Entry #10 - MAURA'S LOVE

194 5 0
                                    

Maura’s Love

NAPALUNOK si Maura nang masaksihan ang paglapat ng mga daliri ni Kenson sa pisngi ng kasama nitong babae. Masaya ang mga itong kumakain at nagkukuwentuhan sa loob ng isang restaurant habang siya ay malungkot na nakamasid 'di kalayuan sa mga ito.

Apat na taon na ang nakalilipas ngunit hindi nagbago ang pagtingin niya kay Kenson. Mahal niya pa rin ito. Ang lalaking inakalang niyang mahal siya ngunit hindi naman pala. Ang lalaking minahal niya nang sobra, iba pala ang gustong makasama habang buhay.

"Nami-miss na kita," sambit niya. Bumaling siya sa katabi nitong babae. "Lalo ka na, Ate." Ang kaisa-isa niyang kapatid na si Maxine na siya palang totoong gusto ng binata.

Malungkot siyang napangiti. Siya ang may dahilan kung bakit nagkakilala ang dalawa.

Mula pa lang simula ay sinabi na ni Maura sa ate niya ang tungkol kay Kenson. Ulila na sila sa magulang at tiyahin na lang nila ang sumusuporta sa kanila. 18th birthday niya noon nang ipakilala niya ang binata kay Maxine. Ito rin kasi ang escort niya.

Napapikit siya nang mariin. Bumalik sa kaniyang isipan ang alaala na nagpahantong sa kaniya sa kamatayan.

"Ate, kayo na pala ni Kenson. Kailan pa? Bakit hindi mo sinabi?" salubong ni Maura sa kapatid na kagagaling lang sa trabaho. Magulo ang kaniyang buhok, ang mata ay mugto dulot ng pag-iyak. Pati na rin ang kaniyang ilong ay nagkulay kamatis na.

 

Bakas sa mukha ni Maxine ang gulat. Marahil hindi nito inaasahan na malalaman niya.

 

"Ate," ulit niya.

 

Nag-iwas ito ng tingin. "Ayaw ka naming masaktan. I'm sorry, Maura,” anito.

 

"Mukha ba akong hindi nasasaktan? Alam mo namang matagal ko na s'yang gusto, 'di ba? Akala ko ba partners in crime tayo. Bakit naglihim ka sa ‘kin?” Napahikbi siya. “Ate, mahal ko s'ya." Tila sinasaksak siya ng ilang beses. Hindi lang dahil iba ang mahal ni Kenson, dahil din sa paglilihim ng kapatid niya. Gusto niya itong saktan ngunit wala siyang lakas ng loob.

 

"I'm sorry, Maura. Sorry. Mahal ko rin siya." Malungkot ang tinig nito, batid niyang wala itong planong hiwalayan ang binata.

 

Muli siyang napahagulhol. Agad siyang tumakbo papasok sa kuwarto bago pa man siya nito mayakap.

 

Ilang araw siyang nagkulong sa loob ng kuwarto. Ni hindi na siya pumapasok sa eskuwelahan. Depress na depress siya ng mga araw na iyon hanggang sa ginawa niya ang isang bagay na labis niyang pinagsisisihan – kinitil niya ang sariling buhay.

Kung maaari nga lang niyang ibalik ang buhay niya, gagawin niya. Subalit hindi na niya maibabalik pa ang kamay ng orasan. Wala siyang ibang magagawa ngayon kundi ang titigan na lamang ang mga ito at maging masaya. Kaluluwa siya na sa wakas ay matatahimik na dahil tanggap na niya ang kinahinatnan ng buhay niya. Sapat na rin sa kaniya ang ngiti ng dalawang tao sa loob ng restaurant.

"Hanggang sa muli.” Iniangat niya ang mga paa at naglakad palayo. Hindi iyon ang mundo niya. Kailangan na niyang lisanin ang mundong iyon sapagkat kailanman ay hindi na siya magiging bahagi pa niyon.

POW 2014 (1st One-Shot Writing Contest)Where stories live. Discover now