Entry #8 - Tayo Na

213 8 0
                                    

Tayo na!

“Bea.” Nagsusulat si Bea nang biglang may kumalabit sa kanya at agad siyang napangiti ng makita niya ang bestfriend na si Kian. “Dala mo ba ‘yung Math notebook ko?” Tanong nito.

Napasapo naman si Bea sa kanyang noo. “Naku! Pasensya na Kian naiwan ko kasi sa bahay eh!”

“Ayos lang, pahiram muna ako ng sa’yo, isulat mo nalang ako pag-uwi mo tapos isusulat na kita ngayon.” Nakangiting sabi ni Kian kay Bea.

“Sige. Salamat at pasensya na talaga, huh?” Tumango nalang si Kian rito bago naglakad palayo. Napangiti nalang si Bea sa papalayong bestfriend niya.

Lumipas ang ilang oras at huling subject na nila.

“Bea, tayo na!” Napatingin si Bea kay Kian habang nanlalaki ang mga mata.

“Anong sabi mo?” Tila gulat parin siya sa narinig mula rito.

“Ang sabi ko, tayo na.” Naguguluhan naman si Kian sa hitsura ng kaibigan na si Bea. Pati ang ibang mga kaibigan ni Bea at kaklase nila ay narinig ang sinabi ni Kian. “Tayo na ang kukuha ng libro.”

Agad namang napatayo si Bea ng mapagtanto niya ang sinabi nito. Kuhaan nga pala ng libro, abala kasi siya sa pagbabasa ng komiks kaya hindi niya na namalayan.

Habang kumukuha siya ng mga libro ay naririnig niya ang mahihinang tawanan at bulungan ng mga kaklase niya. Naiinis na siya sa mga ito. Nagulat naman siya ng may kumalabit ulit sa kanya. Pagharap niya rito ay si Kian ang nakita niya at may hawak itong maliit na sticky note.

I fell inlove with my Bestfriend, Kian <3 Nakasulat sa sticky note. Nainis naman lalo si Bea sa nakita at pairap na tinignan ang mga kaibigan na nagbibigay ng mga malolokong ngiti sa kanya. Tumayo ang isa niyang kaibigan hawak ang isang notebook. Pamilyar iyon sa kanya, ‘yon ang Math notebook niya! Teka ano bang meron doon?

“Dear Bea, Ilang taon na tayong classmates at minsan seatmates pero tamad ka paring magsulat. Thankful naman ako na tamad kang magsulat atleast nakaka-usap kita tuwing manghihiram ka sakin ng notebook. Tuwang-tuwa ako pag nagpapa-cute ka sakin para lang manghiram ng notebook o ‘di kaya ay para mangopya. Sa lahat ng nagpapakopya ako na yata ang pinaka-masaya dahil kung ikaw ang papakopyahin ko ay ayos lang.

Sabi ni Ma’am forty-six lang daw ang chromosomes ng tao pero kapag kasama kita nadadagdagan at nababawasan yata yung akin. Abnormal na nga yata ako. Ewan ko ba pero I like you, Bestfriend. I like you, Bea.” Sigaw ng kaibigan niya.

Napatingin naman si Bea kay Kian nang bigla nitong sabihin na, “Tayo na?”

“Tayo na.” Sabay silang naglakad pabalik sa upuan nila dala ang mga libro nila, pareho silang nakangiti at magkahawak ng kamay kaya naman agad ng hiyawan at tilian ang mga kaklase nila.

Hindi man sila magsalita ay alam nilang pareho sila ng nararamdaman para sa isa’t-isa.

POW 2014 (1st One-Shot Writing Contest)Where stories live. Discover now