Part XI

1.6K 57 0
                                    

"Good morning" Bati ni Mathew sa kay Keshia. Halos di makatingin ang dalaga dito. Iwan ba niya pero bigla siyang kinabahan ng lumapit ito sa kanya at sa pormal nitong boses at anyo. Wait ito kaya ang boss nila?

"How's our sales?" Tanong nito sa kanya. Halos hindi siya makasagot sa pagkabigla. Ito nga ang bago nilang boss. Patay!

"So far, it's going well sir. We reach our hourly qouta so far." Halos mautal na siya sa pagsagot dito.

"Well, that's great, Miss Ledezma or shall I call you Miss? What's your name again Ana? Is it really Ana or ...?" Tanong nito habang titig na titig pa rin sa kanya na parang inaarok siya.

Hindi siya nakasagot agad sa tanong nito. "Keshia sir, Keshia Louise Gonzaga" Sagot niya. Boss pa rin niya ito.

"Keshia Louise Gonzaga" pag-uulit sa pangalan niya. "What a nice name." Sabi nitong parang may pang-uuyam.

May galit ba ito sa kanya? Wala naman siyang malamang dahilan ng ikinagalit nito maliban sa hindi niya pagsasabi ng totoong pangalan. Isa pa siya dapat ang magalit rito dahil sa tuwing magkalapit sila ay bigla-bigla nalang siya nitong hinahalikan ng walang paalam.

"I'm sorry sir sa hindi ko pagsasabi sa'yo ng totoo kong pangalan. I didn't expect that I'll meet you again." Hingi niya ng paumanhin rito. Kailangan niya pa ring magpakababa dahil boss niya ito.

Hindi naman niya maintindihan ang reaksiyon ng mukha nito. Mukhang mas lalong nagalit. Hindi ito nagsalita at bigla siyang iniwan nito.

Natulala nalang siya. What a small world. Sa laki ng Pinas ay natyempuhan pang magiging boss niya ito. Napabuntong hininga nalang siya.

"Anong nagyayari bakit parang seryoso yata ang pinag-uusapan ninyo ng boss natin?." Usisa ni Jerome sa kanya.

"Wala naman, just a reminder tungkol sa trabaho." Pagsisinungaling niya. Buti nalang umalis ito at kinakausap ang isang agent nito ng dumating ang boss nila kaya hindi narinig nito ang pinag-uusapan nila ng boss nila.

"Okay. Sabay tayong maglunch break mamaya. Ililibre kita. Labas tayo saglit nakakasawa na ang pagkain sa pantry." Aya nito sa kanya. Alas kwatro ang lunch break nila. Isang oras yon at may time pa silang lumabas. May bukas naman na bolalohan sa kabilang kanto kaya pumayag na siya para kahit paano ay gusto niyang lumanghap ng sariwang pang-umagang hangin.

Kakabalik lang nila ni Jerome sa opisina. May kinse minutos pa sila bago magbalik sa trabaho. Nasa loob na sila ng elevator. Silang dalawa lang. Nabigla siya ng hawakan ni Jerome ang kaliwang kamay niya. Akmang babawiin niya ito ng biglang tumigil ang elevator sa ikalawang palapag at nakatayo si Mathew sa labas ng bumukas ang pinto. Napatitig ito sa magkahawak na kamay nila ni Jerome habang pumapasok sa loob ng elevator. Bigla niyang binawi ang kamay na hawak ni Jerome.

"Good morning boss" Bati ni Jerome rito ngunit hindi ito sumagot ni ngumiti man lang. Tama namang huminto ang elevator sa ikatlong palapag at nagpatiunang lumabas siya.

Naiinis na siya sa kanyang sarili. Bakit ba sa tuwing nakikita niya ito ay natataranta at kinakabahan siya. Buti nalang kasama niya si Jerome kanina dahil kung hindi baka...napahinto siya sa naisip, baka hahalikan na naman siya nito at hindi naman siya makapalag dahil natatangay agad siya na ikinaiinis niya sa sarili niya.

Hindi rin niya maintindihan si Mathew.  Noong una niya itong makasalubong at makasama sa loob ng elevator ay sinasabi nitong namimiss raw siya nito at naramdaman naman niya ang sensiredad sa boses nito ngunit bigla itong naging cold sa kanya at masungit na parang may kasalanan siya na kung tutuusin ay ito ang may atraso dito sa panghahalik nito sa kanya ng walang permiso.

Baka nga namiss talaga siya nito at kaya galit ito sa kanya dahil iniwan niya ito sa isla. Sa isip niya na parang kinikilig. Ayehh..kinilig siya sa isiping iyon.

Pero hindi, hindi na dapat ako padadala sa mga halik niya. Kapag kuway sabi niya sa sarili niya. Naalala niya ang sinabi nito na hindi ito naniniwala sa long term commitment. So ibig sabihin niyon kung may magustuhan man ito ay pampalipas oras lang. Titikman, paliligayahin pagkatapos kung magsawa na ito ay bigla nalang nitong iiwan ang babae.

Ayoko, ayokong mapabilang sa mga babae nito. Kumbinsi niya sa sarili niya.

Katatapos lang niya sa trabaho ng tawagin siya ng supervisor niya para sabihing pinapareport siya sa opisina ng boss nila.

"Tara na sabay na tayong lumabas." Yaya ni Jerome sa kanya.

"Mauna ka na pinatawag pa ako ng boss natin." Sagot niya.

"Bakit daw?" Naguguluhang tanong nito. Noong ang matandang Rogers pa namamahala sa kompanya ay ni minsan wala itong pinatawag na emplyedo maliban sa mga supervisors. Kung may gusto itong kausapin nag-iikot ito sa buong floor at kinukumusta ang sales.

Nagtataka rin siya at biglang dumaloy ang kaba nang maisip na maghaharap na naman sila.

"Iwan ko hindi ko pa alam." Kibit balikat na sagot niya.

"Sige mauna na ako. See you tonight." Nakangiting paalam nito at nauna ng lumabas.

Siya naman ay dumiritso muna sa restroom at sinuri ang sarili. Medyo haggard na ang mukha niya. Inaantok na rin siya. Naisipan niya maglagay ng pulbo sa mukha at kunting lipstick at nagwisik ng kunting pabango sa katawan bago pumanhik sa opisina ng boss sa itaas.









Irresistible KissWhere stories live. Discover now