Part X

1.6K 57 0
                                    

Halos hindi naman makapaniwala si Mathew na makita niyang muli ang dalaga. Akala niya hindi na niya ito makikita pa. Wala siyang ideya kung saan ito nakatira dahil hindi naman sumagi sa isip niya na tanungin ang dalaga sa bagay na iyon. Kikilalanin pa niya itong mabuti pagkatapos ng nangyari sa kanila sa falls na ìyon. Iba ang hatid na saya nito sa kanya sa tuwing makikita niya ito. Ang maamo nitong mukha at ang sexy nitong katawan na hindi niya pagsasawaang tingnan. Lagi itong nagdudulot ng init sa kanyang katawan sa tuwing nasa malapit lang ito.

Pinuntahan niya ito kinagabihan sa hostel na tinutuluyan nito para makita at kausapin tungkol sa nagyari. Ngunit sabi ng may-ari ay wala daw sumasagot sa loob at baka tulog daw ito. Kaya napagpasyahan nalang niyang babalikan niya ito kinabukasan dahil baka nga naguguluhan pa ito sa nangyari.

Pinuntahan niya agad ito kinabukasan pagkatapos niyang mag-almusal ngunit hindi na niya ito naabutan. Umalis na daw ito at sumakay sa unang trip ng bangka na maghahatid ng pasahero sa bayan na kung saan doon sila makakasakay ng bus pabalik ng Maynila. Alas siete pa lang at alas sais ang alis ng bangka kaya dali-dali siyang pumunta sa may pantalan at nagbabakasakaling maabutan niya ito ngunit kakaalis lang daw ng bangka. Sobrang lungkot ang nadarama niya ni hindi niya alam kung saan ito matatagpuan o magkikita pa ba sila nito. Biglang ahon naman ng galit sa kanyang dibdib sa ginawa nito. Wala ba talaga itong kahit kunting pagtingin sa kanya at basta nalang siyang iniwan nito. Napatiim bagang nalang siya habang nakatingin sa laot.

Nakaupo si Mathew sa kanyang swivel chair habang pinadahan dahan niya itong iniikot. Nasa loob siya ng kanyang opisina. Dalawang linggong mahigit na siya roon. Siya ang itinalaga ng kanyang amang humalili rito sa kompanya dahil nagkasakit ito. Ito na rin raw ang tamang panahon para pamahalaan niya ang negosyo ng kanyang ama. May iba pa silang branches na nasa Visayas at Mindanao. Ang nakatatandang kapatid naman niyang si Karen ang namamahala sa Visayas at ang bunso nilang si Harold ang nangangasiwa sa Mindanao. May asawa na ang ate niyang si Karen at may isang anak. Kasalukuyan ring nakatira sa Cebu ang ate niya dahil nakapag-asawa ito ng Cebuano. Si Harold naman ay kagagraduate lang nito sa kolehiyo ngayong taon sa kursong Business Administration at sinabak agad ito ng ama nila na mamahala sa negosyo nito.

Biglang nagkasakit ang ama nila dahil na rin siguro sa katandaan nito at sobrang kapaguran sa trabaho dahil nag-iisa lang itong namahala sa negosyo nila. Ang ina naman nila ay patulong tulong lang ito sa mga negosyo. Ayaw nitong makialam sa negosyo ng asawa dahil wala daw itong hilig doon at nagtayo nalang ito ng sarili nitong coffee shop kung saan doon ito mahilig. Isang Amerikanong piloto ang ama nila. 45 years old na ito nang makilala ang ina niyang 28 years old. Nagkaibigan ang mga ito at nagpakasal.

Biente singko na siya at ang ate niya ay biente sais naman. Kaya matandang matanda na ang ama nila.

Biglang naputol ang pagmunimuni niya ng magkaroon ng ideya kung paano mahanap agad si Ana. Kinuha niya ang telepono at nagdial sa HR department. Magtatanong siya kung saan niya ito makikita.

"Good morning, Can you please check the personal data of Miss Anna Marie Ledezma. At kung saan siyang floor ngayon nakaassign." Diritsong utos niya sa empleyadong nasa kabilang linya.

Agad naman nitong hinanap sa computer ang pangalan ng empleyadong hinanap ng boss nito.

"I'm sorry sir, wala pong Ana Marie Ledezma na empleyado dito." Sabi ng nasa kabilang linya.

Hindi siya makapaniwala sa sinabi nito.  Hindi siya magkamali. Si Ana iyong nakita at nayakap niya kani-kanina lang.

"Can you please double check it?" Utos parin niya.

"Wala talaga sir. I Double check it already." Paliwanag nito.

"Okay thank you." Sabi niya sabay baba sa telepono.

They have thousands of employees working in their seven-story building. At mahihirapan siyang hanapin ito. Sa dalawang linggo niya dito sa kompaya ay kanina nga lang niya ito nakita. Kahit madalas naman niyang ginagamit ang pang-empleyadong daanan para mapalapit siya sa mga empleyado at makita niya kung ano ang mga ginagawa nila.

Dali-dali siyang tumayo at lumabas.
"Let's go" kayag niya sa kanyang sekretarya. Sumunod naman agad ito sa kanya. May naisip siya, lilibutin niya ang buong building hanggang mahanap niya ang dalaga sa hindi masyadong obvious na paraan. Kukumustahin na rin niya ang mga empleyado nila.

Iuuna nilang sinuyod ang third floor na kung saan doon huminto ang dalaga. Nilapitan niya ang mga manager at kinausap tungkol sa trabaho nito at sa sales ng gabing iyon. Tinitingnan naman niya ang mga agents na busy sa kanya-kanyang trabaho.

Nadismaya siya dahil hindi parin niya naispatan ang babaeng hinahanap.

Kapapasok lang niya sa right wing nang building ng naturang palapag ng mapadako ang tingin niya sa babaeng papunta sa cubicle nito. Gotcha! Sa isip niya.

Dapatda naman ito ng makita siya. Nilapitan niya ito. Halos hindi naman ito tumingin sa kanya.

Irresistible KissWhere stories live. Discover now