Part XIII

1.6K 49 0
                                    

Diritso agad si Keshia sa kwarto pagdating niya ng bahay. Gusto niyang pumikit at matulog upang makalimutan niya ang hindi magandang nangyari sa kanya sa opisina ng nagdating gabi. Ngunit ayaw siyang dalawin ng antok. Pilit sumisiksik sa isip niya ang imahe ng binata. Mas lalo itong gumagwapo sa paningin niya. Ang makasalanang labi nito na laging nanghahalik sa kanya ng walang paalam ay lalong nagbibigay sa kanya ng sensasyong nagdadala sa kanya sa di maipaliwanag na pagnanasa.

Siguro tama ito. Gusto rin niya ang binata. Gustong matikman at hanggang doon lang. What happened between them is just pure lust and nothing else. Hindi niya ito iniibig. No way and never niya itong iibigin. Kumbinsi ni Keshia sa sarili.

Aaminin niya napakagwapo nito at walang babae ang hindi maaakit sa binata. Kaya siguro saksakan ito ng yabang dahil kahit sinong babae na gusto nito ay nakukuha agad nito ng walang kahirap-hirap. Maliban sa gwapo ito ay mayaman din ito at kayang bilhin ang ano at sino mang gustuhin nito. Ngunit takot ito sa commitment at iyon ang lalong nagpapakulo ng dugo niya. Akala ng lalaking iyon ay lahat ng tao ay kaya nitong bilhin at paglaruan at pagkatapos pagsawaan ay ano? Paauwiin nalang at sabihing thanks for the time, ganon? "Grr..ang yabang talaga. Hindi mo ako mapabilang sa mga babae mo." Sambit ni Keshia na sarili lang ang kausap.

Napabalikwas siya ng bangon ng biglang pumasok sa kwarto ang mama niya.

"Oh bakit hindi ka pa bumaba at kumain ng almusal? Huwag mong sabihing matutulog ka na ng walang laman ang tiyan." Sabi nito sa kanya

Bungad na naman ng ina niya. Hindi siya titigilin nito hanggang hindi siya kakain.

"Baba na po ma." Napabuntong hiningang sagot niya rito.

"Alam mo ba na iyong kapatid mo nag-aakyat ng babae dito sa bahay kagabi. Aba't mukhang maunahan ka pa yata ng kapatid mo anak. Kailan mo ba ipakilala sa amin ang boyfriend mo? Abay magbiente kwatro kana sa susunod na buwan." Sabi nito nito na dahan dahang umupo sa bakanteng upuan sa harap niya habang siya'y nilalantakan na ang inihanda nitong almusal sa kanya. Mahilig magluto ang ina niya kaya hindi niya mapaghindian ang masasarap nitong pagkain.

Alam ng pamilya niya ang nangyari sa kanila ng dating nobyo. Nasasaktan din ito para sa kanya. Kaya siguro pilit siya nitong maghanap ng bagong boyfriend para makita na nakamove on na talaga siya.

"Ma, wala ho akong boyfriend at ayoko munang isipin iyon." Sagot niya sa ina.

"Gusto lang kitang makitang masaya." May pag-alalang saad nito.

"Ma gusto niyo lang yatang magkaroon na ng apo eh." Pagbibirong sabi niya.

"Well...?" Sambit nito habang tumatawa. Nagkatawanan nalang sila. Alam niyang mahal na mahal siya nito.

----

Nagmamadaling bumaba si Keshia sa sinasakyang taxi na huminto sa harap mismo ng gusaling pinagtatrabahoan niya. Naispatan kasi niyang papasok na sa loob ng gusali ang dating nobyo nitong si Jerome.

"Jerome" Tawag niya sa binata. Napalingon ito at bumalik sa labas ng makita siya.

"Oh bakit? Namiss mo ako?" Pabirong sabi nito habang nakangiti.

"Ano ka sineswerte?" Ganting biro niya rito. "Well, gusto lang kitang makasabay paakyat." Agad na sabi niya at binigyan ito ng matamis na ngiti.

Sinadya niya iyon dahil alam niyang may isang pares ng mga mata ang nakatingin sa kanya. Ang boss nila. Kaya sumabay siya kay Jerome dahil noong kakahinto lang ng taxi na sinasakyan niya ay nahagip agad ng paningin niya ang aroganteng boss nila na kakapasok lang at huminto. Kinausap nito ang supervisor nilang nakasalubong. At iniwasan niyang baka kausapin na naman siya nito.

"Pinasaya mo ako ngayon." Halos pabulong na saad ni Jerome sa kanya. Hinawakan siya nito sa kamay. Ayaw niya sana kaso nakatingin pa sa kanila ang boss nila kaya pinabayaan nalang niya si Jerome sa pagkakahawak nito sa kamay niya.

Sa pagkakahawak nilang iyon ay hindi niya maiwasang maikompara ang nararamdaman niya sa tuwing mahawakan ni Mathew ang balat niya. Kay Jerome ay parang wala lang. Kay Mathew ay parang lagi siyang nakukuryente sa tuwing dadaiti ang kamay nito kahit saang parte ng balat niya. Ang bawat dampi nito sa kanya ay  bumubuhay ng kakaibang apoy sa katawan niya.

"Good morning, boss." bati ni Jerome kay Mathew ng madaanan nila ito. Tinapunan naman niya ito ng tingin ngunit hindi ito nakatingin sa kanya. Nakatingin ito sa magkawak na kamay nila. At hindi man lang ngumiti bilang ganti sa pagbati ni Jerome.

"Ang yabang. Hindi man lang ginantihan ang pagbati mo." Inis na saad niya.

"Totoo nga ang usap-usapan na masungit ang bagong boss natin." Sabi nalang ni Jerome. At sabay silang pumasok sa elevator. Hinila naman agad niya ang kamay ng magsara ang pinto nito.

Pagdating na pagdating nila sa kani-kanilang cubicle ay naglog.in agad sila. Maya't maya ay tumawag sa kanya ang HR department via audio call sa kanilang line. Dali-dali niyang iniayos sa ulo at tainga ang malaking headset niya at sinagot ang tawag.

"Good morning, miss Keshia." Bungad na bati nito. Bumati na rin siya.

"I would like to inform you that your schedule for an interview for a supervisor position is already set and that will be after your shift tonight. Please be at Mr. Rogers' office on time. Be ready and good luck." Diri-diritsong saad nito.

"I will be there, thank you." Maiksing sagot niya tsaka pinatay ang tawag.

Biglang dumaloy ang kaba sa dibdib niya. Bakit ang boss nila ang mag-iinterview sa kanya? Diba dapat ang taga HR? Parang sinasadya ito ng binata at dahil sa naisip ay lalo siyang kinabahan. Para siyang nanlumo sa naisip. Baka gipitin siya nito na magiging dahilan na hindi siya makapasa sa inaaplayang posisyon. Malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya. She must be ready.

Irresistible KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon