Entry #2 - I Was In Heaven

272 7 2
                                    

I WAS IN HEAVEN

Pagkadating ko sa bahay ay puro bulyawan ang nadidinig ko mula sa aking mga magulang. Sa araw-araw na ginawa ng Diyos ay laging nag-aaway ang aking Nanay at Tatay. Ang Tatay ko kasi ay laging lasing. Ang Nanay ko lang ang nagtratrabaho sa amin. Kung baga isang malaking palamunin ang Tatay kong magaling. Hindi na nga nakakatulong, lagi pang lasing.

Lima kaming magkakapatid. Dalawa kaming nag-aaral at ang tatlo ay naiiwan sa kapit-bahay namin at habang si Mama ay naghahanap-buhay.

Naiisip ko nga minsan paano  nagpapakasya ni Nanay ang sinasahod niya bilang tindera sa palengke. Sa pagkain pa lang ay kulang na. Tapos sa baon pa namin at pang-inom ng aking Tatay.

Minsan naiisip kong tulungan si Nanay sa paghahanapbuhay at huminto na lang sa pag-aaral. Pero hindi naman pumayag si Nanay.

Paano ko mapagpapatuloy ang aking pag-aaral, wala akong pang tuition next sem. Minsan  nasabi ko sa sarili ko napakadaya ng buhay. May mayayaman naman diyan pero ayaw ng mag-aral pero yung ibang mahirap na tulad ko ay gusto mag-aral pero wala kaming pambayad sa pang-eskwela.  May mga mayayaman din na kumakain pero hindi na nila tinitignan kung magkano ang presyo.  Ang mahirap naman na tulad namin ay iisipin pa namin kung paano kukuhanin ang kakainin namin. Minsan nagdidildil na lang ng asin kapag wala kaming ulam.

Pumasok na ako ng kwarto namin. Nagsisigawan pa din ang mga magulang ko. Naririnig ko pa sila kaya ako’y nahiga at tinakpan ko ang aking tenga. Sobrang lungkot at ganito ang klase ng pamilya ko. Bakit ba ganito  ang buhay? Sana naging mayaman na lang ako.

----

Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako. Wala na akong naririnig na sigawan at ang tanging narinig huni ng mga ibon. Tumayo naman ako at nakita ko na nasa hardin pala ako na napakaganda. Napakalawak ng hardin. Paano ako napunta dito? Panag-inip lang ba ito?

Naglakad-lakad ako, napakaganda ng lugar at madaming taong nagsasayawan at nagkakantahan. Kung titingnan mo ay tila napakasaya nila.

May lalaking papunta sa akin, matangkad ito, mahaba ang buhok, may balbas, at nakasaya itong puti. Napakaamo ng kanyang mukha. Tila kapag tinitignan mo siya mawawala ang pagkalungkot mo, gagaan ang pakiramdam mo. Napansin ko ang kanyang butas sa kamay. Tinawag niya akong anak at inaya niya akong umupo sa bangko.

“Papa Jesus,  ikaw po ba yan?” Tanong ko sa Kanya na parang hindi ako makapaniwala. “Ibig sabihin po ba na narito ako sa inyong kaharian?”

Tumango lang Siya at ngumiti sa akin. “Naririnig kita kanina nagtatanong ka kung bakit ang daya ng buhay. Lahat ng iinisip mo ay narinig ko. Sana huwag mong isipin iyan. Nabubuhay ka sa mundo dahil alam kong lahat ng pagsubok ay kakayanin mo.” Niyakap Niya ako. “Anak, mahal Ko kayong lahat.”

Bigla akong nagising. Nasa bahay na pala uli ako. Naging emosyonal ako. Simula ngayon iibahin ko na ang aking pananaw. Kahit anong pagdaanan ko ay alam kong malalampasan ko ito dahil alam kong nariyan lang  Siya at hindi ako pababayaan.

POW 2014 (1st One-Shot Writing Contest)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon