Part VIII

1.6K 56 1
                                    

Halos kadarating lang ni Keshia sa opisinang pinagtatrabahoan niya trenta minutos bago ang call time nila. Nagtatrabaho siya sa isang malaking call center sa Maynila bilang isang manager. Medyo malaki naman ang sahod at nakasasapat naman sa mga pangangailangan niya. Ang mga magulang niya ay nagtatrabaho pa at ang kapatid naman niya ay nakapagtrabaho naman agad pagkatapos grumadweyt sa kursong Criminology.

Graduate din si Keshia sa kursong nursing. Pagkagraduate niya ay nagreview siya at kumuha agad ng exam for nurses.

Bored na bored siya habang hinihintay ang resulta ng pasulit kaya naisipan niyang maghanap muna ng ibang trabaho. BPO ang una niyang naisip na pwedeng pagtrabahoan kasi madali lang daw siyang makapagresign kung kailangan na niyang magtrabaho as nurse sa isang hospital. Well ang ibang agents nga nag-aawol lang kung kelan nila gusto at hindi naman sila hinahabol. Ganyan ang kalakaran sa BPO, maraming mga call center agents na pagkatapos makuha ang christmas bonus o 13th month pay ay hindi na babalik at mag-AWOL o absent without leave nalang. Wala namang magawa ang management kundi maghire ng maghire ng agents. Workers in BPO are just come and go. Ang iba di siguro makayanan ang graveyard shift.

Natanggap agad siya at nagsimula sa trabaho pagkapasa niya ng trainings. Nagsimula siya bilang agents at nagustuhan naman niya agad ang trabaho niya. Una medyo nag-aadjust pa talaga ang katawan niya sa bagong routine ng tulog niya pero kalaunan ay nasanay na rin siya.

Nagkaroon naman agad siya ng maraming kaibigan. May mga nanligaw agad sa kanya pero hindi niya ito pinapansin o pinatulan. Wala rin naman siyang nagustuhan. Iwan ba niya lagi niyang iniisip yong mga heroine sa pocketbook na kapag nakita nito ang lalaking gusto niya ay bigla nalang kakabog ang dibdib niya at hinahanap niya 'yong feeling na "I feel butterfly in my stomach" kaso hindi niya maramdaman iyon ninuman. Siguro pihikan lang talaga siya o baka masyado siyang nagpapaniwala sa mga nababasa niya sa libro.

Nakapasa si Keshia sa pasulit at lisensyadong nurse na siya ngunit parang nawili parin siya sa kanyang trabaho. Ayaw pa niyang umalis sa trabaho. Newbie pa lang siya kung ikukumpara siya sa iba ngunit maganda ang performance niya. Ginalingan daw niya masyado sabi ng mga naging kaibigan na kasama niya sa team. Lagi siyang sumusobra sa quota. Hindi rin siya umaabsent kahit minsan.
Kaya noong may nakita siyang hiring manager sa bulliten board ng HR, nag-apply agad siya kasama ang kaibigan niyang si Rachel. Hindi naman sila nabigo at nakapasa sila pareho. Kaya ngayon ay manager na sila. Magdadalawang taon na rin siya sa kompanya ng hindi niya namamalayan.  Isang taon nalang at magreresign na siya. Iyon ang pangako niya sa mga magulang niya sa tuwing sinasabi nitong sinasayang lang niya ang kursong pinaghirapan niya ng ilang taon. Iwan ba niya pero naenjoy talaga siya sa trabaho niya sa kasalukuyan.

Kakaupo lang ni Keshia sa kanyang upuan ng mapansin ang bagong dating na pamilyar na lalaki na umupo sa katapat ng misa niya.

Napatda siya ng mapagsino ito. Si Jerome ang walang hiyang ex niya na nang-iwan sa kanya.

"Kumusta ka na, Keshia?" Tanong nito sa kanya

Hindi agad siya nakapagsalita. Nabigla at hindi niya inaasahan na bigla itong magpapakita sa kanya at parang walang nangyari kung makapagkumusta ito sa kanya.

"I'm sorry." Sabi nito at lumapit sa kanya.

"Sorry? Para saan?" Maang-maangan niyang tanong rito. Hindi niya naramdaman na galit parin siya rito o masaya siya na nakita na niya uli ito. Hindi niya matukoy kung ano ang maramdaman niya.

"Sorry sa ginawa ko. Sa pag-iwan ko sayo. Labis kong pinagsisisihan yon. Sanay mapatawad mo ako." Sagot nito.

"Kalimutan mo na 'yon. Nakamove on naman ako eh." Nakangiting saad niya rito. "Siguro hindi talaga tayo para sa isa't isa." Pagpapatuloy niya.

Nasiyahan naman ang binata sa narinig na napatawad na siya ni Keshia.
"Mahal pa rin kita,babe. At gusto ko sanang makipagbalikan sayo." Agap nito sa sinabi niya.

"I'm sorry Jerome pero tapos na tayo. Let's just be friends." Sagot niya rito. Ayaw na niyang sumugal dito at sasaktan lang siya nito.

"Liligawan kita uli, babe hanggang mahalin mo akong muli." Pinal nitong sabi.

"Bahala ka." Sagot nalang ni Keshia para tumahimik na ito. Nagbalik naman siya sa ginagawa niya. Umupo naman ang binata sa kaharap na computer at nagsimula na ng magtrabaho.

So nagbalik na ito sa trabaho. Ano kaya talaga ang dahilan at bakit bigla siyang iniwan nito. Curious siya sa rason nito pero hindi na niya gusto pang malaman ang dahilan nito. The harm was already done. Nasaktan na siya nito at ayaw na niyang halungkatin pa ano man ang dahilan nito.

Magfocus muna siya sa trabaho kailangan nilang makuha ang qouta ngayong gabi or else baka ipapatawag  siya ng supervisor nila at papaliwanagin kung bakit di sila nakaqouta. Medyo nakakastress kung ganon kaya todo encourage at motivate siya sa kanyang mga agents para ganahan itong magtrabaho. Balita pa naman niya ay may bago daw silang boss. Ang anak daw ng may-ari ng kompaya ang kasalukuyang nagmamanage sa ngayon dahil nagkasakit ang ama nito at ang anak ang humalili rito.

Hindi pa niya nakita ang bagong boss nila. Ayon sa ibang nakakita rito ay napakagwapo raw nito ngunit napakastrikto daw nito pagdating sa trabaho. Kaya kailangan nilang maabot ang qouta agad at baka biglang mag-iikot ito sa floor nila.

Kailangan din niyang magpakitang gilas dahil nag-aaply siyang supervisor. Nalaman niyang hiring ang kompanya niya ng dalawang supervisors at medyo marami-rami rin ang nag-apply kaya i-ischedule pa ang interview nila. Ang may-ari daw ng kompanya ang mag-iinterview sa kanila. Medyo kinabahan siya pero kakayanin niya. Hindi naman siguro siya lalamunin nito ng buhay.

Irresistible KissWhere stories live. Discover now