Entry #15 - Happy Anniversary

235 8 1
                                    

HAPPY ANNIVERSARY!

 

 

~krinnnnnnggggg~

 

Nagising ako ng dahil sa tunog ng Alarm clock. Inabot ko ito atsaka pinatay. Nagunat ako kahit na nakapikit parin. Gusto ko pang matulog pero hindi na pwede dahil paniguradong magagalit nanaman siya.

 

 

Unti-unti kong idinilat ang mga mata at muling nag-inat. Bumungad naman saakin ang napakagandang mukha ni Jam.

 

 

 

"Good Morning Mylabs!" Bati ko sakanya. Hindi niya ako sinagot bagkus lumapit na lamang siya at niyakap ako.

 

 

 

"Antok pa?" tanong ko sakanya at sinagot niya naman ako ng tango.

 

 

 

"Asus! Mahiga ka na muna at maghahanda ako ng almusal natin." Nginitian ko siya bago ako lumabas ng kwarto.

 

 

 

Dumiretso na muna akong banyo para maghilamos at magmumog.

 

 

 

Binuksan ko ang ref at naghanap ng maluluto. Buti may Ham pa. Kinuha ko naman kaagad yun at naghanda ng gagamitin para maprito ko na.

 

 

 

Hindi ko namalayan na bumaba na pala si Jam dito sa kusina. Nang nilingon ko siya, nakita ko siyang palapit saakin.

 

 

 

"Gutom ka na? Saglit nalang 'to." nahinto ako saglit ng yakapin niya ako mula sa likod. Naglalambing nanaman siya.

 

 

"Gusto mo ng fried rice Mahal?" tumango lang siya bilang sagot. Mukhang gutom na nga talaga siya.

 

 

Nang mailagay na sa plato yung Ham agad din naman akong nagsangag para makakain na. Ayoko din namang nagugutom si Jam.

 

 

Inakay ko na siya sa upuan niya at nang makaupo na siya, umupo na din ako sa kaharap niyang upuan. Nagkuwentuhan at nagkulitan kami habang kumakain. Nang matapos kaming kumain, hinugasan ko na rin kaagad yung pinagkainan namin.

 

 

Pumanhik ako sa kwarto at nakita ko siyang nagbabasa ng libro. Hinalikan ko naman siya sa pisngi kaya nakuha ko ang atensyon niya.

 

 

 

"Busy ka naman ata masyado diyan Mahal? Nga pala, maggrocery lang ako saglit. Hintayin mo ako mahal ah?" Muli ko siyang hinalikan at sa pagkakataong 'to sa labi na. Hindi ko na inantay pa ang sagot niya, kaagad din akong umalis para mamili.

 

 

 

Naisip kong magluto ng Kaldereta kaya naman yung mga putahe nalang muna 'non ang binili ko. Paborito ni Jam ang kaldereta kaya panigurado matutuwa 'yon at mapaparami nanaman ang kain niya.

 

 

Nang mabayaran ko na ang pinamili ko, kaagad din naman akong umuwi sa Bahay.

 

 

 

"Mahal, andito na ako!" Sigaw ko. Hindi na ako dumiretso sa kwarto at sa kusina na ako kaagad pumunta. Napatingin ako sa relo ko at nakitang maga-alas dyis na, sakto maluluto na 'to bago magtanghalian.

 

 

Nang maluto na yung Kaldereta inilagay ko na siya sa maayos na lalagyan. Mamaya ko nalang tatawagin si Jam, maliligo nalang muna ako para makapagayos narin.

 

Nagising ako dahil may pumatak sa mukha ko. Dinilat ko naman kaagad ang mga mata ko. May araw naman pero umaambon. Si Mahal talaga, ibang klase talaga manggising. Bumangon ako mula sa pagkakahiga at tumingin sa harap ko, si Jam.

"Mahal namimiss na kita. Sobra sobra na yung pangugulila ko sayo. Hays! Hindi pa ba ako pwedeng sumunod sayo diyan? Mahal na mahal kita. Mahal, Happy 4th Anniversary!" kasabay ng pagpatak ng luha ko ang pagbuhos ng ulan. 

POW 2014 (1st One-Shot Writing Contest)Where stories live. Discover now