Part XII

1.6K 51 0
                                    

Nagbuga muna ng hangin sa dibdib si Keshia bago kumatok sa opisina ng boss nila. Nasa labas ang sekretarya nito at naabisohan na nito ang boss nila na dumating na siya. Suminyas naman ito na papasukin siya.

Dahan dahan niyang pinihit ang siradura ng hindi sumagot ang nasa loob. Natambad sa kanyang harapan ang lalaking nagpapabilis ng tibok ng kanyang puso sa tuwing masisilayan at nasa malapit ito. Nakatitig lang ito sa kanya.

"Sir pinatawag nyo raw po ako?" Umpisa niya. Nag-umpisa ng mangatog ang mga tuhod niya sa klase ng pagtitig nito sa kanya. Maya-maya ay pinaupo siya nito. Hindi naman ito nagsasalita. Tinitigan lang siya nito. Hindi naman niya alam kung ano ang gagawin o sasabihin.

"Kung wala ka naman pa lang sasabihin at gusto mo lang sayangin ang oras ko, mabuti pang uuwi na ako." Mahina ngunit may halong iinis na sabi niya rito. Patungo na siya sa pinto para umalis ngunit biglang tumayo at mabilis na nilapitan siya ni Mathew. Naagapan nito ang kamay niyang bubuksan sana ang pintuan. Hinawakan siya sa mgkabilang balikat at isinandig sa dingding ng opisina. Nakorner siya at hindi siya makakilos sa sobrang pagkadikit ng likod niya sa pader at sa katawan nitong nakadikit na sa harapan niya. Tinitigan siya nito na parang galit o ano man ay hindi niya matukoy. Bago pa siya makapalag ay sinibasib na siya ng halik nito. Sinubukan niyang iwasan ang mga halik nito ngunit disidido itong tunawin ang lahat ng depensa niya.

Nag-uumpisa na namang nagliyab ang apoy sa katawan niya. Namimiss niya ito ng sobra. Naliliyo siya sa bawat halik nito. Halos mapugto na ang hininga niya ngunit hindi parin ito tumigil hanggang siya na mismo ang kusang humahalik rito at ginantihan ang bawat halik na iginawad nito sa kanya.
Natangay na naman siya. Gustong tumigil ng utak niya pero hindi ng katawan niya.

Biglang huminto si Mathew sa paghalik sa kanya at tinitigan siya bago nagsalita. Pareho silang hinihingal sa ginagawa.

"How come na ang isang babaeng may nobyo na ay mainit pa rin na nakipaghalikan sa iba?" Patuyang tanong nito sa kanya.

"What?" Naguguluhang tanong niya.

"Siguro ay dahil mas gwapo pa ako kaysa sa nobyo mo? O siguro mas masarap pa ako sa nobyo mo?" May diin at may halong galit na pagpapatuloy nito.

"Ano bang pinagsasabi mo?" Naguguluhan siya. Sino bang nobyo niya ang tinutukoy nito? Si Jerome ba? Napangiti siya sa naisip ngunit bigla ring nawala ng marealize ang sinasabi ng binata. Pinagbibintangan siya nitong cheater sa nobyo kuno niya.

"Huwag ka nang magmaang-maangan pa. Alam kung gusto mo rin akong matikman tulad ng gustong gusto rin kitang matikman." Pagpapatuloy nito.

Biglang umahon ang galit sa dibdib niya. Aba'y napagkamalan pa siyang malandi at patay na patay dito. Oo nga at hindi niya mapigilan ang sariling damdamin sa tuwing nasa malapit ito pero nungkang bibigyan niya ito nang kaligayahan sa panghahamak nito sa kanya.

"Alam mo ikaw na yata ang lalaking pinakamayabang sa lahat ng nakilala ko. Kahit pa siguro ikaw nalang ang lalaking natitira sa mundo ay never ever kitang papatulan." Singhal niya rito. Tumatahip ang dibdib niya sa galit.

"Well hindi iyan ang sinasabi ng bawat halik na iginawad mo. At ang bawat init ng iyong katawan na nagsasabing magpapaubaya sa akin." Nakangiti nitong sabi.

"Pwes nagkamali ka, nadadala lang ako pero walang ibig sabihin 'yòn." Matigas na tanggi niya. Kahit anong mangyari ay hindi niya aaminin ang kanyang damdamin rito.

"Talaga ba? Sino ang kinukumbinsi mo? Ako o ang sarili mo?" Pilit paring paamin ni Mathew sa dalaga.

"Ano ba talagang gusto mo ha?" Galit na tanong niya rito.

"Ikaw. Be mine." Saad nito habang hinahaplos ng isang kamay nito ang pisngi niya.

"Pakakasalan mo ba ako?" Panghahamon na tanong niya rito. Alam niyang ayaw nito ng long term commitment.

Hindi ito sumagot. Siguradong hindi nito napaghandaan ang tanong niya.

"You know I can't give you that. You can ask me anything you want except marriage."  Kapagkuway sagot nito.

"Then, our conversation is over." Agap niya sa sabihin nito. Nasasaktan siya sa sagot nito. Parang hiniwa ang puso niya. Gusto niyang umiyak sa kasawiang nadarama. Wala na talaga silang pag-asa. Kung talagang gusto man siya nito ay hanggang doon lang. Hanggang pangkama lang siya at wala ng iba.

"I can offer you the world. I have a lot of money, I can give you whatever you want." Pagpapatuloy pa rin nito.

"Kung ayaw ko anong gagawin mo?" Nakipaghamonan siya ng titig sa lalaki.

"You'll be mine whatever it takes." Siguradong sagot nito sa kanya.

"Really? Huh! Ang lakas rin ng tama mo ano. Ayoko nga sayo dahil may boyfriend na ako at mahal na mahal ko 'yon." Pang-iinis pa niya rito. Sorry Jerome at magagamit kita laban sa lokong lalaking ito.

Hindi ito nagsalita ngunit tila nasaktan ito sa sinabi niya.

Mabilis niya itong itinulak palayo at dali-daling lumabas ng silid na iyon.
Halos nangnginig pa siya sa pinaghalong galit, kaba at pagnanasa sa lalaki. Oo pagnanasa kahit na galit na galit siya ngunit tila ang katawan niyay gusto itong dikitan kahit na iniinsulto nito ang pagkatao niya. Kahit na sinasaktan nito ang puso niya. Ito parin ang hinahanap ng puso niya.

Irresistible KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon