Entry #3 - Facebook Status

292 9 3
                                    

 FACEBOOK STATUS

Kasalukuyang nakaharap si Paprika sa kanyang laptop habang ini-stalk ang kanyang ultimate crush na si Hiro Schu. Napabuntong hininga siya nang makita ang napakagwapong mukha ng binata. Matagal na niyang hinahangaan ito, ngunit hindi ito napapansin ng binata. Oo nga’t magkaibigan sila, pero sa kanyang palagay ay hanggang doon na lamang iyon.

Biglang may lumabas na mensahe mula sa kanyang kaibigan na si Pony.

“Hi Paprika! May dare ako sayo!”

“Ano naman yan?” Reply niya sa kaibigan.

“Magpost ka ng status para sa crush mo. I-tag  mo siya tapos sa huli sabihin mo na, ‘Dare lang ‘to. Natatae talaga ko.’”

Hindi pa siya nakakasagot sa kaibigan ng bigla itong mag-log out.

‘Magpost ng status para sa crush ko? Para kay Hiro?!’ Nanlaki ang mata ni Paprika sa naisip kasabay pa ang pamumula ng kanyang mga pisngi.

Bigla ulit may lumabas na mensahe mula kay Pony.

“Kapag hindi mo ginawa yung dare hindi kita papansinin on the whole semester!”

Napailing siya sa nabasa. Tinotopak na naman ang kaibigan niya. Minsan kasi ay kung anu-ano talagang kalokohan ang naiisip nitong ipagawa sa kanya.

Nag-aalinlangan man ay ginawa pa rin ni Paprika ang dare.

Hi Hiro! Alam mo bang matagal na kitang crush? Hindi mo man napapansin pero matagal na kong may lihim na nararamdaman para sayo. Nung una crush lang kita, hanggang sa magustuhan at mahalin kita. Sana mapansin mo ‘tong nararamdaman ko para sayo.

 

P.S. Dare lang ‘to. Natatae talaga ko.

 

Lingid sa kaalaman ni Paprika, magkakampi sila Pony at Hiro sa kalokohang ito. Matagal na ring gusto ni Hiro si Paprika pero ewan ba niya kung sadyang duwag lang siya at hindi niya masabi sa dalaga ang pagtingin niya dito.

Sinabi ni Pony kay Hiro ang tungkol sa nararamdaman ni Paprika sa binata, pero dahil ayaw maniwala ni Hiro, kailangan niyang gumawa ng paraan at itong dare ang naisip niya.

Nung una ay hindi pa rin makapaniwala ang binata sa status na ginawa ni Paprika pero naisip din niya na, ‘Kung hindi ‘to totoo, maaari namang hindi niya sundin ang kaibigan, hindi di ba?’

Napangiti na lamang siya at agad na tinugon ang status ng babaeng mahal niya.

Isang minuto ang lumipas nang makita ni Paprika na ni-like ni Hiro ang status niya.

‘Totoo ba ‘to o baka nananaginip na naman ako?’

Gulat na napatitig si Paprika sa notification na lumabas, pero hindi pa siya nakaka-recover ay bigla na namang may lumabas na notification.

Hiro Schu commented on your post.

Talaga? Hm, so totoo nga na gusto mo ko? Sinabi na sakin ni Pony ang totoo, at may gusto rin akong aminin sayo Paprika. Matagal na kitang gusto. The first time I saw you, nagsimula na kong maniwala sa love at first sight. Nakipagkaibigan ako dahil gusto kong mapalapit sayo. Sadyang torpe lang ako para aminin sayo noon, pero ngayong alam ko ng mahal mo rin ako, hindi na ko magpapaka-torpe pa.

 

 

Gusto kitang ligawan Paprika, pwede ba?

POW 2014 (1st One-Shot Writing Contest)Where stories live. Discover now