Entry #21 - Wishing Well

179 7 3
                                    

WISHING WELL

 

     'Lord, birthday ko ngayon, ang wish ko lang naman ay boyfriend.'

     Hinalikan ko ang sampung piso ko at tumalikod sa wishing well. Pumikit ako at unti unting pinakawalan ang barya sa kamay ko.

     Ngumiti ako sa pag-asang magkakaboyfriend din ako.

     "Aray!"

     Agad akong napatalikod at nakita ko si kuya nasa sa kabilang parte ng wishing well na hawak hawak ang ulo niya. Sa kanya ata nahagis yung barya ko.

     Agad akong lumapit at para humingi ng depensa.

     "Sorry, Kuya. Hindi ko sinasadya. Baka tadhana ang may sala." biro ko sa kanya.

     “Si Ate, sinisi pa ang ang tadhana, ikaw ‘tong tatanga tanga.” Sabi nito habang hawak hinihimas himas ang ulo niya.

     “Ang hard mo, kuya.” Nakasimangot ko sabi.

     “Ang hard din ng pagbato mo eh.” Nakasimangot niyang depensa.

Napalingon kami  nang may tumikhim sa tabi namin.

     “Tapos na kayong maglandian?” yamot na tanong ng ale.

- - -

7 months later.

     Nakatayo ako kung saan kami unang nagkita. Dito nag-umpisa ang lahat. Kung hindi dahil sa wishing well at barya ko, hindi ko siya makikilala at hindi ko siya magiging boyfriend. Oo. May boyfriend na ‘ko.

     6 months na kami ngayon araw na ‘to at laging saksi ang wishing well na ‘to kung gaano namin kamahal ang isa’t-isa. Tuwing monthsary namin, dito ang tagpuan namin at lagi siyang may dalang green roses na siyang paborito kong kulay.

     Napatingin ako sa relos ko at huli na siya ng 30 minutes sa tagpuan namin. Tinext ko siya, pero hindi siya nagreply.

     Kinakabahan ako sa maaaring mangyari.

     Makalalipas ang isang oras pang paghihintay, nakita ko sa siya bukana ng parke. Nawala ang pangamba ko at nabunutan ng tinik. Ngumiti ako na parang walang nangyari.

     Nang makalapit siya, umusbong na naman ang kaba sa dibdib ko. Ang kawalang emosyon sa mga mata niya, wala siyang dalang kahit ano na hindi ko inaasahan.

    “Happy 6th monthsary ba-“ naputol ang masayang pagbati ko.

    “Ayoko na. Break na tayo.”

    Huminto ang mundo ko sa narinig ko sa kanya. Sumakit ang dibdib ko at unti unting lumalabas ang mga luha ko.

     ‘Anong nagawa ko para mangyari ‘to?’

    “Bakit?” tanging nasabi ko.

     “Nagsasawa na ako.” simpleng sagot niya.

     “Anong bang mali sa’kin? Ano pa bang hindi ko naibibigay sa’yo? Kasi sa pagkaka-alam ko, lahat naibigay ko na.” nanghihinang sabi ko habang hinahampas siya.

     “Nakabuntis ako.”

     Nanigas ako sa narinig ko at tanging luha lang ang umaagos sa panahong marinig ko ang bagay na ‘yon.

    “Minahal mo ba ako?” maluha luha kong tanong sa kanya.

     “Sorry, Joy.” Lumuha siya at katumbas no’n ay awa. Awa sa wasak kong puso.

Ang ‘Sorry’ ay katumbas ng salitang ‘Hindi’ Isang salitang nagbigay ng dahilan para sumuko ako.

     “You can now leave me.” Sinubukan kong maging matigas. Pero ang luha ko ang nagpapatunay na hindi ko kaya.

     Tumalikod siya at unti unti siyang nawawala sa paningin ko.

     Napaupo ako katabi ng wishing well at binuhos ang lahat ng sakit na natanggap ko.

    ‘Buntis rin ako, Basty.’ Bulong ko sa hangin.            

POW 2014 (1st One-Shot Writing Contest)Where stories live. Discover now