Entry #13 - Masked Marriage

207 6 0
                                    

MASKED MARRIAGE

SA isang malayong kaharian na kung tawagin ay Pantasya, hindi magkandaugaga ang mga tao sa paghahanda. Iyon ang araw para sa kasal ni Prinsesa Yoria ang nag-iisang anak nila haring Joel at reyna Victoria, at sa Duke na nagmula sa kahariang Chirk.

"Nakita mo ba ang prinsesa? Tunay na napakaganda niya sa kanyang pangkasal na kasuotan." humahangang saad ni Lady Mj.

"Pero halatang hindi siya masaya!" sagot ni Lady Ilyn.

Hindi lingid sa palasyo na may ibang iniiibig ang prinsesa na isang mababang-uri lamang.

"Ipakasal mo man ako sa kanya ay hinding-hindi niya maaangkin ang puso't kaluluwa ko!" umiiyak na saad ni Yoria nang minsang kausapin siya ng hari para ianunsyo ang kanyang kasal.

Indeed, it was a very strange wedding, dahil lahat ng nagsidalo ay pawang nakasuot ng maskara na tanging mata at bibig lamang ang maaaring makita.

Nang matapos ang seremonyas at ianunsyo ng pari na maaari nang halikan ng groom ang bride naramdaman ng dalaga ang tila pamilyar na init na dulot ng halik nito kaya naman hindi niya maiwasang maalala ang lalaking tanging iniibig, pakiramdam niya ng mga sandaling iyun ay nagkasala siya, kaya mabilis niyang tinapos ang halik na hindi nakaligtas sa mga mapanuring mata ng taong naroon.

Lihim namang napamura ang Duke. Alam niyang hindi siya ang pangarap na makasama ng prinsesa sa araw at sa okasyon na iyun, dahil alam niya na may iba na itong iniibig. Nagtatagis ang bagang at kuyom ang kamao na tumingin siya sa Hari.

"Ladies and gentleman,nagpapasalamat ako sa inyong pagdalo at pagsaksi sa pag-iisang dibdib ng aking prinsesa at ng Duke mula sa kaharian ng Chirk." saad ng hari.

"Maaari bang kayo ang maunang magtanggal ng maskara?" tanong nito sa bagong kasal na sabay tumango.

Halos lahat ay na-excite dahil wala ni isa man ang nakakakilala sa Duke kaya halos lahat ay dito nakatingin.

Ganun din ang pakiramdam ng Hari, dahil kahit siya ay hindi pa ito nakaharap ng personal.

Lihim na pinag-aaralan ng Duke ang mukha ng mahal na Hari saka bahagyang napangisi saka hinubad ang maskara.

"Gen!' hindi makapaniwalang bulalas ng Prinsesa ng makilala ang mukha sa likod ng maskara.

"H-hindi! Isa kang impostor! Kawal,hulihin ang impostor!" malakas na utos ng Hari ng makilala ito.

Wala ni isang kawal ang lumapit dahil naunahan na ito ng kawal ng Duke na si Gene Francis na sadyang nakahanda dahil alam na nila ang mangyayari oras na malantad ang katotohanan.

Inakbayan niya ang prinsesa at ginawaran ng pinong halik sa noo bago muling hinarap ang galit na hari.

"Sinadya kong magpanggap para alamin kung anong klaseng kaharian ang Pantasya dahil maraming nagsasabi na napakaganda nito. Tama nga sila, maganda ang inyong palasyo. Subalit kabaliktaran ng inyong pag-uugali!"

"Simula sa araw na ito ay isasama ko ang aking kabiyak sa aming palasyo at doon ay magsasama kami ng maluwalhati't masaya, malayo sa mga mapanghusgang nilalang." sabi nito bago hinalikan ang asawa na malapad ang pagkakangiti at nangingislap ang mga mata na tila isang butuin sa kalangitan.

End.

POW 2014 (1st One-Shot Writing Contest)Where stories live. Discover now