Part XV

1.7K 52 2
                                    

"Congratulations." Bati ng mga kasamahan niya sa production floor. Napag-alaman nitong napromote siya bilang isa sa mga supervisor ng kompanya. May pacake namang inihanda si Jerome at iba pa niyang kasama sa production floor. Sinurprisa siya nito bago mag-umpisa ang trabaho nila.

"Thank you." Pasalamat niya sa mga ito.
Biglang natigil sila sa kasiyahan ng biglang dumating ang boss nilang si Mathew. May kasama itong babae na mukhang foreigner at isang lalaki na ganon din ang mukha. Mukhang mga negosyante rin ang dating. Napadaan ito sa kanila.

"Good morning sir, Good morning mam!" Halos magkapanabay na bati ng mga kasamahan niya. Ngiti lang ang ganting bati ng mga ito. At nagpatuloy sa pag-iikot sa buong production floor.

Nasasaktan naman siya sa pambabaliwa ni Mathew sa kanya. Halos isang linggo ng nakaraan ng huli silang nag-usap. Pagkatapos ng nangyari sa loob ng opisina nito, ng sagutan nila, ng halikan ay hindi na siya pinapansin nito.

So ano iyong yakap at halik na iginawad nito, huling paalam at hindi na siya guguluhin nito? Tanong sa isip niya. Naiinis siya at nasasaktan siys pambabaliwala nito sa kanya. Kahit magkasalubong sila ay parang wala lang nito. Parang hindi siya nakita nito. Nasasaktan siya sa ginawa nito.

Di ba iyon naman ang gusto niya ang tigilan na siya nito? Pero bakit ngayon ay hinahanap niya ito. Bakit ngayon ay nasasaktan siya sa tuwing hindi siya pinapansin nito. Habang tumatagal ay lalo niya itong namimiss. Namimiss niya ang pang-aakit nito, ang pang-iinis nito sa kanya at ang panghahalik nito. Hindi kaya'y totoong umibig na talaga siya sa lalaki? Hindi lang nagustuhan kundi umibig na siya rito. Kahit sa maikling panahong kasama niya ito at nabihag agad nito ang puso niya. Bakit hindi niya iyon nararamdaman kay Jerome noon? Si Mathew halos gabi-gabi niya itong iniisip. Halos gabi-gabi nitong ginugulo ang isip at puso niya.

Ngayon sigurado na siya. Iniibig niya ang binata. At ang lalaking iyon ay nagsawa na rin sa kanya. Ayaw na nito sa kanya kahit pampalipas ng oras man lang. Nasasaktan siya pero kakayanin niya. Pero kung hindi na talaga niya makayanan ay magreresign nalang siya. Hindi na niya hihintayin ang isang taon bago magresign.

Halos maluha siya sa sakit na nararamdaman ng mga oras na iyon.

"Are you okay, Keshia.?" May pag-alalang tanong ni Jerome sa kanya.

"I'm okay. Medyo sumakit lang itong ulo ko." Pagsisinungaling niya at kunway minamasahi ang masakit na ulo. Lumapit naman si Jerome sa kanya at minamasahe ang ulo niya.

"Huwag na, kaya ko ito." Pag-iwas niya.

"Hayaan mo na akong masahiin ang ulo mo. Alam mo namang magaling akong magmasahe eh." Pagmamayabang na sabi nito habang dahan-dahang minamasahe ang ulo niya.

Napalingon naman sila ng makarinig ng malakas na tikhim.

"What's wrong with your head? If you have headache, you should go to the clinic and get some med. Hindi iyong magpapamasahe ka diyan sa harap ng maraming tao." Sabi nito na may halong pag-alala at galit na hindi niya mawari.

Sasagutin sana niya ito ngunit tinalikuran na siya nito.

Pagkatapos ng isang linggo na hindi siya kinakausap nito ay biglang nitong magsasalita na parang may himig na pag-alala sa kanya.

Nakakabwesit talaga ang lalaking iyon.
Pero mas gusto parin niya iyong ganito, nakakarinig siya ng mga pasaring o pang-aasar mula dito kaysa hindi siya nito kausapin. Mas masakit iyong para ka nalang hangin na dumadaan sa harap nito na hindi ka man lang napapansin. Sa loob-loob ni Keshia.

