english romance novel. Kaya siguro pihikan siya pagdating sa lalaki. Laging sinasabi sa kanya ng kaibigang si Gwen na kaya wala siyang magustuhan at sinasagot sa mga manliligaw niya ay dahil ang taas ng standards niya. Hinahanap daw niya ang mga lalaking sa pocketbook lang matatagpuan. Ang mga lalaking perfect ay kathang isip lang ng mga manunulat kaya dapat huwag magmasyadong taasan ang standard at baka tatanda daw siyang dalaga.

Isa rin siguro iyon sa dahilan kung bakit sinagot niya ang dating nobyong si Jerome kahit hindi naman niya gusto ito bilang isang lalaki sa simula pero natutunan rin naman niya itong mahalin kalaunan dahil sa masigasig nitong panliligaw sa kanya at sa pinakakitang kabaitan nito.

Pero ang gagong iyon iniwan lang pala ako, sa loob-loob niya. Medyo may galit pa rin siyang nadama sa dibdib dahil sa ginawa nito sa kanya. Kung alam lang niya na sasaktan lang pala siya nito ay hindi nalang sana niya binigyan ito ng pagkakataon na maangkin ang puso niya.

Sa anim na buwan nilang relasyon, pinasaya naman siya nito. Napakalambing nito na hindi niya akalain na bigla pala siya nitong iiwan.
Buti nalang hindi niya naibigay ang kanyang iniingatang puri rito. Gustong gusto nitong dalhin siya sa isang hotel pero di siya pumayag dahil parang hindi pa siya handa para doon. Sa edad niyang biente tres ay parang ang bata pa niya para papasok sa mga ganyang bagay. Gusto niya, ibibigay lang niya ang kanyang virginity sa lalaking asawa na niya at paninindigan niya yon. Kaya walang nagawa ang nobyo ng hindi siya napilit nito.

Hindi kaya't iniwan niya ako dahil sa relasyon nilang walang sex life? At kung sa halik naman, padampi dampi lang ang ginawa ng binata dahil hindi niya pinayagang umabot sa puntong makalimot sila at baka pagsisihan nila sa huli, sa isip-isip niya.

Halik. May naalala siyang halik na kakaiba. Kakaiba sa halik na ginawad sa kanya ng ex niya. Ang halik ni Mathew na laging nagtatanggal ng katinuan ng isip niya. Ang halik nitong nagpapatindig ng balahibo niya, na nagdadarang sa kanya sa apoy at napakasarap namnamin. Ang halik na parang ayaw niya nang matapos hanggang sa halos mapugto na ang hininga nila. Bakit iba ang hatid ng halik nito kaysa halik ng ex niya? Nguguluhang tanong sa isip ni Keshia.

"Ang lalim ng iniisip ah" tinig ni Mathew ang pumutul sa iniisip niya.

Halos matutulala na naman siya ng matunghayan ang napakatamis na ngiti at napakagwapong mukha nito. Sa hitsura nitong may matangos na ilong at may maputing balat at matangkad, at may abuhing mata ay masasabi niyang may lahi itong foreigner.

"Oh natulala ka naman sa kagwapuhan ko". Pabirong untag nito at ngiting-ngiti.

"Sinong gwapo? Saan? Saan?" Palinga-linga siya abang sinasabi yon ng pabiro. Tawang tawa naman ang binata habang tinuturo ang sarili.

"Mahilig ka palang magbasa ng ganyang klase ng libro. Romanceee... Paasahin ka lang niyan. Hindi totoo yang mga pag-ibig na pag-ibig na yan." Komento nito.

"Well, gustong gusto kong magbasa ng ganitong genre kasi naniniwala ako sa pag-ibig. Ang sarap kayang umasa na isang araw makakatagpo rin ako ng taong magmamahal sa akin ng tulad ng pagmamahal na binigay ng bidang lalaki sa babae doon sa kwento." Paliwanag niya na may ngiti pa sa labi at papikit pikit pa ng mata na parang nangangarap na magkatotoo talaga.

"Tapos magpakasal, magkaanak at magsama habang buhay." Pagpapatuloy niya na parang ang sarap isipin na mangyayari 'yon sa kanya.

"Well, magkaiba pala tayo ng pananaw pagdating sa bagay na yan. Ayoko ng long term commitment. Having a family in the future never cross my mind." Sansala nito sa sinabi niya.

"Hoy bakit naman wala kang plano? Iba pa rin iyong tumanda ka na kasama mo iyong minamahal mo sa buhay." Paliwanag naman ni Keshia.

"So you don't believe in love?". Tanong uli ni Keshia sa binata.

"Well, of course I do believe in love." Sagot nito. "And that's the reason why some people leave their partners too because they fall in love with the other people." Malungkot ngunit may pagtatagis ng bagang na pagpapatuloy nito.

"Ang lalim ah, mukhang pinagtaksilan ka ng girlfriend mo noon ano?" Pabirong tanong niya.

"My uncle left his wife for another woman." Mabilis na sagot ng binata.

"Teka, ano ba itong pinag-uusapan natin. How about let's go and have fun. Mayroon daw maliit pero magandang falls sa banda roon. Mga 20 minutes walk lang daw. Puntahan natin?" Pag-iiba nito ng usapan.

"Sure, let's go." Pumayag nalang siya kahit gusto pa sana niyang magkomento sa huling sinabi nito na hindi lahat nga tao ay ganon, manloloko, pero pinili nalang niyang manahimik tungkol doon.

Binaybay nila ang dalampasigan ng halos biente minutos hanggang sa matagpuan nila ang maliit na falls pero may medyo kalakihang halos pabilog na pool na may pinaghalong berdi at asul na kulay. Ang ganda tingnan at ang sarap lumangoy.


Irresistible KissWhere stories live. Discover now