----
Nag-iisang umakyat si Keshia sa pinakamataas na palapag na kung saan nandoon ang opisina ng big boss nila at ang HR office. Lunch break ng team nila kaya hindi siya nag-aksaya ng oras na pumunta ng HR. Nag-email ito sa kanya na papuntahin siya doon para mapirmahan ang kontrata para sa posisyong supervisor.

Nasa loob siya ng elevator ng huminto ito sa ikaapat na palapag. Biglang tumahip ang dibdib niya ng makita si Mathew na pumasok. Mukhang hindi rin nito inaasahan na makasalubong siya.

Wala ni isa mang kumibo sa kanila. Pareho silang nagpaparamdaman. Gusto niyang kausapin siya nito. Gusto niyang kausapin ito ngunit parang nagsara ang bibig niya at ayaw mabuksan.

Parang nagsisimula ng nag-init ang loob ng elevator.

Nakatayo ito sa tabi niya na malapit an malapit sa kanya. Halos naririnig na niya ang bawat paghinga nito at naririnig rin niya ang mabilis na pagtambol ng dibdib niya.

Hindi na niya kaya. Hinarap niya ito at biglang sinibasib ng halik. Hindi naman siya nadismaya dahil niyapos rin siya nito at sabik na sabik siyang hinalikan sa labi. Nang biglang huminto ang elevator sa pinakamataas na palapag na pupuntahan niya.

Biglang naghiwalay ang kanilang mga labi. Pareho silang hinihingal. Nagmamadali at nauna nang lumabas si Keshia ngunit naabutan at pinigilan siya ng binata sa kamay. Napaharap siya sa binata.

"What's that mean?" Tanong ng binata habang tinititigan siya sa mata.

"About what?" Maang-maangan niyang tanong.

"The kiss." Maiksing tugon nito na hindi parin inalis ang titig nito sa kanya.

"Ah iyon ba, baliwala iyon. Gusto lang kitang mahagkan, no big deal like what you did all the time" Pabaliwalang sagot niya.

Napahigpit naman ang hawak ng binata sa kamay niya. May nababanaag siyang galit sa mga mata nito.

"Anong no big deal ang sinasabi mo? May nobyo kang tao tapos bigla kang manghahalik sa ibang lalaki ?" Galit na saad nito.

"Bakit ikaw lang ba ang ay karapatang manghalik ng babaeng alam mong may nobyo na?" Balik tanong niya rito. Nakikipagsukatan ng titig.

"Anong kaibahan nating dalawa?" May diin na tanong niya.

"Don't marry that guy." Utos nito sa kanya.

"At bakit naman hindi?" Ganting tanong niya.

"Dahil hindi mo siya mahal at sasaktan mo lang siya. Kapag makilala mo iyong lalaking mahal mo ay iiwan mo rin siya." Sagot nito na may halong pait ang tinig nito.

"Tulad ba ng ginawa ng ante mo sa uncle mo? How sure are you na iiwan ko siya kung mahanap ko na ang taong mahal ko?" Balik tanong niya rito. Nasasaktan na siya sa tingin ng binata sa kanya. At nasasaktan rin siya para sa binata. Alam na niya, kaya ayaw nito ng commitment dahil takot itong magaya sa iba na pinagtaksilan. Duwag ito.

"You already cheated on him when you kissed me." Siguradong sagot nito.

Hindi siya makasagot. May punto ito. Napatunayan niya rito na isa siya sa mga babaeng hindi dapat pakasalan dahil isa siyang cheater. May nobyo nga pala siya sa pagkakaalam nito.

Humugot muna siya ng malalim na buntong hininga bago niya ito sinagot.

"Pakakasalan ko parin siya. At wala kang pakialam sa buhay ko." Pasinghal niyang sabi. Ginalit na naman siya ng lalaking ito. Bakit ba ito laging nangingialam sa buhay niya. Bakit ba hindi nalang siya tigilan nito.

Hinila niya ang hawak nitong kamay niya at mabilis na tumakbo at pumasok sa pambabaeng palikuran. Pinagbigyan niya muna ang sariling huminahon at tsaka tumuloy sa HR office.

Irresistible KissWhere stories live. Discover now